🐈🐀19

26.3K 351 137
                                    

CHAPTER 19

Cat Villanueva

Naramdaman ko ang malambot na paglapat ng labi niya sa labi ko. Napamulat ako, ang mga mata ko bilog na bilog habang nakatitig sa kanya, magkasama pa rin ang aming mga labi.

Ano'ng nangyayari?! Bakit niya ako hinahalikan?

Nanatili akong nakatigil sa gulat, ang puso ko nag-aalab sa iba't ibang emosyon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako magrereact; hindi ko akalain na mangyayari ito. Ang bawat segundo ay tila umaabot ng walang katapusan, at hindi ko na alam kung dapat ba akong magtangkang lumayo o ipagpatuloy ang nararamdaman ko.

Nang ilayo niya ang labi niya mula sa akin, napatitig siya sa aking mga mata, may pagkamahiya sa kanyang ekspresyon.

"Sorry, may ice cream kasi ang gilid ng labi mo. Wala akong tissue. Kaya hinalikan na lang kita para maalis," sabi niya, na para bang ito ang pinakasimple at pinaka-natural na paliwanag sa mundo.

Napakunot ang noo ko, naguguluhan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tatawa o magagalit. Pero sa halip, nanatili akong tahimik, ang puso ko pa rin naglalaro sa mga alon ng pagkalito at pagkabigla.

Napalunok ako at napatulala sa kanyang sinabi. Oo, wala ngang tissue, pero...

"Panyo... 'Di ba may panyo ka?" tanong ko, at ibinaba ang ulo ko dahil sa pagkailang.

Napakapa siya sa bulsa niya at, hindi nagtagal, nahawakan niya ang panyo. Alam ko na palaging may dalang panyo si Dok dahil palaging lumalabas ito mula sa bulsa niya kapag kinakailangan.

"Oh shi- I forgot, meron pala," sabi niya, nahihiyang tumawa sa sarili.

Lalo akong nailang, kaya bigla ko na lang siyang hinampas sa braso.

"Ikaw ah!" sabi ko, ang mukha ko nag-iinit sa kahihiyan.

Ako pa talaga ang nahihiya sa ginawa niya.

"Whoah! Easy, sabi ko naman sa'yo, may ice cream ka sa labi. Bakit kasi ganyan ka kumain ng ice cream?" saad niya, ang mga mata niya nagsasabing nagbibiro lang siya.

Ako pa talaga ang sinisi?!

"Hoy, Dok! Pwede mo naman sabihin ng maayos!" maktol ko, ang boses ko may halong inis.

Grabe, nakakailang halik na ba siya sa akin? Puro nakaw lang, nakakainis!

Gaga! Noong nag-make chenenus kayo, hindi mo naman mabibilang 'yon kasi nasasarapan ka non!

Nailing-iling ako sa pumapasok na naman sa isipan ko. Bakit ba bigla iyon nagpo-pop up? Nakakaloka!

"Paano kung gusto ko talagang halikan ka?" tanong niya, ang mga mata niya seryoso pero may kislap.

Gulat na napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala sa narinig.

"Ano bang sinasabi mo diyan? Pagod lang 'yan. Tara na, bumalik na tayo sa unit," sabi ko, at mabilis na tumayo.

Mabuti na lang at malapit ang trash bin. Nagtungo ako doon at itinapon ang cup ng ice cream. Kasalanan ng ice cream ito eh!

Itinapon na rin niya ang kanya, at pagkatapos ay sumunod siya sa akin. Nauna akong naglakad, hindi ko alam kung nagti-trip lang siya o seryoso, pero parang sasabog ang puso ko sa kilig. Hindi pwede ito!

Nakayuko lang ako habang nasa elevator kami, hindi maikakaila ang init sa aking mga pisngi. Ewan ko, pakiramdam ko pulang-pula na ako.

Pagkarating namin sa unit, mabilis akong pumasok sa kwarto ko at isinara ang pinto.

"Goodnight! Maaga pa pala ang duty ko bukas!" sabi ko, tinatago ang kaba sa boses ko.

"Okay, goodnight," sagot niya mula sa labas ng pinto ng kwarto ko, ang tinig niya na para bang may ngiti sa dulo.

The Doctor Series #3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon