Chapter 43

184K 4.4K 416
                                    


"Wifey.." Dumapa si Zach sa kama para magkaharap kami. Nakahiga kase ako.

"Hmm?" I asked him. Ang gwapo ng nilalang na to. Nakakinis na. Sana kung lalaki yung magiging anak namin, maging kamukha niya. Siguro sobrang habulin din ng chix yun pag ganun.

"Mukha kang nanay." Seryosong sabi niya.

"What?!" Am I that ugly na? Samantalang kahapon lang, kakasabi niya sakin na ang ganda-ganda ko pa din. Na hindi naman daw ako mukang buntis. Nagkalaman lang daw ako ng konti na mas bumagay pa sakin.

Tapos ngayon, sasabihan niya ko ng ganyan? Iwan ko na kaya siya?!

Chos.

"Sabi ko mukha kang nanay."

"SO KAILANGAN MO TALAGANG ULIT-ULITIN? HINDI MO BA ALAM NA NAKAKAINSULTO HA?!" Inis na sigaw ko.

Psh. Pag ganitong dinadala ko ang anak niya, wag siyang loloko-loko ha. -_-

"HAHAHAHAHAHAHAHA." Sinamaan ko siya lalo ng tingin ng tawanan ako. "Mukha kang nanay ng magiging anak ko..." Todo-ngiti niyang sabi.

"Psh. Banat na yun? Eh imbis na kiligin ako, nairita ko e!" Pero deep in side kilig to the bones. Hihi. Shh lang kayo. Mehehe.

"Nabasa ko kaya sa google na ang nga babae daw kinikilig kapag sinasabihan ng mga pick-up lines pero bakit ikaw hindi?" Nakangusong sabi niya. Kyot-kyot. Hihi.

"OH EDI NGAYON ALAM MO NG HINDI LAHAT NG NABABASA SA GOOGLE AY TAMA."

"Psh. Okay. Anyways, I love you." Kiniss niya pa ko sa noo. Napangiti naman ako. Kung dati, ayaw kong hinahalikan niya ko sa noo dahil feeling ko ang tanda ko, ngayon hindi na. Sobrang respect kase yung nararamdaman ko pag ganun. Ang saya sa pakiramdam. Na may lalaki pala talagang ganun.

"Hubby? Pupunta ka ba ng office?"

"Yes wifey. I need to attend a meeting with the Korean investors."

Napasimangot ako. "Nakalimutan mo talaga no?"

"Of course not." Maagap niyang sagot.

"Pero sabi mo may meeting ka." Nakasimangot pa din ako.

"Yes baby. That's why you're coming with me. Para right after my meeting will go directly to the doctor. Okay?" I nodded at binuhat na niya ko papuntang CR para maligo.

***

"Expect the contract early in the morning tomorrow."

"Thanks."

"Nice dealing with you Mr. Dawson." Rinig kong pagpapaalam ng mga kausap ni Zach.

Andito kase ako sa conference room pero nagla-laptop lang. Ayaw kase akong iwan ni Zach sa opisina niya dahil mamiss niya daw ako. Hihi.

Hindi rin naman nagtagal yung meeting nila. 15 minutes nga lang ata e. Mukhang finanalize na lang nila lahat.

Sabi kase ni Zach. May nag-offer daw sa kanya ng partnership sa Korea. Maganda din yun dahil expansion ng Dawson Company. Ang galing no? Kilalang-kilala na talaga siya halos sa buong mundo. Sobrang nakaka-proud.

"Ready wifey?" I nodded and smiled.

Inalis na niya yung coat niya at binitbit na lang ito. Kinuha naman na niya yung kamay ko para makalabas ma kami.

"Do you want to eat first?" He asked habang naglalakad na kami palabas.

"Mamaya na lang hubby. Kinakabahan ako e." Ultrasound ko na kase ngayon.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon