Chapter 5

31.5K 514 5
                                    

TATLONG linggo ang matulin na lumipas. And great still she's the fiancèe of Greg Faustino, nagsimula na rin ang pagiging protective niya sa nobyo na bawal dumikit sa babae, lalaki o sa kung sino man na tao na hindi niya kilala.

Mahirap na kailangan niyang bantayan ang bawat kilos ni Greg, hindi niya alam kung bakit kailangan niya na gawin iyon basta ang alam niya kailangan na mahulog ang loob ni Greg sa kanya kung kinakailangan na akitin niya gagawin niya kung kailangan na pag-higpitan sa mga dapat gawin nito ay gagawin niya. Wag lang sana talaga na magsawa sa kanya ang binata.

Naiinis na siya mismo kay Greg pakiramdam niya ay biro lang o sinusubukan lang siya nito ng sabihin sa kanya na isa itong paminta.

Tatlong linggo na ang relasyon nila pero wala naman siyang nakikita sa binata na sintomas ng pagiging isang paminta kahit yata sugatan niya ang binata ay wala siyang makikita na may dugo itong berde.

Nang magkaroon siya ng pagkakataon na makausap ang mga kaibigan niya ay nagtanong siya kung ano ang dapat ma gawin at gaya ng nakasanayan pulos kalokohan ang isinagot sa kanya. Kung sino ang target buwisitin ng barkadahan nila talagang nasosopla kagaya niya.

Alasais pa lang ng umaga sakay siya ng mini cooper papunta sa opisina ng kanyang ama, tinatanong nga niya sa sarili niya kung bakit hindi malugi-lugi ang negosyo nila para naman hindi na masyadong isubsob ng tatay niya ang oras sa pagtatrabaho. Their company is too small, kumpara sa kompanya nila Greg na ultimo yata comfort sa building company ng mga Faustino ay malaki.

Alam na niya ngayon kung bakit nagkaroon siya ng fiancè sa hindi inaasahan na pagkakataon. Dahil ang tatay niya ay kasosyo na ang tatay ni Greg sa pagpapalago ng F. Airline at ng maliit nilang negosyo kapag napalago pa lalo ay mapapalitan ang pangalan ng nasabing kompanya kung hindi siya nagkakamali ng isama siya ng tatay niya sa business meeting she heard that their surnames, they want to combine it. Para naman daw masabi na iisa ng pamilya ang mga Faustino at Alonzo para kahit hindi pa man daw sila kasal ni Greg ay masasabi na magkakadugo na sila. Kung sabagay sila ang nagsusupply ng materyales ng eroplano at dahil naging kliyente nila ang mga Faustino ay malaking bagay iyon para sa kanyang ama.

Hindi niya maintindihan sa mga nagulang nila ng binata. Alam niyang ang relasyon nila ngayon ng binata ay para lamang sa negosyo.

She hate the idea but she can't imagine now life without Greg. Hindi niya gusto na magpanggap na ayaw niya sa binata. She love him! Gusto niya itong pakasalan at maging asawa.

Hindi nga lang siya sigurado kung ganoon din ang nasa isip ng binata o para lang din ba sa negosyo kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sumusuko sa napagusapan nila.

Hangga't maaari ay gusto niyang ipakita kay Greg na kahit na palagi silang nagaaway o nagsisigawan nito dahil sa pagiging demanding niya ay hindi ipinapakita na naaapektuhan siya.

Kung naiinis man si Greg sa kanya at tawagin man siyang desperada dahil sa pagbabantay niya dito ay wala siyang pakielam. She's the fiancèe as long as she knows what Greg's doing day and night she's fine.

Hindi niya gustong masayang ang relasyon na naumpisahan nila. Walang hirap na nakuha niya si Greg ng dahil sa kasunduan ng mga magulang nila.
She need to fight for this relationship. Kahit na ang sariling nararamdaman ng binata ang makalaban niya.

Nakuha niya si greg ng walang kahirap-hirap, kaya kailangan talaga niyang tutukan.

Kalahating oras ang lumipas at narating na nga niya Anzo Airline Materials hindi na siya hiningan ng I.D ng security guard dahil kilala naman na siya na anak ni Ceasar Alonzo, pinadadaan siya ng tatay niya sa opisina nito kaya bago magtungo ay bumili muna siya ng coffee turbo para dalhin sa ama.

✔Greg Faustino | Seducing Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon