Chapter 27

207K 5K 297
                                    


"Haaay grabe ang tagal niyo naman!!" Sigaw ko sa mga bagong dating.

Kase naman diba sabi ni Zach mahalin ko daw siya? So yun nga ang ginawa ko pero hindi sa paraang iniisip niyo okay?

Nagpaka-sweet lang naman kami sa isa't-isa. Okay na sana e kaso may biglang tumawag sa kanya at hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik. Huhuhu.

"Ang traffic kaya tsaka sobrang init sa labas." Sabi ni Kane bago umupo ulit.

"Miss Keisha, pizza o." Inabot sakin ni Jade yung isang box ng pizza.

"Waaah!! Alam mo ba kanina pa ko nagca-crave diyan. Papabili nga sana ko kay Zach niyan kaso ang tagal niyang bumalik. Huhuhuhu." Sinubo ko agad yung isang buong pizza. Mehehe.

"Ah Miss Keisha juice po. Baka mabulunan ka." Inabutan naman ako ni Val ng juice. Hihi. Ang babait nila.

"Grabe ka Keisha. Napakatakaw mo talaga no." Aba! Kahit matakaw ako, sexy naman. Sinamaan ko lang ng tingin si Kane kaya nanahimik na naman siya.

Nagkainan na din sila ng pizza.

Naka-lima na nga si Kane e. Sino kayang matakaw saming dalawa?

"HOY KANE! ITIRA MO NA NGA YAN KAY ZACH!!" Pigil ko ng akmang kukunin niyw pa yung isang slice ng pizza.

"Napakadamot mo naman Keisha!" Pagmamaktol niya.

"Naka-limang slice ka na kaya. Madamot pa?!" Pagtataray ko.

"Psh."

Haay. Kanina pa kami tapos kumain pero di pa din bunabalik si Zach. Asan na ba kase yun? Ang boring na tuloy. Tsk.

"Baraha tayo." Pag-aaya ni Blake sa mga kasama niya.

"Osige ba basta may pustahan yan ha." Sabi ni Chris na naglabas pa ng wallet.

Waaaah!! Gusto ko din maglaro. Pero sabi sakin ni mommy dati, bad daw yun e. Bad daw magsugal.

"Hoy wag nga kayong naglaro niyan!" Awat ko sa kanila.

"Napaka-kj mo talaga Keisha." Iritadong sabi na naman ni Kane.

"Bakit naman po Miss Keisha?" Chris.

"Sugal kaya yan. Masama!"

"Pampawala lang naman po ng boredom miss keisha e." Sabi pa ni Blake.

"Sus! Sumali ka na lang para di ka mainggit." Sabi pa ulit ni Kane. Sapakin ko na kaya to? Kainis na e.

"Iba na lang laruin niyo!" Nakita ko naman na tinago na ni Val yung nga baraha.

"Napakamo talaga. Tsk." Inis na inis si Kane.

"Alam ko na!!" Tumayo ako at pumunta sa sala. "WAIT LANG HA!" Sigaw ko sa kanila.

Kumuha ako ng ballpen, papel at powder sa cabinet.

Tsaka ako nagmadaling bumalik sa kanila.

"Taaadaaa! Eto ang lalaruin natin." Sabi ko sa kanila.

"Ano namang kalokohan yan?" Kanina pa tong Kane na to a. Sinamaan ko siya ng tingin at bigla siyang natahimik.

"Wooh. Ang angas kase baka gusto mo ng kabaong pare?" Pang-aasar ni Blake sa kanya.

"Oo nga. Akin na yung kape ha. Hahahaha." Sabi pa ni Val.

"G*go! Tigilan niya ko ha!" Badtrip na si Kane. Bwahahaha.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon