A/N: This is so calm. And the soundtrack for this Chapter is 'Six Degrees of Separation' by The Script. I love this song and, cause she's only doing this out of desperation. ;)

Chapter 30: Moving Target

I was recovering fast. Sino bang niloloko ko? Nararamdaman ko pa rin ang epekto ng mga nangyari. At ang tangi ko lang ginawa ay umiyak. Kelan pa ako naging iyakin? Talaga naman! At ang nakaka-frustrate pa ay tila mas kumportable akong umiyak sa harap ni Daddy. Now, I looked like a freaking Daddy's girl.

My wounds were apparently healing faster aside from the wound on my right shoulder. Heto ang bahaging hindi nagawang protektahan ni Tyler. That Kid! That stupid, damn kid! Paano niya nagawa sa akin ito? Now that I had come to think of everything that happened, para akong pinapatay ng guilt. I was trying my best not to be defeated by it. I made a promise to Lawrence that I'll be stronger.

Subalit kahit gaano pa ako kalakas, sumasagi pa rin sa isip ko kung kasalanan ko ba talaga ang nangyari kay Tyler? He was a Mafia Reaper. He would be able to defend himself. He was the one who killed my previous assassins, right? He should have been able to defeat them. If.. If I didn't follow him. If I wasn't stupid enough to come after him to the Nightwoods... then he probably should have been still alive.

"A penny for your thoughts?" Naputol ang pag-iisip ko at saka nilingon ang may-ari ng boses. I was just at the veranda staring at nowhere. Hindi ko sinagot si Autumn. Sa halip ay itinuon ko ang paningin sa kung saan. I was away from this house for a long time and I was not sure if that long time would have been enough for me to miss it or to not feel anything at all.

"I was wondering how you are feeling right now. The pain, the trauma, and the loss. And then I realized that I can't even imagine it," wikang muli ni Autumn at saka tumayo sa tabi ko. I was imagining ourselves as two little puppies at the veranda. Bad imagination, though.

"It happened again. Someone died because of me. Another death in front of me," walang emosyon kong sagot.

"It was never your fault, Summer," wika niya at tinapik ako sa balikat.

I turned to her direction. She was so calm and beautiful and it made me wonder if she was also looking at the "nowhere" of mine. "Sinasabi ko rin iyan sa sarili ko. Hindi mo alam kung ilang beses ko iyang ipinaulit-ulit sa utak ko. That kid! He told me everything will be fine! Tell me, Autumn? How will things ever be fine?" I fought back my tears. As much as possible, gusto ko pa ring ipakita na may tatag pa rin ako. Na hindi ako lubusang ginuho ng mga pangyayari.

"That little kid. Iyan ba ang sinabi niya sa'yo?" Tanong niya. Tumingala ako para pigilin ang nagbabanta kong mga luha. Tumango ako sa kaniya.

"He protected me until his last breath. Kahit halos sumuko na ang katawan niya sa mga tama ng bala ng baril. Kahit may humahalik na sa buto niyang talim ng katana, tumayo pa rin siya upang itago ako sa likuran niya. Hindi ko iyon hiningi sa kaniya. Hindi ko hiningi sa kahit kanino man na mamatay para sa akin." Matapos kong sabihin iyon ay kusa nang humulagpos ang nag-uunahan kong mga luha. Biglang nagflashback ang araw na kasama ko si Tyler.

"What good did I do to him to give his life on protecting me? I'm a certified bitch! I ruined his first dance. I harassed him by the school's hallway! Why the hell did he sacrificed his life for me?!!!" I was being hysterical so Autumn tried to calm me by tapping my shoulder and caressing my back.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!