Monster ♂ Chapter 40

Chloe's POV

Buong akala ko ay tapos na ang lahat pero hindi pa pala. Gaya ng pagmamahal ko sa kanya, akala ko ay wala na pero nang makita ko siya ay bumalik ang lahat sa akin. Hindi ko inaakalang sa loob ng dalawang taon na nasa ibang bansa ako at pinipilit ang sarili kong kalimutan siya hanggang sa nakumbinsi ko ang sarili kong wala na ay parang natangay lang ng hangin at tuluyang nawala. Parang sampal sa akin nang malaman kong nakatali pa rin pala ang puso ko sa kanya pero ngayon, wala na siyang nararamdaman para sa akin. Nakakaawa ako. Gusto kong sampalin ng ilang beses ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko.

“Tumangkad ka yata, Chloe? Tsaka ang taba-taba pa rin ng pisngi mo!” pang-aasar niya sabay tawa.

Nandito kaming lahat sa iisang table kasama ang barkada. Panay ang tawa at ngiti niya pero ang awkward pa rin ng sitwasyon namin ngayon.

May part sa aking natutuwa dahil kapatid na lang ang turing niya sa akin at nakalimutan na niya ang lahat ng pinagsamahan namin noon na ‘yun naman talaga ang tama at gusto ko bago pa ako umalis pero may part din sa akin na nasasaktan ako dahil kapatid na lang ang turing niya sa akin. Ito naman ang gusto ko, ‘di ba? Bakit hindi ko magawang maging masaya?

“Kamusta nga pala ang pag-aaral mo doon, Chloe? Isang Linggo na lang ga-graduate na kami, ikaw ba?” tanong niya sa akin.

Kahit na nakakapag-usap kami ng normal, napansin ko ang malaking pagbabago sa kanya. Parang hindi ko na siya kilala.

Huminga ako nang malalim. Kailangan kong ipakita na hindi ako naaapektuhan nang dahil lang sa kanya. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na nasasaktan ako at nahihirapan akong umaktong normal sa harapan niya. Pero kailangan kong magpakatatag.

“Mas nauna akong naka-graduate kaysa sa inyo. Nag-enjoy ako doon sa Paris. Ang daming magagandang lugar at hindi naman ako nahirapang mag-adjust, ikaw?”

Ngumisi siya at humalumbaba sa lamesa. Tumingin siya sa akin. “Lumipat na nga pala ulit ako sa dati kong school. Ang saya nga, eh. Lagi akong nakikipagbugbugan at napapaaway. Mas nag-enjoy nga ako doon kaysa sa dati nating school.”

Napatitig na lang ako sa kanya. Ibang-iba na nga siya. Ang cold ng mga tingin niya sa akin. Nakakakilabot din ang mga ngiti niya at akala mo ay lagi siyang nababalutan ng masamang aura. Malamig na nga dito sa labas, dinadagdagan pa niya.

“By the way, nakausap mo na ba sina Mom at Dad? I heard dito ka na sa amin titira ngayon. Masyado mo na kasing matagal na nakasama ang mga Rosette kaya naman oras naman ngayon para makasama ang tunay mong pamilya.”

Nagulat ako sa sinabi niya pero pinilit kong hindi ipahalata sa kanya. Dito na ako titira? Walang nabanggit sina Mom at Dad! Anong gagawin ko ngayon?

Mas pinili kong umakto pa rin ng normal kahit na gusto kong tumakbo papunta kina Mom at Dad para sabihing ‘wag na lang ituloy ang gusto nila pero anong karapatan ko? Sila ang tunay kong pamilya. Dalawang taon ko nang kasama ang mga Rosette at sa tingin nila ay sapat na ‘yun para ang mga Riff naman ang makasama ko.

“Oh? Wala silang nasabi sa akin pero siguro mamaya pa nila balak sabihin. But that would be nice. Mas makikilala ko pa sila.” kalmadong sabi ko kahit na nagwawala na ang sistema ko.

Hinawakan nang mahigpit ni Shellie ang kamay ko na nakapatong sa hita ko at nginitian ako na para bang sinasabi na magiging okay din ang lahat. Nagpapasalamat ako dahil may best friend akong katulad ni Shellie. Siya lang ang may alam sa mga pinagdadaanan ko ngayon dahil siya lang ang tangi kong kinakausap noon para lang i-kwento ang lahat ng mga nangyayari at nararamdaman ko.

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!