PBAP 5

4.5K 96 2

Andito parin ako sa supermarket namimili parin...
Masyado na ata akong madaming binili.
Puro pagkain pero syempre bumili narin ako ng Shampoo, Conditioner, Sabon and other girls stuff syempre pera ko gamit....

Andito ako ngayon sa nakapila sa counter jeez! Sobrang haba ng pila..

From: Grace
France!!! Si Shane gabayan mo nga. .

Nagtaka naman ako dito sa isang toh.

To: Grace
Bakit? Ano merun sa kanya???

Ambagal umusad ng pila kainis kasi anong oras na oh, wala pa akong maluto na pagkain.....

From: Grace
Iyak ng iyak! Wala namn akong alam sa love life!

Kahit naman ako walang alam diyan... Tsk! Niwala kang walang alam yan e, may Boyfriend na nga yan e, kandidato bilang Cum Laude habang siya ay Summa Cum Laude.

To: Grace
Wag mo kong niloloko Grace a, alm kong may alam ko sa siya gabayan mo kitang NBSB ako. Oh siya ttyl na lng.

Good thing hindi na ito nag reply at bumilis na ang usad ng pila kaya mga trenta minutos ay nandun na ako sa counter.

"Ma'am that will be 3,542 pesos po" Sabi niya saka ako nag abot ng limang libo..

Andito na ako sa labas naghihintay na dumaan ang taxi pero umaasa man ako na i-text ako ni Jhake at tanungin ako kung asan ako para manlang maisundo niya ako at grabe!! Ang bigat kaya ng bitbit ko.

Wala parin kainis! Biglang nagvibrate phone ko at dali dali iyon kinuha kasi malay mo si Jhake yun.

From: Autoloadmax
Behxjsusksksnsjd

Lintek na Load yan! Paasa kainis! Akala ko si Jhake na iyon pero pocha naman! Isang maling akala!

Biglang may taxi na pumarada agad naman akong sumakay at sinabi kung saan ako idadala.

Ewan ko ba wala naman akong balat sa pwet tapos ang malas malas ko hmp! Una sa lahat wala akong tatay pero magkakaroon na, pangalawa mahirap lang ako, pangatlo yaya pa! Ng isang gwapo, playboy, matalino, basketball player na lalake!

Mga ilang minuto nandito na ako sa tapat ng condominium at pumasok na ako sa elevator at tangina ako talaga ang nagbitbit na apat na supot!

Argh! Hindi ko na kaya tong bigat na toh!! Buti na lang at malapit na ako sa pinto woooh! Mailalagay ko na ito sa kusina!!!

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mukha ni Jhake.

"San ka ng galing?" Malamig nitong tanong.

"Grocery?" Sagot ko "Excuse lagay ko lang toh sa kusina"

Kinuha naman niya yun dalawang supot at tinulungan na ako nito Syempre siya umupo sa high stool chair habang ako naman naglalagay ng mga pagkain sa cabinet at ref.

"Bakit di mo ko tinext?" Tanong nito.

"Ayoko kasi baka busy ka" Sabi ko habang nilalagay yung delata sa 2nd Cabinet.

"Tss. Hindi ako busy sana manlang tinext mo ko" Sabi nito at humarap ako dito.

"Baka nga diba?" Sabi ko "Tch. Kumain ka na ba? Kung hindi pa magluluto na ako"

"Hindi pa" Sagot nito "Sabayan mo ko a, halatang hindi ka pa kumakain" At umalis dun.

At eto ako..Ano naman ang lulutuin ko? Fried chicken? Sige yun na lang muna at yun lang.

Ng matapos ako mag ayos eto ako nagluluto na.....

"Look Johann wala akong alam diyan....Hahaha, kilala ko si Shane once na saktan mo uli yan di lang sampal abot mo diyan....... What? No!...Never akong pumatol sa bata hahaha!.....Yeah! You're right you're a jerk.....I also Hate that Ysabelle Muntinlupa..... Like yeah.....Ok bye" Di ako nag eavesdropping ah sadyang malakas lang ang boses nito...

