TROTIP +46 : the game

11.1K 374 35
                                          

KYLE's POV

This is wrong. Kitang kita sa mukha nina Keifer at Taziah ang pagkagulat. Pero si Key, mukhang wala siyang pakialam dahil blangko lang ang expression niya. I feel something strange, may nangyari ba? parang badtrip si ateng Key.

"Kin, mukhang masama to" siniko ko siya na ngayon ay mukhang tuwang tuwa sa mga nangyayari. Napansin ko namang medyo nag-aalala yung mukha ni Sean. Nagseselos na talaga ako.Kinareer niya ang pagiging bestfriend. Siya na.

"hey, anong nangyayari dito?" biglang dumating si prince Harry, siya ang naghatid saamin dito. Kinausap niya muna yung royalties kaya di namin siya kasama nung dumating sina Key.

"they're having a match. Key vs. the two. This is exciting" tuwan tuwang sabi naman ni DJ.

"I think, this whole training area will be destroyed" narinig kong sabi ni Cyain.

"this area is indestructible, they build this for high levels of powers" wow.

"let's start, you're all given an hour to defeat each other. Keziah will fight the two of you and vice versa. No personal feelings here. Fight to win" seryosong sabi ni Kiel. Alam ko masungit din tong isang to pero uma-arua ata to ngayon ah. Umalis na kami sa pinakang battleground nung training area. Umupo kami sa bleachers para manuod.

"wait a second Taziah, go built a barrier first" walang emosyong sabi ni Kiel. Napairap naman si Taziah at gumawa na siya ng shield. Pagkatapos ay pumwesto na silang tatlo dun sa gitna. Katapat ni key sina Keifer at Taziah, seryosong seryoso sila. Maya maya, nagpalabas ng water dragon si key, pero nagulat na lang ako nung naging yelo yun. She manipulated her wind power to turn the water dragon into ice. Pero nung bumuga yung dragon niya ng atake para kayna Kiefer ay hindi yelo ang lumabas. Kundi kuryente.

"what the" narinig kong sabi ni Sean sa tabi ko. Halos lahat kami ay nagulat. Paanong nagawa ni key yun? sa pagkakaalam ko ay elemental powers lang ang meron siya aside from being empath. Pero ngayon, pati kuryante?

*boogsh*

Pumailanlang ang napakalakas na pagsabog sa loob ng battleground. Nabalot ng buong kuryente yung edge ng shield na nakapalibot. Napansin ko namang biglang nawala si Kiefer sa loob.

"si Kiefer?" tanong ko

"I think he's using his invisibility ability, yan yung ginamit niya saakin nung hunting game" narinig kong sabi ni prince Harry.

"I never knew he can do that" bulong ko. kaya niya pala yun. paano na lang kung may gusto siyang gawin kayang kaya niya ng hindi siya nakikita at nakikilala. That was cool.

Ibinalik ko ang pansin ko sa laban. I can sense tension. Unti-unting nagbago yung expression ni Key, mukhang nagulat siya. maya-maya, bigla siyang tumilapon sa di ko malamang dahilan. Unti-unting may tumulong dugo sa braso ni key.

"that fire phoenix!" sigaw ni Vince. Unti-unting naging visible yung fire phoenix na umaatake na pala ngayon kay Key. And then I saw Kiefer manipulating it. Habang umaatake siya ay napansin kong may ginawa si Taziah. She's a power duplicator kaya naging dalawa na yung fire phoenix na lumabas, nagsanib yung sa kay Kiefer at sa kanya at biglang bumulusok papunta kay Key na ngayon ay unti-unti pa lang na bumabangon. Biglang tumilapon ulit si key pero sa pagkakataong to. May counter attact siyang ginawa.

Inilabas niya yung espada niya na ngayon ko na lang ulit nakita. Iwinsiwas niya iyon para sanggahin ang atake nung dalawa. Sumanib sa espada ni Key yung kapangyarihan nung dual fire Phoenix nila Keifer, parang hinihigop lahat ng kayang higupin.

"paanong?" gulat na gulat na sabi namin. Hindi namin alam ang technique na ginamit niya sa elemental sword. Gulat na gulat pa din kami lalo na nung unti-unti siyang umatake kay Taziah na ngayon ay nakatulala pa rin sa mga pangyayari. Pero, may bagay na nangyari ang hindi namin inaasahan. Sinangga ni Kiefer ang espada ni Key na dapat ay para kay Taziah.

"Kiefer!" sigaw ni Taziah. Nakasaksak pa din yung espada sa tagiliran ni Kiefer. Nung tiningnan ko si Key, wala pa din emosyon ang mukha niya at mas lalo niya pang idiniin ang espada niya sa katawan ni Kiefer bigla namang bumulwak ang dugo sa bibig nito. Di man lang ba siya apektado sa ginagawa niya? Si Kiefer yun!

"this training needs to stop now" sabi ni Kean. Lalapit sana siya kay Kiel pero itinaas lang nito ang kamay niya.

"the game isn't starting yet" malamig na sabi ni Kiel. Napaurong naman si Kean. Natakot ata.

"but my brother might die!"

"he probably won't"

Biglang tumayo si Kiefer at kusang hinawakan ang kamay ni Key na hawak yung espada at unti-unting hinila ito paalis sa katawan niya. Bigla namang umagos yung dugo sa tagiliran niya, hinubad niya ang suot niyang t-shirt at napanganga ako di dahil sa abs kundi sa laki ng hiwa dun. Hinawakan niya lang yon. Pero maya maya, bigla na lang yun naghilom.

"nakalimutan ko, may healing ability nga pala kami" nahihiyang sabi ni Kean.

Namangha naman ako dun. Ang akala ko si Kean lang ang may kaya nun, pati pala si Kiefer.

Lumayo si Key dun sa dalawa at akmang aatake na naman. Pero wala pa siyang nagagawa, biglang inatake ni Taziah si Key ng kung anong itim na usok. Nakita ko na si Taziah na makipaglaban pero maliban sa pagiging power duplicator niya, di ko na alam kung ano pa ang kaya niyang gawin. i really think she's dangerous.

"she's using dark magic" sabi ni Kin. Napasang-ayon naman ako. Nababalot ngayon ng itim na usok si Key. Hindi namin makita kung ano ang nangyayari sa loob ng usok na yun kaya hindi kami aware kung anong reaksyon ni Key.

"ano ba talaga ang kapangyarihan ni Taziah? Diba bago kami ni Key dumating dito ay nandito siya dati?" tanong ko kay Kin

"she's a Hades Ikie, everything related with dark magic is her power. And also, she's a power duplicator. But the most dangerous thing that she can do is that smoke under her barrier. No one can control that even Kiel. But you're aware that Key destroyed that not too long ago and caused the destruction of the academy" sabi niya.

"but one thing is for sure, Key can't do anything about it now. She's under her spell" napatingin naman ako ngayon kay Key na nakapikit at nakahigang nakalutang sa taas. Nababalot pa din siya ng itim na usok at may kung anong binubulong sa kanya si Taziah. Napansin ko namang natigilan si Kiel.

"TAZIAH! I TOLD YOU NOT TO TELL HER!" nanggagalaiting sabi ni Kiel while Taziah just smirked at her.

"chill Kiel, the game hasn't starting yet"

What's that for?

 —-

vote and comment.

Bluejii<3

[ON HOLD] The Return of the Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon