31. terminator's termination.

2.9K 74 2

aellevanagdol thanks for reading!

CHAPTER 31.

Aerie's POV;

pumasok na ako sa eskwela, yah, tama kayo, pumapasok parin ako sa eskwela, pinipilit namin ni Briel na gawing normal ang takbo ng buhay namin sa kabila ng lahat.

at dahil tapos na ako sa math 1 last semester, inaasahan ko nang hindi na ako maa- under ni Sir Sean Sebastian, laking gulat ko na lang ng pag pasok ko sa english 2, siya ang instructor namin.

hindi ko talaga alam kung anong deskarte ang ginagawa nang isang to, ah basta, kung ano man ang ginawa niya, at kung pano... mahalaga pa ba yon? sa palagay ko hindi na, diba? mas panatag din kasi ang loob ko kapag nakikita ko lang siya sa paligid.

ang nakakainis lang talaga e sa tuwing lunch break, si nurse Laila ang kasalo niya... nakakainis, parang ang saya pa nila.

"oi, Aerie? ang talim mong makatingin kina Sir a? ilang beses mo na ba silang pinatay sa utak mo ha?" puna sakin ni Jade, as usual, lunch break namin ngayon at nasa cafeteria kami, lunch break lang naman kami nito nagkikita dito sa Trinity e.

bumuntong- hininga ako, well too bad that even in my mind I can't commit a murder.

"bagay kasi talaga sila e," sabi ko tapos inalis ko na ang tingin ko kina Briel.

"bagay? yon ba talaga ang dahilan? baka naman crush mo si Sir? hindi ba't housemate kayo? kung may gusto ka sa kanya, doon sa apartment ninyo ka dumeskarte, at least doon, he's all yours."

"una sa lahat, hindi ko siya crush okay? pangalawa, hindi ako magkaka- crush dyan no, never!"

"bakit hindi, unang tingin pa lang sa kanya, masasabi mo na agad na perfect siya, gwapo, matalino, mabait, at... mayaman ba siya?"

"aish, isipin mo na lang, kung mayaman siya, hindi siya titira sa iisang apartment kasama ko. at oo na, gwapo na siya, halata naman, saka matalino din," sino ba naman ang hindi tatalino kung 221 years old ka na? kahit sino tatalino no? sa ayaw mo at sa gusto mo, tatalino ka talaga. "and Jade ha, correction, hindi yan mabait, front lang yan."

"talaga?"

"mas makiklala mo ang isang tao pag kasama mo siya sa iisang bubong, kaya... maniwala ka sakin, hindi talaga mabait yan."

Briel"s POV;

'lang yang babaeng yan a? siraan ba naman ako? hindi ba niya alam na naririnig ko siya.

grabe, ang sama niya, humanda siya sakin.

"uhm... Sean?"

"bakit?" ibinaling ko na ang pansin ko kay Laila.

"may... girlfriend ka na ba?" bigla niyang tanong, bagay na hindi ko inaasahan, I mean, alam ko namang may gusto siya sakin kahit ayaw niyang sabihin, sa tagal ko na dito sa mundo, basang- basa ko na kung pano kumikilos ang isang babae, lalo na kung may gusto ito sa lalake.

"wala, bat mo naman biglang naitanong?" tss! don't tell me liligawan niya ako? naloko na.

"basta... talaga? wala kang girlfriend!?" parang hindi naman siya makapaniwala, ah, mas mabuti nga yong hindi siya maniniwala, dahil kong alam niya lang, ang girlfriend ko, andyan lang sa malapit, kung makatingin nga e parang uubusan na niya ako ng dugo.

"sa itsura mong yan? wala kang girlfriend? tsk! niloloko mo yata ako e." Laila.

napangiti na lang ako, mga babae talaga oo, "bakit naman kita lolokohin?"

namataan kong tumayo si Aerie sa kinauupuan niya, saan naman kaya pupunta ang isang yon? di pa siya tapos kumain a?

Aerie's POV;

MY VAMPIRE HOUSEMATERead this story for FREE!