Naramdaman ko na lang na palapit na ito sa akin "Done cooking?" Tanong nito..

"Di pa" Sagot ko at naglagay na ulit ng chicken sa kawali..

"Faster i'm hungry" Parang bata jeez....

Mga 30 mins tapos na akong magluto kaya nag hain na ako ayoko sanang sumabay pero sabi nga niya diba, sabayan ko siya so no choice.

"Jhake, kakain na" Sabi ko at kinatok ko sa kwarto nito, kakatok na uli ako ng buksan niya na iyon "Kakain na"

Nauna na itong maglakad at sumunod na lang ako Syempre magkaharap kami nito pero mas tutok ako sa pagkain ko kaya hindi ko ito magawang tignan, Di ko alam bakit ganito ako yun ba yung laging awkward sa tao....Tawag nga sa akin geek di ko nga alam kung bakit.

"France phone mo Kanina pa nagriring" Naputol ang pag iisip ko ng magsalita ito at tama nga naman nagriring phone ko at tumatawag si Mama.

"Hello? Mama?"

(Anak, musta ka na diyan??) Masayang tanong nito

"Okay naman po,...Ahm napatawag po kayo?"

Nag aalala lang ako dito kasi minsan masaya ito mangamusta then malalaman ko na lang may problema mama ko...

(Gusto lang kitang kamustahin....Miss na miss ka na namin)

"Mama, wag kayong umiyak please?" Saka ako tumayo at pumasok sa kwarto ko at umupo ako sa kama at nakatingin sa bintana at kitang kita mo nga naman yun mga city lights "Kahit ako Mama miss ko na kayo ni Papa"

(Alagaan mo sarili mo anak a, wag kang maging pabaya)

"Ma naman kelan pa ako naging pabaya? Di naman diba"

Tawa lang ang naisagot sa akin ni Mama madami pa kaming napag usapan tinanong na ako kung may Boyfriend na ako at sabi ko wala pa at inasar ako ng inasar na NBSB Hahaha masayang kasama tong si Mama nine years lang ang agwat ko sa kanya nagulat ako nang i-kwento niya sa akin na maaga itong nabuntis at nalaman ko din sa kanya na si Papa ang first crush niya, first Love at First boyfriend na hindi siya pinanagutan... Si Mama is a very strong woman i really admire my Mama, I remember that she gives everything i want..Nang mag first year college ako umiyak ako ng lilipad si Mama sa Italy para magtrabaho at para hanapin si Papa, pero naiintindihan ko naman kasi para narin sa akin yun trabaho niya.

(Geh anak tulog ka na alam kong pagod ka na Goodnight and i love you mama and papa miss you na anak)

"Okay po Mama next time na yun power kiss" at binaba ko na...

After that long convo pagdating ko sa kusina wala na si Jhake nakita ko siyang nanonood ng tv kaya ako b ko na pagkain ko then naghugas na ako ng pinggan.....

Next stop ko maliligo lang ako lagkit ko na jusme!

Ng matapos na akong maligo dun narin ako sa banyo nag bihis, anu lalakad ako papunta kwarto ko na nakatapis ng twalya tapos may sex maniac na makakakita sa akin tapos mamaya nun anuhin ako nun.

Naka puting sando ako at pajama mas comportable ako sa ganun at syempre may kasama akong lalake kaya may bra pa ako....

Lumabas na ako ng CR at papasok na sana ako ng Kwarto ko ng tawagin ako ni Jhake.

"Hmm?" Humarap ako dito

"May kape ba diyan?" Tanong nito

"Oo gusto mo pagtimpla kita?" Tanong ko at tumango ito kaya ito ako kusina na naman at nagtimpla ako at iniabot sa kanya at sinabi ko sa kanya na matutulog na ako at ilagay na lang niya yung tasa sa
Lababo at dumeretso na ako sa kwarto ko at natulog na..

Sobrang nakakapagod tong araw na toh

Pregnant By A PlayboyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!