PART 2

15 0 0
                                    


"Hoy, anong problema mo? Lasing ka ba?" Hindi pa tuluyang nakakatunghay ang lalaki sa salubong niya kaagad. "Ang lawak-lawak ng high way dito mo pa naisip maglaro ng patintero. Ab—"

Nabitin lahat nang sasabihin niya nang tuluyan siyang harapin ng lalaki. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, mapalad na si Lexie kung sa paggising niya makakasalubong siya ng lalaking bagong paligo, maayos ang pagkakasuklay ng buhok, malinis na malinis ang damit at katawan, umaalingasaw sa bango, at ganito katangkad. May pagkakataon naman na nakakakita man siya ay tanging sa loob lang ng mall.

Pero iba pa ring klase itong nasa harap niya.

"M-Miss, sorry. Hindi ko sinasadya," hinging paumanhin ng lalaki. Nakatingin ito sa kaniya pero tila wala din ito sa sarili. Mas natauhan pa si Lexie nang magsalita ang lalaki. Bumalik siya sa huwisyo.

"Anong sorry?" mataray niyang tanong. Walang kaso sa kaniya kung nakasuot ang lalaki sa harap niya nang magarang suit, maayos na nakasuklay ang buhok, bagong paligo, umaalingasaw sa bango, at sobrang tangkad na para bang gusto mo na lang magpapasan sa kaniya. Wala ring kaso sa kaniya kahit na mala-Adonis ang lalaking nasa harap niya. Wala talaga!

Talaga lang, Lexie? Sure ka na diyan?

Naipilig na lang niya ang ulo para alisin ang kung anong naiisip.

"Miss, hindi ka naman natamaan," malumanay na giit ng lalaki. May kakaiba sa pagsasalita nito pero hindi iyon pinansin ni Lexie. Hindi siya natutuwa sa mga irresponsableng driver na dahil lang may maganda silang kotse ay pwede ng gawin nila ang kahit anong maibigan nila sa gitna ng kalye.

"Hindi nga! Pero kung nagkataon ay muntik na!"

"Look, Miss. Humihingi na ako ng sorry. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko tapos sumabay pa ang sasakyan ko."

Umarko ang kilay niya sabay sulyap sa sasakyang nasa likod. Sanay siya sasakyan dahil may talyer ang kapatid niyang namana mula sa ama nila. Sa isang tingin pa lang ay alam niya nang magandang klaseng sasakyan ang dala nito.

"Huwag mo nga akong idinadaan sa ganiyan," nakamaywang na saad niya.

"Miss, look—"

"Huwag mo akong ma-look-look diyan," aniya sabay taas ng kanang kamay dito, palatandaang pinatitigil itong magsalita. Sa kasamaang-palad siya ang natigilan habang nakatingin sa kanang kamay.

'Bakit parang may kulang?'

Nagsalita ang lalaki pero wala sa sinasabi nito ang isip niya. "Miss, hindi ko talaga sinasadya. Tsaka ang layo mo pa naman sa sasakyan. Kung iginigiit mong mali ang na—"

"Wahhhh! Asan na iyon?" bunghalit niya sabay baba ng kanang kamay. Iniharap at ibinaligtad pa niya iyon pero wala ang hinahanap niya.

"Ano?" takang tanong ng lalaki.

"'Yung maliit na papel na hawak ko!" malakas niyang tugon bago dali-daling kinapa ang bulsa ng suot na jumper dress. Wala roon ang papel. Tanging cellphone at wallet lang ang laman. Binuksan niya ang wallet sa pag-aakalang inilagay doon ang papel pero wala siyang nakita. "Hindi! Hindi pwedeng mangyari ito!" atungal niya habang patuloy na kinakapkapan ang sarili.

"Miss, ano bang sinasabi mo?" naguguluhan na rin ang lalaki sa kaniya. Lumilingon-lingon ito sa paligid kahit na hindi naman talaga alam kung anong hahanapin.

"Ikaw?" turo niya sa lalaki. "May lotto ticket akong hawak kanina 'di ba?" tanong niya sa matinis na tinig.

"Huh?" Nagsalubong ang kilay ng lalaki habang titig na titig sa kaniya. Gulong-gulo ang isip nito at halatang hindi siya maunawaan.

Ready to GambleWhere stories live. Discover now