PROLOGUE

3.5M 55.4K 40.4K
                                    

PROLOGUE

MARAHAS na ipinilig ni Anniza ang ulo habang nagmamaneho ng walang destinasyon. Laman ng isip niya ang panloloko sa kanya ni Paul, ang fiancé niya na nahuli niyang nakikipagtalik sa ibang babae.

Kailan pa siya nito niloloko? Matagal na ba? Tapos nalaman palang niya kaninang umaga. Magulo ang isip niya at para iyong sasabog. Dumadagdag pa sa sakit ng ulo niya ang lalaki sa restaurant nila kanina na walang pakundangang hinalikan siya sa mga labi sa harap ng maraming tao.

She could still remember the feeling of his lips against hers. Kahit parang tinulos siya sa kinatatayuan, naramdaman pa rin niya ang sensasyong dumaloy sa katawan niya, ang kiliti sa may puson niya. That man was a good kisser, she will bet her life on it. Simpleng halik nga lang 'yon pero hindi niya maikaka-ilang nag-init ang katawan niya at hindi niya napigilan ang daing na lumabas sa bibig niya ng ipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya.

Darn it. That man was a good kisser and her body burnt. Ni minsan hindi pa niya iyon naramdaman sa tuwing naglalapat ang labi nila ni Paul. Pero ang lalaking 'yon, bakit ganoon nalang ang epekto ng halik na 'yon sa kanya?

Pagkatapos ng paghalik nito sa kaniya, pumasok siya sa kusina at nagtago roon. Nahihiya siyang lumabas ulit. That man shamelessly kissed her. But why? Hindi ba nito nakita na isa siyang ugly, fat duckling?

A tear escaped her eyes again. Bakit ba palagi nalang issue sa mga nagiging boyfriend niya ang pagiging plus size niya? Hindi naman siya masyadong mataba, talagang malaman lang ang katawan niya. Kahit anong gawin niyang pagda-diet, wala namang nangyayari, pero sumusubok pa rin siya.

Bakit ba ganoon ang mga lalaki? They prefer skinny women than voluptuous like her? Ganoon na ba talaga ang pag-ibig ngayon, size na ang basehan kung mamahalin ang isang tao o hindi?

At bakit ba palagi nalang siyang nasasaktan? Nagmahal lang naman siya ng totoo. Kailangan ba niyang baguhin ang sarili bago may lalaking magmamahal sa kanya ng buong-buo?

Itinigil niya ang sasakyan ng makita ang Bachelor's Club. Mabilis niyang kinabig ang monabela para i-park ang kotse niya sa parking lot ng nasabing club at pumasok.

Dere-deretso siyang naglakad patungo sa bar at kaagad na umorder ng isang bote ng tequila. Balak niyang magpakalasing ngayon. Peste ang lahat ng lalaki sa mundo! Peste lahat! Buwesit!

Halos mauubos na niya ang isang bote ng tequila ng may umupo sa katabing stool.

"Planning to get wasted, agápi mou?" Anang baritonong boses ng lalaki na pamilyar sa kanya.

Lumingon siya hindi dahil sa baritonong boses kundi dahil sa lengguwaheng ginamit nito na hindi niya naintindihan pero pamilyar naman sa kanya.

Binalingan niya ang katabi at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang pangahas na lalaki kanina na humalik sa kanya.

"You!" Balak niyang sampalin ito pero nawalan siya ng lakas ng loob na gawin iyon kaya pinukol nalang niya ito ng masamang tingin. "Anong kailangan mo? Ipapahiya mo na naman ako tulad kanina? Lumayo ka nga sakin!"

Sa halip na lumayo, nginitian lang siya nito. Hindi niya napigilang maakit sa mga ngiti ng lalaki.

He had these deep granite eyes that could make any woman swoon. His aristocrat nose. His sexy lips that was curve into a sexy smile. And of course, his quiff style hair. The man was downright gorgeous, she gave him that. At nang dumaan ang tingin niya sa mga labi nito, may kakaibang epekto 'yon sa kanya.

Pero kapag gwapo ang isang lalaki, malamang may karay-karay iyong babae na pang-model ang katawan. Ginagawa nilang trophy ang mga babae. Men and their sick attitudes!

POSSESSIVE 6: Dark MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon