Chapter 27

3.5K 121 2
                                    

Muntik ko nang maibato yung phone ko dahil sa galit.

Argh! Nakakainis na talaga yang Liza na yan! Ano bang gusto niyang palabasin?! Nilalabanan niya ba talaga ako?! Ha?! Gusto niya magsabunutan pa kami eh! Langya!

"Oy chill ka lang diyan pwede? Kami na yung kinakabahan sayo eh!" sabi ni Mae

"Paano akong makakapagchill dahil sa nakita ko?! Alam niyo yung ang ganda na nga ng mood ko tapos sinira na naman niya! Argh!" ginulo ko yung buhok ko in frustration. Nakakainis talaga!

"Sabagay, bagay sila--"

"Krishna!" sabi naming apat sa kanya. Tsk. Akala ko pa naman papalakasin nila yung loob ko, "Okay. Sorry. Tao lang"

"Ayieeh! Nagseselos ang bebe girl namin!" pag aasar sa akin ni Daezen

"Isa nalang talaga, ibaba ko na to" pagbabanta ko sa kanila

"Kath naman kasi eh.. mayaman naman kayo. Edi sabihin mo kila tita na mag aartista ka. Para mabuhay ulit yung KathNiel!" Mae

"Tama naman siya Kath eh. I mean, para maagaw mo na siya kay Liza" Nathalia

"Kung pwede lang sana eh. Kaso hindi alam umarte.." nagkamot pa ako ng ulo.

"Edi kapag nandyan sila! Akitin mo na--"

"Eh masyado ngang busy kaya hindi na nakakauwi" napayuko ako dahil sa lungkot, "Hindi ko na nga naaabutan eh"

"Hay nako girl. Matulog ka na muna. Diba sinabi mo na may performance ka bukas? Kasama yung... Enrique ba yun? Ah basta! Matulog ka na at wag mo munang isipin yang Liza na yan. Nakakabwisit lang siya sayo"

"Oh sige. Babye na. Ingat kayo diyan ah"

"Oo. Ikaw rin. Bye!"

Tinignan ko ulit yung phone ko dahil wala akong natanggap na tawag mula sa limang ugok na yun. Last lang na pagtawag nila sa akin ay yung bago yung performance nila sa Asap. Tapos ayun.. wala na

Unti unti ko nang pinikit ang mga mata ko dahil sa dumalaw na yung antok sa akin...

*ringg*

Antok na antok pa ako eh! Sino ba yang.. ang aga aga may tumatawag!

Enrique calling

Accept Reject

"Helloooo Enrique? *yawn* Ang aga mo yata--"

"Hoy! Anong maaga?! Tumayo ka na diyan dahil malelate ka na oh! 7 am na!"

"7 am lang naman-- ANO?! Sige sige! Magbibihis na ako!" binaba ko na yung tawag at agad na bumangon.

Kinuha ko yung tuwalya ko at nagmadaling pumunta sa CR. Naligo at nagbihis. Hindi nalang ako kakain. Late na nga ako eh!

Bubuksan ko na sana yung pinto nang may narinig ako, "Kath?" hindi na ako lumingon sa likod ko dahil sa nagmamadali na ako at late na talaga ako. At nakita ko naman yung kotse ni Enrique sa labas

"Bakit ka nandito? Malelate ka na ah"

"Eh malelate ka rin naman. Kaya sabay tayo. Bwahahaha" binatukan ko siya dahil nakayanan niya pang magpatawa

Sumakay ako sa kotse niya at nagmadali naman yung pumunta sa school

Ang mali ng timing nila! Kung kelan meron akong oras, wala sila. Tapos kapag wala na, meron sa kanila! Argh! Nakakainis talaga sila! Hindi ko nga alam kung makakanood sila eh

Katsumi's POV

"Kath?" sabay sabay naming sinabi.

Kaso hindi siya lumingon at nagmdaling lumabas, "Hala! Baka galit na yun sa atin kasi wala na tayong oras sa kanya" sabi ni Jc habang kumakain ng pandesal

"Oo nga no.." pangsasang ayon ko sa kanya

Sayang naman kasi. Hindi na kami nakakauwi sa tamang oras kaya naaabutan nalang namin si Kath na tulog sa sofa at halatang hinihintay kami. Tapos kapag umaga naman, maaaga kami. Kaya hindi na rin niya kami naabutan

"Kausapin nalang kaya natin mamaya?" suggestion ni Lester kaya lang binatukan ko

"Gunggong! May pupuntahan tayo no!" sabi ko

"Ha? Saan?"

"Eh diba mag iinterview si Kris sa atin? Tanga mo talaga" sabi ni Seth

"Parang may pupuntahan pa tayong iba.." sabi ni pareng Daniel na parang nag isip pa

"Oo nga eh. Parang meron.." sabi ko at nag isip pa. Parang merong nagremind sa amin eh na puntahan daw namin siya

"Aha!" sabi ko at tinaas pa yung kamay ko, "Doon sa Kris Tv! Nyehehe"

Hmmm.. ano kayang matatanong sa amin? Sana yung kapogihan ko. Bwahahaha. Tsaka, baka hindi naman kami magtatagal dun. Interview lang naman eh. Yun lang ang schedule namin ngayon. Tapos kakausapin namin si Kath! Yey! Miss na namin siya!

Kath's POV

"Talaga bang pupunta sila? Kanina ka pa naghihintay diyan ah. Susunod na tayo" sabi sa akin ni Enrique. Pinaglalaruan ko lang itong kamay ko habang lumilingon lingon sa paligid

Wala akong narinig na nagtitilian kaya wala pa sila. Hala... bat ba ang tagal nila? Traffic ba?

"Ms. Bernardo and Mr. Gil, kayo na yung next" napatingin ako sa teacher namin habang may hawak na clipboard at ballpen.

Tinignan ko pa sa huling pagkakataon yung pinto... bago pumunta sa gitna

Nagsimula na yung kanta kaya nagsimula na kami ni Enrique.

Minsan, napapalayo ako sa kanya o nabubunggo ko siya sa sobrang lapit.

Tinitignan ko kasi yung pinto at baka nandun lang sila. Kaso mas malakas pa ata yung kantang sinasayaw namin ni Enrique kesa sa palakpakan ng iba sa amin

Akala ko pupunta sila.. Akala ko manonood sila. Kahit naman 'try' yung sinabi nila, alam kong gagawa sila ng paraan para lang manood sila.

Gumaganti ba sila dahil hindi ako nakapunta noon sa linggo? Hindi... hindi sila ganun kababaw na tao.

*applause*

Hinawakan ni Enrique yung kamay ko at sabay kaming yumuko.

Alam ko rin na hindi nila makakalimutan yung tungkol dito.. Siguro dahil traffic lang sila. Oo..

Natraffic lang sila

***

Lester's POV

Sa wakas at tapos na yung interview namin dun kay Kris. Hohoho. Nakakatowo si Darla. Aish! Nahahawa na ako kay Kris!

Next week pa naman daw ipapalabas yun. Tinanong lang naman nila kung paano kami nabuo. Syempre sinagot ko, 'Yung pagod, pawis at pagmamahal ng mga magulang namin ang dahilan kung bakit kami nabuo. Wag niyo nang tanungin kung paano. Alam niyo na. Hohoho' tapos binatukan naman ako nun ni Daniel

At ito kami ngayon sa bahay. Hinihintay si Kath para ipagluto kami ulit at mag usap usap kami.

*door opens*

Agad kaming napatayo at binati si Kath. Ngumiti pa kami niyan ah.nTapos napatitig lang siya sa amin kaya nagtaka ako. Teka..

Hindi niya kami pinansin at umakyat nalang sa kwarto niya

*blag!*

Galit ba siya? May nambully ba siya sa school?

"Sh*t!" napatingin ako kay Daniel na sinuntok yung pader

"Bakit? Hindi naman mukha yan ni Enrique ah" sinubukang magbiro ni Katsumi pero mukhang sryoso si Daniel

At alam kong tungkol ito kay Kath.

Wag mong sabihin na..

Nagkatinginan kaming apat at sabay sabay na napasigaw,

"Yung sayaw ni Kath!"

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon