"Hindi pwedeng ganito ka na lang, Rosette! Bumangon ka na riyan at humarap sa mga bisita!" Pinilit ako ng mama sa puntong sinasaktan na niya ako para lang lumabas sa kwarto ko rito sa mansyon namin at humarap sa bisita.

But I still couldn't do it because I did nothing else but cry with my loss... Hindi ko pa rin matanggap at gusto ko na lang mamatay din at sumunod sa kung nasaan ngayon si Caspian... Gusto ko lang naman na magkasama kami at wala na akong iba pang mahihiling. Pero bakit? Bakit nangyari sa amin ito...

Pero isang araw ay pinasok ako mismo ni Sancho sa kwarto ko...

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Umatras ako hanggang sa sandalan na ng kama ko at lumayo sa kaniya.

Tumayo lang siya roon sa may paanan ng kama ko at tiningnan ako. "I'm sorry for what happened to you..." he said.

Nanatili sa kaniya ang mga mata ko. Pinapasok ba siya ng mama rito sa kwarto ko? Ganoon na ba sila kadesperado... I gritted my teeth. "I hate you! I hate my mama and papa. I hate all of you!" I shouted and then I was crying again.

Humakbang siya ng isa pang beses palapit. Gumalaw na naman ako at umatras kaya tumigil din siya. And then he sighed. "If you hate your parents... Then you can come with me..." he said.

"I won't marry you!" But I shouted at him instead.

"You will if you want out of here." he said this firmly.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya.

Pagkatapos noon ay nagkaroon kami ng kasunduan ni Sancho...

I married him and our parents were happy. But not Sancho's mama. Siguro ay dahil alam nitong hindi ko naman talaga mahal ang anak niya. At alam na rin siguro nila ang nangyari sa akin. She probably find me unworthy of her son. Pero wala na akong pakialam. Kung ayaw nga niya sana ay may ginawa siya para hindi rin maikasal sa akin ang anak niya. Pero wala rin siyang ginawa, so let's just all accept and face the consequences together...

After I married Sancho we moved to Manila because of his work as an actor. Noong una ay ayaw ng mga magulang niya ang napili niyang pag-aartista but when they found it helpful during their political campaigns ay hinayaan na lang din nila si Sancho. At ayos din sa akin na sa Maynila kami manirahan dahil naaalala ko lang ang masakit kong nakaraan dito sa probinsya...

And now we only came home for Ynessa's birthday. At may bahay din kami rito na regalo ng lolo ni Sancho sa kaniya...

"Caspian..." I whispered his name as I watched him on the stage with Ynes.

"Caspian—"

Maglalakad na sana ako palapit sa kung nasaan siya nang isang kamay ang humawak sa braso ko at pumigil sa akin. "Let's go home."

Bumaling ako kay Sancho. "Si Caspian..."

He gritted his teeth, at hinila pa rin ako paalis. Nakasunod lang din sa amin ang mga mata nina mama. Pilit kong inaalis ang kamay ni Sancho sa akin. Hindi ko rin maalis ang mga mata ko sa unahan kung nasaan si Caspian... "Caspian..."

I couldn't believe it. But I know that it's him! "Caspian—"

Sancho covered my mouth and dragged me to the car outside. Wala lang ang lakas ko kumpara sa kaniya kaya nagtagumpay siyang magawa iyon. Hindi rin kami napansin ng guests dahil abala ang atensyon ng lahat sa kay Ynes at Caspian...

"That was Caspian!" I shouted at Sancho as we were already inside his car. I tried to open the doors but he already locked it and stopped me from going out. "Let me go!" Hinampas ko siya ng mga kamay ko at halos gusto ko na rin siyang kalmutin dahil ayaw niya akong pakawalan. I have to go and see Caspian!

"Kaya nga kita dinala rito, because I knew that you'll act this way! Calm down." He said.

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya...

He sighed after I calmed down for a bit. "There's people inside, Rose. Hindi ka pwedeng mag-iskandalo roon—"

"I was told that he died! Pero buhay siya! Nakita ko lang siya ngayon... What really happened?!" Parang sumasakit ang ulo ko at hindi ko na alam ang iisipin...

"We all believed that he died in that explosion—"

"Sinungaling!" I shouted at him. Pakiramdam ko ay niloko ako. I trusted him... Nanginginig ako habang kinokompronta siya.

Natahimik siya at parang nawalan ng lakas. Mabilis akong lumabas ng sasakyan para bumalik sa loob at makita si Caspian. Pero nagulat din ako nang makita kong halos nasa harapan ko na siya agad. "Caspian..." I called his name and my eyes started to get wet from tears...

Hindi ako makapaniwala pero alam kong siya ito. I can feel it. And I know it. "Caspian—"

"You're leaving the party early." He said and he looked cold...

My lips parted. At kahit gaano pa kalamig ang boses niya ay namiss ko pa rin ito. Hindi ko na alintana iyon. Gusto ko na lang siyang yakapin...

Narinig kong lumabas ng sasakyan si Sancho sa likod ko. Pagkatapos ay nakita ko rin si Ynes sa likod ni Caspian na bumagal ang lakad palapit nang makita kami...

"Yes, Captain. We're leaving earlier than expected...I'm sorry. Iuuwi ko na ang asawa ko." Naramdaman kong lumapit si Sancho at hinawakan ako. I can't look at him because my eyes stayed with Caspian in front of me.

Mabilis na ring lumapit sa amin si Ynes. Hinawakan niya rin si Caspian. "Let's go back inside. Gusto ka pang kausap nina tito..." She said to Caspian.

Unti-unting tumango si Caspian. Pagkatapos ay binalik na rin ako ni Sancho sa loob ng sasakyan na wala pa ako sa sarili. Natigilan din ako sa malamig at hindi pamilyar na pakikitungo sa akin ni Caspian... And his eyes looked at me like it's tearing up my soul...

"What's happening..." wala pa rin sa sariling nasabi ko habang natutulala na lang sa harapan ng sasakyan...

"We'll talk once we're home." I heard Sancho said.

Natulala lang ako sa daanan at tuluyan na kaming nakaalis habang pinanghihinaan ako...

No Greater Love Where stories live. Discover now