July 13, 2022 - Blacklisted Policy

37 2 0
                                    

Maligayang pagbati sa lahat! Miyembro man ng aming samahan o magiging miyembro pa lang!

Naisis kong ianunsyo ang aming naging desisyon—kasama ang ating Secretary ukol sa aming gagawin sa mga Sundaes na hindi masyadong ginagawa ng seryoso ang mga tasks sa aming bookclub, ang ideyang ito ay napagdesisyunan at naiplano din ng ating secretary, (Admin A.), at ito ay pinagayagn rin ng ating presidente, (Admin F.).

Ano ang gagawin sa mga ill-mannered Sundaes?

Napagdesiyunan namin na ilagay nalang mismo sila sa blacklist, ang mangyayari sa blacklist na ito ay sobrang masakit, tanggal na sila sa bookclub, hindi sila pwede muling sumali rito, at ang kanilang IBC codes ay maibibigay na sa mga ibang miyembo na gusting sumali sa ating bookclub.

Paano ka magiging blacklisted?
- Hindi pagtagtapos ng mga tasks in time, ganito na rin ang mangyayari sa mga pending tasks ng mga sundaes, especially na pinagbigyan na sila, pero hindi sila responsable sa time limit na binigay.

-Hindi pagsunod sa mga patakaran ng ating bookclub, pinagsabihan ka ng mga admin at moderators na mali ang format ng task mo o hindi publish ang mga gawa mo ng ilang beses pero inuulit mo parin.

Paano maiiwasan ang pagiging blacklisted?
- Kailangang matapos ang inyong mga tasks in time, ganito na rin ang mangyayari sa mga pending tasks ng mga sundaes, kailangang nilang tapusin ang pending task nila.

-Sumunod sa mga patakaran ng ating bookclub, magagawa natin ito sa pagbasa ng Announcements at Updates at  Guidelines and System.

Ayaw namin po sana ito gawin pero ito lang ang magagawa namin dahil ang aming club ay may gusto lamang sa mga active na members at gayundin, mga masusunurin.

Nawa'y nagkalinawan na po tayo ukol dito. Kung kayo ay may katanungan o kahilingan, maaari ninyo itong i-comment sa ibaba.

Tara na't ayusin ito! Huwag mahihiyang magkumento. ➳

- Presidente

🍨 Announcements & Updates 🍨Where stories live. Discover now