10 ~ COURT

32.8K 2.3K 528
                                    

CHAPTER TEN

INDEED that Playa Azure is one of the best place in La Carlota. Ang nakakamanghang tanawin ay ang malawak na dagat at ang nagkikislapang buhangin dahil sa sikat ng araw.

Maaga pa kaya wala masyadong guest. Bago sila magpunta sa cottage na napili ni Grego ay pumasok muna sila sa souvenir shop na may tinda rin na damit pang swimming.

Grego waited for her until she chose the black rash guard na may katernong floral shorts. Medyo maiksi 'yon sa kanya pero 'yon na lang ang available. Pumili rin siya ng t-shirt na may tatak ng pangalan ng beach resort bilang pamalit sa nasirang school uniform.

He was the one who paid. Nakangiti ng malapad ang babae sa counter. Pareho ng halos lahat ng staff sa tuwing may mga bisita.

"Hijo, you're here!" A woman who's wearing mustard summer dress approached Grego.

Nag beso ito na madalas niya lang makita na gesture ng mga mayayaman.

"Yes, Tita."

"Nabanggit nga sa akin ni Solaris kagabi na magpupunta kayo rito. How's your mom?"

"She's fine. They will be out of the country next week."

"Oh well, I will invite Fauna here this weekend. We need some time to catch up."

Grego then glance at her. Sumunod ang tingin ng Ginang sa kanya.

"By the way, Tita, I am with Charlotta Ciervo," he introduced her.

The woman slightly pulled down her big sunglasses to have a clear view of her. Tapos ay ibinalik din sa mga mata na para bang may nakakapuwing.

"Magandang araw po, Ma'am," magalang na bati niya.

"Right. From Sitio Verde?"

"Opo."

Umismid ito. Hindi man sabihin ay ramdam niya ang disgusto. Tinatakpan lamang ng bagay na nagtatakip sa mga mata nito.

"Oh, is that okay with your mom, hijo? That you are friends with her?"

"My mom knows her."

"I see. As much as I can, I won't allow Solaris to be friends with..." hindi na nito itinuloy ang sasabihin. "Anyway, enjoy your stay here. I heard that you'll be with Yusef and Chantria? Where are they?"

"Nasa escuelahan pa, Tita. Susunod sila rito."

Tumango naman ang Ginang at umalis na. Sinundan niya ng tingin at nakita na binati rin ito ng mga staffs na naroon.

"Sorry about that," Grego said.

"Ayos lang."

He stared at her for a long moment. Nang pinanatili niya ang ngiti, sumuko rin ito. Nagpunta sila sa cottage na mas malaki kumpara sa nirentahan nila noong unang punta roon.

This time, it's a Nipa Hut stype. There's a glass wall and white curtains that served as the door. Behind is a twin large bed. Another room at the corner, probably the restroom. Sa harap naman kung saan tanaw ang asul na dagat ay ang mahabang lamesa at upuan na aabot hanggang sa sampung tao.

"Yusef was the one who booked this one. They have plan to spend the night here."

Overnight? Sa Playa Azure? Parang masaya 'yon!

"Talaga? Sino ang iba nilang kasama?"

"Some of our friends will be here too."

"How about you?"

Umupo siya sa isa sa mga ratan na upuan. Dahil nasisilaw sa matinding sikat ng araw, tinalikuran niya ang magandang tanawin at hinarap si Grego na nakasandal sa salamin na dingding.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon