Chapter 12

239K 7.1K 826
                                    

Zachary Dawson.

"Oh boss bakit mo naman inaway si Keisha?" Biglang pasok ni Kane sa office ko.

Kakaalis pa lang ni Pia tapos may dumating na naman. Sumasakit lalo yung ulo ko.

And anong sabi niya?

"What are you talking about?" Bulyaw ko sa kanya.

"Chill ka lang. Para nagtatanong lang e. Oh pinapabigay ng asawa mo." May pinatong siyang paperbag sa table ko. "And umiiyak nga pala siya nung nakasalubong ko sa baba." Dagdag pa nito.

Fvck. She was here a while ago? Did she saw us?

Did she saw Pia kissing me? Pero nakita din ba niyang tulak ko siya. Fvck!

Kinuha ko yung paperbag at tinignan ang nasa loob. It was a packed lunch.. for me? Siya kaya ang nagluto?

Sinuot ko agad yung coat ko na nakasabit sa swivel chair. Kinuha ko agad yung paperbag at susi ng kotse.

"Sa bahay na tayo mag-usap." Bilin ko kay Kane bago ako nagmadali sa paglabas.

"Cancel all my appointments for today." Sabi ko sa sekretarya ko.

Nag-drive ako agad pauwi. Hindi ko nga alam kung gano ko kabilis narating yung bahay e. Sakto namang palabas si manang ng mag-park ako.

"Manang si Keisha po?" Agad kong tanong sa matanda.

"Hindi mo ba kasama iho? Dinalhan ka niya ng niluto naming pagkain ah." Nagtatakang sabi niya.

"Shit!"

"Baka naman nagkasalisi lang kayo?" Dagdag pa nito.

I tried to call her phone pero naka-off. Where the fvck is she?

"Nag-away ba kayo?" Napatungo lang ako sa tanong ni manang.

"Nako kayong nga bata kayo maliit na bagay pinapalaki. Just show her how much you love her and everything will be alright. Osiya mauuna nako iho at may gagawin pako ha." Pamamaalam niya.

Just show her how much you love her and everything will be alright.

Am I ready?

Nung unang punta niya sa office ko may naramdaman na talaga kong kakaiba sa puso ko.

Kaya nga nag-offer ako sa kanya na maging asawa ko kahit may vacant pa naman na trabaho sa company ko. Ewan ko ba. Parang mas sasaya kase akong maging asawa siya kesa maging secretary siya e.

Sabi ko baka nagandahan lang ako sa kanya pero nung nakita ko siyang umiiyak sa gilid ng kalsada, dun ko naramdaman na iba na to.

Aayaw na sana ko sa deal namin kaso siya na mismo ang nagsabi na gusto niyang ituloy. At siyempre kailangan ko din naman yun diba?

Pero ayoko kase na mapasama siya sa mundo ko. Ayokong makilala niya ang Mafia. Ayokong may mangyari sa kanyang masama. Ayokong mapahamak siya dahil sa tingin ko ay nahuhulog nako para sa kanya.

Kaya simula nung makasal kami, pinilit kong iwasan siya. Pinipilit kong wag siyang pansinin pero ewan ko ba kung anong nakain niya at lapit ng lapit sakin.

Tapos simula nung may nangyare sa court nung laban namin sa basketball, nagalit ako sa sarili ko. Galit ako nun dahil pumunta pa siya. Gusto ko siyang sigawan pero nawala yung galit ko ng makita ko yung itsura niya. Sobrang hinang-hina yung katawan niya nun.

Punit yung shirt niya nun tapos namumula yung braso at tiyan niya. Sinuntok siguro siya ng hayup na yun.

Sabi niya pa sakin gusto lang daw niya kong mapanuod kaya nagpumilit siyang sumama kau Kane.

Speaking of Kane halos mapatay ko na da bugbog yung tarantado na yun buti na lang nakapagpigil pa ko kung hindi patay na talaga siya.

Pagkahatid ko kay Keisha sa bahay that night binalikan ko yung mga g*gong gumawa nun sa kanila. Pinahirapan ko muna sila ng sobra bago pinatay.

Hindi ako basta-basta pumapatay ng tao unless ginawan ako o yung taong malalapit sakin ng masama. Ayoko kaseng naa-agrabyado.

Dahil sa nangyaring yun hindi ko alam ang mukhang ihaharap ko kay Keisha kaya mas iniwasan ko siya. Umaalis ako ng maaga at umuuwi ako ng gabi para hindi kami magkita at magkausap. Pero natatalo ako. Gabi-gabi ko siyang sinisilip habang siya ay mahimbing na natutulog.

Gabi-gabi ding nahuhulog lalo ang loob ko para sa kanya.

Nagmadali akong lumabas ng makarinig ako ng busina. Baka nandiyan na siya.

Si Kane lang pala.

"Oh boss miss mo nako agad kaya ikaw pa talaga ang nagbukas ng gate para sakin?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Shut the fvck up Kane."

"Init ng ulo boss ah. Meron ka?" Gatong na naman niya. Agad kong kinuha ang baril ko at ikinasa.

"Ay grabe di naman mabiro. Peace na." Hindi mapakaling sabi niya.

"Call them and find my wife." Mukang nagulat niya sa sinabi ko dahil napahinto siya.

"Ano? Tatayo ka lang diyan o hahanapin mo ang asawa ko?!" Galit na tanong ko.

"Right away boss!" Sumaludo pa siya sakin bago umalis.

"Inlove na si bossing!" Tutukan ko pa sana siya ng baril ng tuluyan na niyang paharurutin ang sasakyan.

Limang oras na kong nag-aantay pero wala pa ding balita.

Nasan na ba kase siya? Hindi nako mapakali! Pano kung napahamak siya? Pano kung naaksidente siya? Paano kung nakuha siya ng ibang Mafia organization tapos..

Nabitin ako sa pag-iisip ng biglang bumukas ang gate. Andito na siya.

Kalma Zach. Ayokong ipahalata sa kanya na nag-aalala ako ng sobra.

"WHERE HAVE YOU BEEN?" Dumadagundong ang sigaw ko pagpasok na pagpasok pa lang niya sa bahay.

Nanatili siyang nakayuko. Hindi man lang sumagot.

"I said. Where. Have. You. Been. Answer me lady!" Lumapit pako sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

"Z-zach sorry. Hindi nako nakapagpaalam." Nakayukong sagot niya.

"Look at me." I said.

Unti-unti siyang nagtaas ng tingin at bigla akong nanlambot sa nakita ko.

Magang-maga yung mata niya. Limang oras din ba siyang umiyak?

Is she affected with what she saw a while ago? Is she hurt? Does this mean she loves me too?

"S-sorry. Hindi na mauu-"

Pinutol ko na yung sinasabi niya ng hinalikan ko siya.

Hindi ko alam kung bakit ko to ginawa pero ito ang gusto at alam kong tamang gawin.

Ngayon ko napatunayan na I am falling for this girl.

No. Maybe, I am inlove with the girl I am kissing right now.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon