Super Langgam.

2.6K 103 54
  • Dedicated kay Aril Daine
                                    

Ang bida sa istoryang ito ay si super langgam at ang kanyang mga kaibigan na sina kuneho, pagong at pabo. Si super langgam ay may kasintahan din, kala niyo ah. Love story din ito. Siya si hantik, maganda sexy at mukhang hantik.

Isang araw, si langgam ay nakikinig ng radyo. Nakikinig siya sa paborito niyang banda na "The Mighty Bond". Pero biglang sumingit ang broadcaster kaya naman napakinggan niya ang balitang sinasabi nito.

"Balitang balita isang palaka at iba pang kasamahan nito ay nanggugulo sa lungga ng mga daga" balita ng broadcaster

"Anong gusto mong gawin ko?" tanong ni langgam.

"Magtatalon ka sa tuwa! Ano ka ba naman syempre iligtas mo yung mga daga!" sumagot ang broadcaster O__O

"Ah oo nga pala, teka tatawagin ko na din ang mga kaibigan ko" pagkasabi niya nun ay tumakbo agad siya para tawagin sina pagong, kuneho at pabo. Pero sa pagmamadali niya ay nadulas siya balat ng saging kaya sya ay nagpagulong gulong. Tangang langgam, wala pa sa laban ay bugbog na siya. Sa pagulong-gulong niya ay nakarating agad siya sa mga kaibigan niya. Mas napadali siya kaya magpasalamat siya sa author dahil ginawa syang lampa.

"Oh langgam ang ganda ng entrance mo" sabi ni pabo

"Okay ka lang ba langgam?" tanong ni pagong

"Ai oo, okay lang ako, okay na okay lang ako. Ang sarap, try mo!" mala-vice ganda na sagot ni langgam.

Ang masunuring pagong ay napagulong-gulong. "sige lang pagong wag mo itigil" sabi ni langgam

"Teka nga langgam, bakit ka ba nandito?" tanong ni pabo

"Ha? Teka iisipin ko..." sabi ng tangengot na langgam.

"Nandito ka ba para mangutang? Tol, waley kaming pera pasensya na umuwi ka na" saad ni kuneho

"Ah ganon ba? Sige bye, uwi na ako" sabi ni langgam

Hoy! Tangengot na langgam! Andyan ka para sunduin sila. Anu ka ba! paalala ng author.

'Ai oo nga pala, Ikaw kase ginawa mo akong tanga' kaya naman bumalik ulit siya para sunduin ang mga kaibigan niya. Pagdating niya doon ay gumugulong pa din si pagong.

"Tol, naalala ko na, manghihingi ako ng candy"

"Eto oh" sabi ni kuneho sabay bigay ng candy

"Ui, thank you" ani ni langgam 

*binatukan ng author* may laban kayo tange!

"Ai mali, susunduin ko kayo, nanggugulo kase ulit yung kapatid kong palaka."

"Grabe talaga yung kapatid mo, osige tara na, Change outfit na tayo" sabi ni kuneho

"Paano si pagong?" tanong ni pabo

"Yaan mo na yan, mukhang nag-eenjoy" sabi ni langgam "tara na change outfit na tayo"

"GAME!" sabay sabi ni kuneho at pabo

"It's time to change!!! *Shing weeesheeeng.. booom tik plak boom* Kapangyarihan ng araw! At isama mo pa ang buwan, puno, dagat, apoy lupa, hangin. Halina at magbigay ng lakas sa aking katawan!!! Suuuupeeerrr LANGGAM!!!!" kaechosan ni langgam nagpapalit lang naman ng damit.

Matapos magpalit ang mga magkakaibigan ay pumunta na sila sa lugar ng mga daga. Pero may naalala si langgam.

"Hoy pagong may laban tayo! Tigil mo na yan, sumunod ka na lang sa amin ah" sigaw ni super langgam. oo, super langgam na siya

*Sa lungga ng mga daga*

"Wahahaha, ang sarap manggulo" bulalas ni echoserang palaka

Nagkakagulo na ang mga daga. Hindi nila alam ang gagawin. Hindi alam kung saan magtatago. Ikaw ba naman ang pasabugan ng utot. Kaya naman gulong gulo na ang mga daga kung paano matatakpan ang kanilang mga ilong dahil ang utot ni palaka ay makapit at tumatambay sa ilong ng mga daga. Kawawa naman.

"Hoy palaka! Ang baho ng utot mo! I-tae mo na yan! Bulok na yan" advice ni super langgam.

"Oh kapatid! Andito ka pala! Makikiamoy ka na nga lang magagalit ka pa. Singhutin mo na lang" sagot ni palaka

"Kaderder ka bro" sabi ni kuneho

"Aksyon na tayo mga tol! Di ko na ma-take ang amoy" sabi ni pabo

Kaya naman pinagaspas ni pabo ang kanyang pakpak pero lalo lang kumakalat ang amoy kaya nagalit ang mga daga at pinagbabato si bato hanggang sa natamaan ito sa ulo at namatay si pabo.

"Patay na ako" sabi ni pabo

"Pabo gising!! gising!! Wag ka mamatay" mangiyak ngiyak na sabi ni kuneho

"Patay na ako, wala ka ng magagawa" sagot ni pabo

"Ah okay, sige bye." paalam ni kuneho

Si kuneho naman ang aatake, tumakbo siya ng mabilis na mabilis. Naipon ang utot at naluom kya naman lalong bumaho ang uto ni echoserang palaka. Nagalit ang mga daga at dahil dun ay dinumog siya at nadagaanan. Sa pagkakadagan ng mga daga ay hindi nakahinga si kuneho kaya naman siya ay namatay.

"Tigok na ako" sabi ni kuneho

Biglang dumating si hantik, Tanda niyo pa ba siya? Yung girlfriend ni langgam. Yung maganda, sexy at mukhang hantik. Oo, sya, nakisawsaw siya sa story.

"Langgam honey, gising! Patay na yung mga kaibigan mo, ikaw din ba? Gising ka na diyan. Hahalikan kita pag hindi ka gumising" paglalandi ni hantik

"Oh baby! Anu ginagawa mo dito?" pagkagulat ni langgam

"Sino si baby?! Walangya ka! Manloloko! Sino yun?!" Tanong ni malanding hantik

"Ha? Ah ehh, ano. Wala yun, Ahmm. Ano , Kapitbahay ko yun, Baby ang pangalan pati ano, kamukha mo." hindi pinag-isipang palusot ni langgam

"Sure ka ba dyan ha? Ako lang talaga?! Ako lang ang mahal mo honey bunch?!" tanong ng kerengkeng na hantik

"Oo naman, ikaw lang. ikaw lang ang pinakamamahal ko hayop/insekto  sa balat ng lupa!! I love you honeybunch" sabi ni langgam na nahawa ng kalandian

"I love you too honeybunch. Pakiss nga" ang landi ni hantik >.<

Juice ko po!!! Dito pa ba kayo magla-lampunchingan?! Nagkakagulo na oh. Windang na ang yung mga daga, hindi na mawari ang kanilang pagmumuka landian pa kayo dyan ng landian. sabat ng author na inggit dahil wala syang kalampunchingan

"Sorry naman. inggit ka lang eh" sabay sabi ni hantik at langgam

"Oh honey, punta ka na dun kalabanin mo na si palaka. Iligtas mo na ang mga daga, Go honey!! Go go go!!" pagchi-cheer ni hantik

Akma ng pupunta si langgam kaso biglang may paparating na tao.Sobrang lakas ng yabag ng paa nung taong yun kaya naman namatay si langgam dahil sa baho ng utot ni palaka.

Dahil sa taong dumating ay nagsi-alisan lahat ng mga hayop at nawala na ang utot.

Kaso......

Si pagong ay biglang dumating at napautot

-------------------------------------------------------------THE END-------------------------------------------------------------

AB/N (Author na Baliw's Note): May facebook si super langgam. wag ka tumawa, totoo yun. 

http://www.facebook.com/super.si.langgam

yan oh.  i-add mo, nakakaawa naman yung langgam.

Super Langgam.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon