Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa school at sa di kalayuan ay naaninag ko na sina Celine, Angge, Jelly, Charice at Louise, nagtatawanan sila at ng makalapit na ang sasakyan ni Ward ay nakita ko si Angel na kausap nila. Juskoo. Gulo na naman toh.

"Ano na namang ginagawa ng babaeng yan dito?"Rinig kong bulong ni Ward.

"Chill Ward, baka may urgent matters lang." Saad ko at nginitian siya. Alam ko yung  history ng dalawang toh kaya ayaw nilang mapalapit sa isa't isa kaya kong maari ay iniiwas ko si Ward kay Angel. Nauna ng bumaba si ward ng sasakyan at sumunod naman ako sa kanya bago kumapit sa braso niya. Mahirap na baka may world ward III kapag naglapit tong dalawang toh.

"Good morning Wardo, morning Zy." Bati ni Louise at Charice sakin at kay Ward.

"Morning guys."—Jelly."

"Morning Zy.” —Angge. "Good morning Wardo." Bati ni Angge pero nilagpasan lang siya ni Ward. Hayys nagsusungit na naman ang isang toh.

"Morning Zy, morning Wardo." —Celine. Tinignan ako ni Angge na parang nagtatanong kung anong  meron at bakit masungit si Ward ngayon ngunit wala akong masagot kaya nagkibit balikat na lang ako habang nakakapit kay Ward.

"Anyway kaklase natin si Angel sa Biology mamaya." Saad ni Charice. Hayys sa dinami-dami pa naman ng course magkakasama pa talaga kaming lahat.

Naglakad na kami patungo sa room and ramdam ko ang inis ni Ward kay Angel habang si Angel naman nakahawak sa kamay ni Angge.  Pagdating namin sa room ay umupo si ward sa usual na upuan niya at sa tabi naman niya si Angge.

"Wardo." Rinig kong tawag ni Angge kay Ward pero di niya ito pinansin.

"Ward."Tawag ulit ni Angge. Tumayo naman bigla si Ward at lumipat bigla sa tabi ko.

"Switch tayo Louise." Saad niya nagtaka naman si Louise at tumingin sakin.

"B-bakit?" Tanong naman ni  Louise. Itong si Ward napaghahalataan masyado eh.

"Tumayo ka na lang." Nakatingin lang si Angge kay Ward habang si Angel naman sa kabila ay nakatitig din sa kanila. Ganto talaga nangyayare kapag may conflict na ganap sa isa sa nasa classroom noh, affected pati mga bff.

"Sige na Louise ngayon lang naman yan eh." Saad ko kay Louise tumango na lang siya at tumabi kay Angge. Makausap ko nga tong si Ward mamaya.

"Celine's POV"
Hindi ko alam kung anong ganap sa tatlong toh pero ramdam ko na may mali. Si ward umiiwas kay Angge, tas si Angel naman lumalapit kay Angge at ewan ko lang kung ano bang meron sa mga toh.

"Ano ba ganap? Bat lumipat si Wardo dun?" Tanong ko kay Angge.

"May ginawa ka ba na kinasama ng loob niya?" Tanong din ni Louise. " Kasi knowing ward hindi yan iiwas lalo na pag wala kang ginawang ikakaiwas niya sayo. Dagdag niya.

"Ano ba nangyare? Nag-away ba kayo or what?" Tanong ko ulit.

"Bat naman kasi kami mag-aaway? Wala naman kaming pag-aawayan eh.. okay kami kahapon." Sagot niya naman.

Pati ako naguguluhan sa mga toh. Hindi na lang ako umimik at nanahimik na lang habang si Angge naman ay panay sulyap kay Ward.

"Anong oras kayo nakauwi kahapon?" Tanong ko sa kanya.

If Parallel Universe Exist (WANGGE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin