Chapter 22

216K 5.6K 401
                                    


"Hubby anong gagawin natin sa office mo?" Tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya.

"I just need to check some files wifey. Okay lang ba sayong samahan ako?"

"Oo naman no. Kung pwede nga lang samahan kita sa lahat ng bagay e." Namimiss ko kase siya pag di kami magkasama.

"Sus. Masyado mo naman akong mahal wifey. Kiss mo nga ako!" Hinalikan ko siya sa cheeks.

"Sa lips ba wala?"

"Pilitin mo muna ko. Haha." Pakipot muna ko okay? Hihi.

Pinark niya muna sa gilid yung sasakyan tsaka humarap sakin.

"Ako na lang ang hahalik sayo." Tsaka niya ko hinalikan sa lips. Ang lambot talaga ng labi niya, daig pa yung akin e. Huhu.

"Mahal na mahal kita Keisha." Sincere na sabi niya.

"Ako din Zach. I love you and thank you for loving me." Niyakap ko siya ng mahigpit pero para kong nanigas sa nakita ko.

May mga lalaki sa labas ng sasakyan namin at nakatutok ang mga baril nila sa amin.

Hindi ko alam kung kita nila kami dahil alam ko tinted naman ito kaya kami lang ang nakakakita sa kanila.

"Z-zach... m-may mga-" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng biglang binuksan ng mga armadong lalaki ying pintuan.

"BABA!" Sigaw ng isa sa kanila. Parang kilala ko yung boses na yun ah? Kaso naka-mask sila na itim.

Kidnapper ba sila o holdaper ng banko? Mehehehe.

"BABABA BA KAYO O BABARILIN NAMIN KAYO?" Sigaw pa nung isa.

"E-eto na.." Sabi ko ng mqy maramdaman akong malamig na bagaybna dumikit sa may siko ko.

"Z-zach.." Nanginginig na yung boses ko sa takot.

"We'll be fine. Let's just follow them." Bulong nito sakin kaya agad akong bumababa. I trust my Zach.

Piniringan nila yung mata ko kaya inaalalayan lang nila kami ni Zach pasakay dun sa ibang sasakyan.

"Paano na yung sasakyan ni Zach?" Sayang kaya yun. Nakita ko sa net na 50 million yung kotse niya noh. Carnapin ko kaya yun noh tas ibenta ko? Yayaman ako!! :)))

"Bebenta ko na." Sabi ng isa pang pamilyar na boses.

Bakit ba parang kilalang-kilala ko sila?

"Di lang pala kayo adultnaper, carnaper pa kayo." Di ko napigilang sabi sa kanila.

"Adultnaper? Nagpapatawa ka ba ha?!" Bulyaw sakin nung isang lalaki. Huhu.

"Makasigaw ka naman. Psh. Nakakaintindi ako noh." Sabi ko sa kanya.

"Baka gusto mong patulan na kita diyan?"

Tumikim bigla si Zach at himala na nanahimik lahat ng tao sa paligid ko?

Don't tell me takot sila kay Zach? Eh bakit pa nila kami kinidnap daba?

After 123456778900987654321 years.

"Andito na tayo. Bumaba na kayong dalawa diyan." Nakarinig ako ng mga taong bumababa na sa parang van na sinakyan namin. Naramdaman kong inaalalayan ako ni Zach.

Wala ba siyang piring? Ang daya naman.

"Oh may hagdanan baka natumba kayo." Guy number 1.

Patuloy pa kami sa paglalakad.

"Malayo pa ba?" Nakakapagod na kaya. Tsk.

"Malapit na. O pasok sa loob. Bilis!" Sabi ng isa pang guy.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon