Part-7: Closer

59 16 0
                                        

*flashback*

Natapos na ang Christmas, New Year at X'mas break. Ang pinaka ayaw ko, PASUKAN NANAMAN!

1 month passed. Kakalungkot kasi kailangang pumunta ni Ysang sa California para dun tapusin ang highschool. So ayun, wala akong bestfriend na maingay at kontra bida.

Ang nakakagulat lang, naging magkaibigan kami ni Jhay! And guess what, wala syang kasing kulit!

"Nicki, sa tingin mo anung mas bagay sakin, blue or yellow?" Tinaas nya yung hawak nyang long sleeves.

Nasa mall po kami. Shopping para po sa JS prom. And yeah. He asked me to be his date on that night. Pumayag na ko. Wala namang malisya e.

"Masbagay sayo yung blue pero mas gusto kong isuot mo yung yellow."

"Okay eto nalang then. Violet. Thanks"

Say what? Ang gulo nya ha. -_-

"K."

"Teka, bat mas gusto mong yellow isuot ko?"

"Kasi yellow yung cocktail ko."

"So gusto mong magmuka tayong couple sa prom? Yiee.! Pinagpapantasyahan mo ako ha!" Sabi nya sabay sundot sundot sa tagiliran ko.

"Eew! Wag ka nga. Wish ko kaya yun. 1st year palang ako gusto ko nang yellow ang isusuot ng partner ko sa prom coz its my favorite color. You know, SPONGEBOB! ^_^!"

"Ambaduy. Bakla kaya si spongebob."

"What? No. He's just soft-hearted! *pout*"

"Kala mo cute ka? Yuck."

"Ansama mo!"

"Crazy. -_- So tell me, why'd you really like that gay yellow thing?"

"First of all, cute sya pero di sya bakla. Di gaya mo! Masgay. Bitter! Pangalawa, I love his attitude. His sense of humor, his soft-heartedness, his laugh, his--!"

"Okay stop. Just go to the point."

"I love everything about him. :) Especially how he laughs despite of negativeness around him."

"Oh, maybe that gay reflects as you huh?"

"If you know me inside and out, you'll probably know the answer. :)"

"Oh, I see. Basta I'll wear violet. Tara na sa cashier."

Aww. Isa na sa mga wishes ko ang di matutupad. :( .

"O bat ganyan muka mo?"

Napansin nya sigurong mapasimangot ako.

"Ah wala. Pagod lang siguro."

"Okay. Akin na yang hawak mo. Ako nalang magbabayad...... (0_0) Pero bayaran mo mamaya ha. HAHAHA! Punta ka na sa foodcourt. Antayin mo ko dun. Pahinga ka na."

"Okay. Akala ko malilibre na ko."

"Ano ka Chixx?! Hahaha!" Hinampas ko sya sa braso. Whoo! MUSCLES! :D.

At pumunta na nga ako. Aantyin ko sya para sya bumili. Ganun naman lagi yun e.

Mayamaya....

"Miss. Pwedeng makitable?"

Tinignan ko yung lalake at tumingin tingin ako sa paligid. Marami namang vacant tables a?

Bago pa ako makapagsalita umupo na sya. Luh?

"Ah may kasama po kasi ako kuya. Ahm marami naman pong bakante a?"

"Wag ka nang pakipot miss. Magsisinungaling ka pa e. Tsaka gusto ko dito. Ang ganda ng view." Sinabi nya yung sabay kagat ng labi.

Nakakaasar to a. Tumayo nalang ako para lumipat. Ayoko ng gulo.

Lalampasan ko na sana sya nang bigla nya akong hilain. Nakaupo padin sya at hawak nya ang braso ko. Nakatagilid ako at nakatapat sa bandang bewang ko ang ulo nya.

"Wag kang bastos miss. Hindi pa ko tapos sayo. Dadalin pa kita sa langit"
0_0

Bigla akong nanginig sa takot. Di ko maigalaw yung paa ko.

Gusto ko ng umiyak sa takot nang himasin nya ang braso ko at amoy-amoyin.

At ayun. Umiyak na nga ako. T_T

"Excuse me. Mukang nagEenjoy ka SIR a."

That voice! Jhay! :( What took you so long?

"OO. Kaya stay away Mr.!"

"You stay away! Bakit ba masyado kang manyak! Leave her or you'll die."

Napatingin sa kanya yung guy.

"J-Jhay?"

At sa hindi ko malaman na rason, kumaripas ng takbo yung lalake.

Tumutulo padin yung luha ko. Bakit ba kasi ang duwag ko!

"Hey Nicki. Okay ka lang?" Lumapit sya sakin at pinunasan ang luha ko.

"*sniff* bakit kasi ang tagal mo. Yan tuloy." Iyak padin ako.

"Sorry na. May hinabol pa kasi akong binili. Tahan na Nicki. Baka sabihin nilang ako nag paiyak sayo."

Tapos, tapos, tapos, NIYAKAP NYA AKO. 0_0. Bakit parang, lumakas ang tibok ng puso ko?

---end of flashback.

"So dun nagumpisa yung feelings mo?" -ysang.

"Yeah. I guess?"

"Okay, tuloy mo"

Lay Me Next To YouWhere stories live. Discover now