TROTIP +45 : training

11.9K 363 31
                                                  

KEY's POV

 

the mark which thy seek

is a mark of leadership

everyone will look up to her

but no one can touch her

 

It all matches to my mark. I know from the start that I am the ice princess, but, I don't feel happiness in me. I feel pressured. Everything was stated in the last part of the prophecy. There is someone important who will die. I think that it is me. That MUST be me. It will be better if I am the one to die.

"Keziah" narinig kong nagsalita si Kiel sa likod ko. Di ko siya pinansin at nanatili akong nakatingin sa bintana. Napakagandang pagmasdan ng Inyethopia. Napaka peaceful.

"I know what you're thinking. I knew it. That's not the whole prophecy." Naramdaman kong tumabi siya saakin. Nanatili akong tahimik, wala akong lakas para magsalita sa kanya at magpaliwanag.

"what are you thinking lil sis?" naramdaman kong niyakap niya ko sa likod. Ngayon lang niya ako niyakap.

"what will happen now?" sabi ko.

"what do you mean?" nagtatakang hinarap niya ako.

"when are we going back in Phantazein? They need us there, di na natin alam kung anong nangyayari dun" tanong ko.

"don't worry, Kenneth will handle all of that, and also, I've got a surprise to you later" nakangiting sabi niya.

"what is it?"

"surprise nga eh" I hate it when I can't even read his mind.

"by the way, bumaba ka na, we need to train, especially you" seryosong sabi niya at nauna ng bumaba papunta sa training area ng palasyo.

Nanatili muna ako ng mga ilang minuto bago sumunod. Napabuntong hininga ako. Makikita ko na naman si Taziah at Iniego, medyo mainit pa ang dugo ko sa kanilang dalawa.

Tahimik ang training area pagkapasok ko. Nakita kong nakaupo yung tatlo sa gitla nung area at mukhang may pinag-uusapan. Seryosong seryoso ang mga mukha nila lalo na si Kiel. Mukhang may problema. Lumapit naman ako sa kanila.

"anong nangyayari dito?" tanong ko. Napatingin naman silang tatlo saakin. napansin kong pugto ang mga mata ni Taziah at mukhang inaalo siya ni Iniego. Ano na namang drama netong babaeng to?

"Nothing, let's start the training" sabi ni Kiel. Di ko yun pinansin.

"you're not answering my question" nagtinginan silang lahat. Bigla namang tumayo si Taziah at lumabas.

"Taz-" susundan sana siya ni Iniego pero napatingin siya saakin.

"wait here" sabi ko at ako na mismo ang naglakad palabas. Siguro panahon na din para makausap ko siya. Di ko na siya nakita pagkalabas ko ng training area. Saan naman kaya nagpunta yun? may nakasalubong akong kawal kaya nagtanong ako.

"may nakita ba kayong babaeng dumaan dito?" tanong ko.

"yung kulay brown ba yung buhok na mahaba?"

"yes"

"dumiretso po dun sa may fountain" itinuro niya yung fountain sa likod ng palasyo. Nagpasalamat naman ako at pumunta na dun. Naabutan ko naman siyang nakaupo sa isang bench at umiiyak. Ano bang problema nitong babaeng to at nagkakaganito?

[ON HOLD] The Return of the Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon