CHAPTER 18
Cat Villanueva
Nagising ako ay gabi na. Pagtingin ko sa wall clock ay pasado alas sais na. Grabeng idlip ito naging tulog. Inikot ko ang paningin ko pero wala si Taleng. Napukaw ng tingin ko ang kusina at nakita ko sa may lamesa si Rat.
Nandito na siya? Ang lalim yata talaga ng tulog ko. Palibhasa tulog mantika ako kahit kailan. Sinusulit ko naman ang pahinga dahil duty na naman ako bukas.
"Nandito ka na pala? Nasaan si Taleng?" tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin. Mukhang abala siya sa kung anong inihahanda sa lamesa.
"Pinauwi ko muna siya, hinahanap kasi siya ni Mice."
Tuluyan akong tumayo at nag-inat. Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ko.
"Nang umalis ako kaninang umaga naka pajama ka, hanggang ngayon naka pajama ka pa rin?" Puna niya.
Napatingin ako sa suot ko, oo nga naka pajama pa rin ako. Dahil nga puro ako kain at tulog kaya hindi ko na nagawang maligo. Tapos ang weird dahil kumapit ang gamit na pabango ni Rat sa suot ko kaya gusto ko lang naaamoy. Ano ba naman 'to!
Hindi naman ako nangamoy o ano dahil malinis naman ako sa katawan at bukas ang aircon 24/7 paano ka papawisan. 'Tas may kung anong air freshener pa na nagpapabango ng unit.
"Ay sorry naman, hindi pa nakakaligo."Nagmadaling akong nagtungo sa kwarto. Pagkapasok ko ay mabilis ako kung kumuha ng tuwalya at pumasok sa restroom.
Ganito rin naman ako sa apartment noon kapag day-off ko ay talagang nagpapahinga lang ako maghapon tapos tatawagan sila Inay at Itay. Pero ngayon 'di ko magawa, dahil baka mapansin nila na nasa ibang lugar na ako. Marunong na kasi silang mag video call. Buti nga hindi tumatawag baka kasi wala na namang signal sa Ilocos Norte.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto. Nandoon pa rin si Rat sa may lamesa mukhang hinihintay lang ako. Grabe, galing na siyang duty pero nagawa pa rin niya magluto? Sobrangf effort naman!
"Ikaw nagluto nito?" tanong ko, amoy pa lang masarap na kasi.
"Nope, si Taleng nagluto. Ako lang naghanda."
Instant nawala ang ini-imagine ko kanina.
Umupo na ako. "Ay akala ko ikaw..."
"Kung ayaw mong masunog itong unit ay 'wag mo akong paghahawakin ng kalan." Natatawa niyang sambit niya.
Oo usual naman na talaga sa ibang lalaki ang hindi marunong magluto pwera sa mga nagiging chef talaga.
"Bakit naman? Ni prito hindi ka marunong?" tanong ko.
Si Flynn kasi marunong magluto. Palibhasa independent na noon pa man. Pero syempre mas masarap pa rin akong magluto. Paano kasi hindi ako pinapakilos nitong si Rat. Nagagalit kahit duster lang hawakan ko.
"Never been cook, may magluluto naman and then, food delivery bakit ka pa magluluto?" Katwiran niya.
Bakit nga ba ako nakikipag argumento sa mayaman? Palibhasa lahat ay nabibili nila.
Tahimik lang akong kumain dahil masarap ang nilutong caldereta ni Taleng. Buong araw kami magkasama pero hindi ko man lang natanong tunay niyang pangalan. Ewan ko ba. Itanong ko na lang mamaya kay Rat.
Natapos na kami kumain at pareho kaming naparami ng kinain. Malamang siya ay dahil galing sa duty ako naman ay talagang maging matakaw dahil buntis ako at kambal pa bale tatlo kaming kumakain nito.
Siya na ang tumayo at nagligpit ng pinagkainan namin. Malamang ay kapag ako ang nagligpit ay magtatalo kami at magi-insist siya.
Magtatatlong buwan palang ang tiyan ko ay may nakalitaw nang maliit na baby bump, siguro dahil kambal ang dinadala ko at dala na rin ng puro ako kain. Tapos hindi ko naman itinatago.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series #3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...