Chapter 16

4.4K 121 5
                                    

"Kath~ Manonood tayo mamaya ng GGV ah. Nandun tayo eh" pagpapalambing ni Katsumi sa akin

Hindi ko magawang pumansin sa kanila. Ewan ko kung bakit. Lalo na sa sungit na yun.

"Aalis na ako"

"Saan ka pupunta?" Lester

"Magsisimba ako"

"Mag isa mo? Sama kami!" Seth

"Oo"

"Wehh?" Jc. Ang kulit naman oh!

Napabuntong hininga ako at humarap sa kanila, "Kasama ko si Enrique at magsisimba kami. Okay? Ilock niyo itong pinto kung aalis kayo"

"Bumalik ka pagkatapos ah! I love you so mats!"

Pagkalabas ko sa bahay, nakit ko si Enrique na nakasandal sa kotse niya. Ngumiti siya at pinapasok ako sa loob ng kotse niya

Hindi naging awkward yung pagsasama naming dalawa kahit na sinabi niyang gusto niya ako. Normal naman kasi siyang umakto sa akin at parang kinakalimutan niyang gusto niya ako kapag kasama niya ako.

Hindi ko parin magawang pansinin o kausapin man lang yung lima dahil sa nangyari noong araw na yun. Parang.. kasi.. hindi ko pa siya napapatawad sa ginawa niya kay Enrique. Below the belt na kaya yung sinabi niya.

Pagkarating namin sa simbahan, pinagbuksan niya ako ng pinto. Buti pa siya gentleman.

Pumasok kami ng sabay sa simbahan nang magsimula na ang misa.

Tahimik lang kaming nakikinig hanggang sa Gospel reading na, "Lahat ng tao, nagkakamali. Nakakapagsinungaling para sa ikakabuti nila." patama Father. Ako ang natamaan diyan sa sinasabi mo -__-

"Pero isa kang ang dapat nating gawin. Ang intindihin sila, tulungan at patawarin" so papatawarin ko na yung sungit na yun? Agad agad? Eh hindi pa nga nagsosorry eh!

Bahala siya. Kung ayaw niyang magsorry, edi wag! "Sorry" lang hindi pa magawa. 5 letters. 1word 2 syllables nga lang yan eh. Para sa kanya parang "Move on" yung pasosorry. Madaling sabihin pero mahirap daw gawin.

Natapos na yung misa. Tapos itong si Enrique, kwento lang ng kwento pero hindi naman ako makikinig. Nawala ako bigla sa mood kapag iniisip ko yung sungit na yun.

Aish. Bakit ko ba iniisip yung taong yun?!

"Kain tayo?"

"Kath?"

"Ahh.. ano.." nakamot ako ng batok, "Ano ulit yun? Sorry" napabuntong hininga siya tapos hinawakan ang magkabilang balikat ko

"Mag usap kayo."

"Huh? Sino?" binitawan niya ako.. at.. "Oww. Bakit mo yun ginawa?!" kakalabas niya lang ng simabahan, namimitik na ng noo

"Uuwi ka na at mag uusap kayong anim. Okay?" wala na akong ginawa at sumakay nalang ako sa kotse niya

"Wala ka sa sarili kapag wala sila sa tabi mo. Talaga bang... sila na ang buhay mo?" hindi niya pinaandar yung kotse at parang hinihintay yung sagot ko

"Hindi... sadyang ano..." mag isip ka nang palusot! "Magkakaibigan kasi parents namin. Kaya ayun" tama naman eh. Kaso kulang nga lang yan

Ngumiti nalang siya at isunuot yung seatbelt niya. Teka.. ommphhh..

"Ayaw" natatawang sinabi ko sa kanya at tinuro yung seatbelt

"Teka lang ah.." tinanggal niya yung seatbelt niya at nagleansa akin para iano yung ano. Yung seatbelt

Pagkatapos niyang ayusin, sinuot na niya sa akin at sa kanya rin.

Tapos tahimik na kaming pumunta sa bahay. Walang nagsalita ni isa sa amin. Hay. Siguro nagiguilty si Enrique sa nangyayari. Lalo at alam niyang siya ang dahilan. Tsk. Yung sungit kasi na yun

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon