🐈🐀 17

32.7K 440 57
                                    

CHAPTER 17

Rat Velaroza

Nasa clinic ko na ako nang maisipan kong tawagan si Taleng upang kumustahin sila ni Cat sa condo. Si Taleng ang anak ng Mayordoma namin. Siya ang naisipan kong ipadala sa Condo dahil alam kong hindi mabuburyo si Cat sa kanya. Napakadaldal niya kasi.

Kaagad niyang nasagot ang video call.

"Ser Rat! Baket pu?" bungad niya. Mas nagulat ako dahil lapit na lapit ang pagmumukha niya si screen.

"Nasaan si Ma'am Cat mo? Kumusta kayo d'yan?" tanong ko.

"Ay! Tolog pu si Ma'am Cat, Ser. Pagkatapus po namen kumaen ng tanghalean natolog na siya."

"Pwede ba Taleng idiretso mo 'yang dila mo? Kundi hihilahin ko 'yan." Inis kong sambit, hindi na nasanay rito sa Luzon.

"Ay suri naman Ser, tetu— i mean heto na nga eh. Diretso na."

"O sige, tawagan mo na lang ako pag may nangyari d'yan ha?" bilin ko sa kanya.

"Sege Ser, peru ponta muna pu ako sa convenience store magpapadala pu." Paalam niya.

"Go on, bilisan mo lang ah?"

"Yis ser!"

Nag-end na ang video call. Gumaan naman ang loob ko na malaman na tulog lang ngayon si Cat. Binilinan ko talaga si Taleng na wag stressin si Cat kundi ay hihilain ko ang dila niya. Napakadaldal pa naman niya kahit kailan at numero unong tsismosa sa mga katulong namin. Hindi nawawalan ng sasabihin minsan ng may mga bagay na mas una niya pang nalalaman kaysa sa'kin.

Muli akong tumingin sa mga binabasa kong records ng mga pasyente ko. Bigla naman ay pumasok si Nurse Harmony. Napatingin ako sa kanya.

"Dok, emergency, may patient na nag-early labor kahit hindi pa due."

Kaagad akong napatayo. "Patient name?" tanong ko.

"Actually Dok, hindi mo siya pasyente. Pinapasa po sa inyo hindi raw po niya kaya ang case na ito."

Napatingin ako sa kanya. And I arched my left eyebrow.

"Anak ng— humanda sa 'kin ang Doktor na 'yan mamaya!" sabi ko at nagmadaling lumabas.

Siraulong Doktor Alvarez. Paano naging Doktor ang duwag na 'yon? Kapag talaga nakita ko siya mamaya ay sasampalin ko ang leeg.

Dinala sa delivery room ang pasyente kaya doon na ako dumeretso. Kinuha ko ang chart kay Nurse Harmony at binasa ang mga naging records niya kay Doktor Alvarez. Sa unang trimester ay naging maselan ang pagbubuntis ng pasyente kaya binigyan ng pampakapit at pinag bed rest kaya naging maayos ang second trimester. Ngayon ay 33 weeks pa lang ang pasyente at pumutok na ang panubigan at nag early labor kaninang umaga. Pero parang may mali.

"Ano ang huli mong naaalala na ininom mo bago sumakit ang tiyan mo?" tanong ko sa kanya, pilit na hinikayat siyang sumagot kahit halatang nahihirapan siya.

"Iyon... maternal milk ko, Dok..." sagot niya, hirap na hirap.

"Sino ang nagbigay sa'yo?" tanong ko ulit, mas maingat pero prangka. "Mukhang may halong pampalaglag ang ininom mo."

Nagulat ang lahat ng nasa loob. Bilang isang doktor na matagal nang nangangalaga sa mga buntis, kabisado ko na ang epekto ng pampalaglag. Kitang-kita ko ito kanina nang ma-IE ko siya—force ruptured ang cervix niya.

"Y-yung... byenan ko po, Dok," sagot niya, halos pabulong.

"Okay," sagot ko nang mariin. "Let's file a case against her after this. Pero sa ngayon, kailangan nating mag-emergency caesarian section. Huwag kang mag-alala, handa na ang NICU para sa baby mo," dagdag ko, sinisiguradong kalmado ang tinig ko habang nagbibigay ng assurance.

The Doctor Series #3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon