Seth's POV

Akala ko ba si JC ang may sakit? Akala ko magiging okay na ang lahat. Pero bakit? A-anong nangyari?

Andito ako ngayon sa bahay. Tinext ako ng mama ni DJ. 

Hindi ko alam pero nung nabasa ko yung text na yun, Hindi ko na napigilan pang umiyak.

I texted Lester, Kats, Julia and others.

I said that DJ...

...Passed away.

Ayokong maniwala, ayoko kasi feeling ko hindi totoo. Pero nung sinabi na ni Tita, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang bata pa niya, ang aga pa para kunin siya, pero wala na. 

Wala na siya. 

Sinabi sakin ni Tita, na sa St. Peter's Chapel daw, sabi sakin ni Tita, cremation daw ang ginawa kay DJ. 

Bakit hindi manlang ako binigyan ng huling pagkakataon para silipin siya? Para makita ang mukha niya?

Iyak lang ako ng iyak, hanggang sa dumating sina Kats.

Mugtong mugto narin ang mga mata nila. "Sunduin na natin sina Kath" Sambit ni Kats.

"Alam na ba ni Kath?" Lester

"H-hindi pa." Sagot naman ni Kats.

Pinunasan ko na ang luha ko, Kailangan maging matatag ng tropa. Alam naming ayaw ni DJ na ganito kami, at higit sa lahat, ngayong wala na siya, kailangan naming bantayan si Kathryn para sa kanya. Kailangan naming tulungan si Kathryn, para matanggap niya lahat ng pangyayari.

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!