11 Ways to Forget your Ex-boyfriend --- 2

366K 5.8K 920

Denny's note: sorry kung super late ang update, wala na kasi sana akong balak tapusin 'to pero thanks to IamFebby for encouraging me to continue this. Please vote and leave a comment, ito lang yung signs ko if I should really continue this. :)

CHAPTER --- 2

Letter # 2: Make his name a badword.

"In what sense, Kate?" nandito kami sa canteen para maglunch, pinakita ko sa kanya yung second letter na natanggap ko sa locker ko kaninang umaga.

"Hmm. I think parang hindi mo dapat sabihin yung name ni Allen."

"Eh?"

"Yun bang, hindi mo dapat sasabihin nor maririnig ang name nya. Yun bang papaltan mo ng ibang word yung name nya..."

"Like ise-censored ko?"

"Ganun na nga siguro, like you'll say *beep* or *toot*, para bang badword yung name nya na hindi pedeng mabigkas sa sambayanang Pilipinas."

Humalumbaba ako, "It's impossible, laging si Allen ang laman ng bibig ko..."

*TWICK!*

"Ouch! What was that for? Bakit mo pinitik yung noo ko!"

"You just mentioned a badword!"

"Ha? Hindi naman ako nagmura ah? Nananadya ka lang eh!"

"You mentioned HIS name! From now on, it's considered as a badword at everytime may magsasalita ng badword ay pipitikin sa noo."

"Ugh. Yeah, right. Makakatulong ba talaga 'to? I mean, it's just mentioning Allen's name!" I rolled my eyes pero bigla nanaman akong pinitik ni Kate sa noo.

"Will you stop saying badwords? Oo, makakatulong yan. Sa tingin ko, may reason naman yung nagbigay sayo ng letter... I mean, tama naman sya kasi nga naman pag palagi mong bibigkasin o maririnig ang pangalan ni *tooot* edi hindi ka makakamove on nyan noh!"

"Sabagay... tama ka nga... Sige, from now on hindi ko na bibigkasin si *tooot*. Kain na nga tayo." kukunin ko na sana yung tinidor ko kasi imbis na makuha ko eh nadanggil ko ito at nalaglag tuloy. Aabutin ko na sana kaso may naunang nakaabot nito.

"Uh... here." awkward na inabot nya sakin ito. 

Pagtingin ko kung sino, nataranta ako, "Toot!"

Nagtaka sya, "Toot?"

Sinampal ko sarili ko ng mahina at umiling iling, kinuha ko na yung tinidor ko, "W-wala. Salamat."

Tumalikod na agad ako sa kanya at umalis na din naman sya. 

"Itapon mo na yang tinidor, madumi na yan." suggest ni Kate, tinignan ko yung tinidor na hawak ko.

"Pero... hinawakan nya 'to..."

"O sige, gamitin mo. Sana mamatay ka sa germs sa pagkain mo pagkatapos gamit yang tinidor na yan."

11 Ways to Forget your Ex-boyfriend.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!