How to Move On (One Part)

171 7 7
                                        

Paano nga ba mag move on?

Iyan yung kadalasang tanong ng mga taong brokenhearted. Paano nga ba? Madaling sabihin pero mahirap gawin.

Alam mo ba kung paano? Madali lang. Base on my experience, ginagawa ko ang mga bagay na hindi ko ginagawa 'nung kami pa. Tapos sabayan mo ng tawa, pero wag sobra. Baka kasi isipin nilang baliw kana.

Tsaka una sa lahat tanggapin mo muna na hindi na kayo--wala na kayo. Huwag mong isiping magbabalikan pa kayo dahil MASASAKTAN KA LANG. Kung gusto mo talagang mag move on, huwag mong isipin 'yung mga bagay na ginagawa niyo. Sasabihin ko na sayo MASASAKTAN KA LANG.

Sa pagmo-move on, hindi solusyon ang magpapakamatay. HELLO? Baliw ka dre? Bakit mo kailangang magpakamatay? Sayang ang buhay 'no. Masarap pang kumain. Alam mo Tol hindi mo naman kailangan yon e, maraming nagmamahal sayo, marami pang hihigit sa taong minahal mo. Masasayang lang ang buhay mo kung gagawin mo 'yun. HUWAG TANGA PLEASE. MARAMI NG TANGA, HUWAG KA NG DUMAGDAG PA. ALAM MO BE WALANG GAMOT SA PAGIGING TANGA. PEKTUSAN KITA LOKO.

Eto lang masasabi ko, mas madaling mag move on kung magfo-focus ka sa mga taong nagmamahal sayo, sasabihin ko na sayo, MAHIRAP MAG MOVE ON? OO. Pero time will heal the pain in your heart. Mawawala rin 'yan at magmamahal ka ulit. Hintay-hintay lang. Maniwala ka sa akin. Expert to. JOKE ✌

Eto pa dapat mong tandaan. Huwag mong panghahawakan ang mga prinomise niya sayo. Err. Maraming nagpa-promise, tanong ko natupad ba? Siguro OO sa mga taong ISANG SALITA. Pero kung may isang salita siya, siguro tinupad niya promise niya sayo. Hello? Nagpromise ng FOREVER natupad ba? Tss tss. WALA NAMANG FOREVER EH. 1 WEEK NALANG FOREVER NGAYON.

Okay. Okay. Sabihin na nating masakit pa hanggang ngayon, Dre, talagang ganiyan. Hindi naman agad-agad mawawala 'yung PAIN eh. Maliban nalang kung manhid ka o manloloko ka. Ganiyan talaga ang life. Naiintindihan ko kung masakit pa rin kahit na lumipas na ang maraming months o years dahil ganiyan din ako. Wag kang mag-alala parehas lang tayo.

Payo ko sayo, huwag kang maghahanap ng iba para gamitin mo sa pagmo-move on or should I say gawin mong Rebound. Masakit 'yun Dre. Sobrang sakit 'nun. Tsaka wag mo siyang babalikan kung magre-revenge ka lang. Huwag pare BAKA BUMALIK SAYO. Masakit mapagtripan, dahil maraming nakakaranas diyan.

Kung ano 'yung dati mong ginagawa, nung wala pa siya sa buhay mo, gawin mo. Dahil dun mo malalaman na kaya mong mabuhay mag-isa ng wala siya. Siguro naman kaya mo. HINDI SIYA OXYGEN UY. Gumising ka nga.

Eto pa. Huwag kang matakot na masaktan ulit. Halerrr. Kasama na iyan sa buhay natin. Alien ka kung di ka masasaktan. Ang magandang gawin mo para makalimutan mo na siya, you must enjoy your life together your friends, family or anyone. Have bonding with them. Edi kahit papaano mapasaya mo naman sarili mo. Huwag mong gawing tambayan ang kwarto mo para umiyak o magmukmok ka. Sayang 'yung time o 'yung luha mo. Do you have a choice kung wala na talaga siya? Huwag ka ng umasang babalikan ka pa niya. WALA NA NGA KAYO EH. WALA NA. TAPOS NA. END OF THE WORLD NA. JOKE ✌

Alam mo boy/girl, walang taong gustong masaktan, pero sabi nga nila, hindi ka matututo kung hindi ka masasaktan. Tandaan mo ha? Masakit. Oo. Pero kaya mo iyan. Ikaw pa. Nakayanan mo ngang mabuhay, magmove on pa kaya? (Paano ako mabubuhay kung wala na siya? Masakit at mahirap pa rin eh.) Alam mo? Tangna mo nalang, balikan mong basahin. FROM THE TOP. KUNG HINDI KA PA RIN KUNTENTO, BAHALA KANA SA BUHAY MO.

Eto na. If you're okay na. If you forget everything about him/her. Pag di mo na siya iniisip. Pag hindi kana bitter. Pag wala ng sakit. Pag wala na talaga. Pag hindi na masakit pag nakikita mo siyang may kasama ng iba. ABA'Y TANGNA DRE. CONGRATS!! You already moved on. Ready ka ng magmahal ulit. Kaya mo na ulit. Tapos pag nasaktan ka, gawin mo ulit ang lahat ng ginawa mo para maka move on ka. Ganun lang iyon. Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Huwag kang magpapakamatay o magsu-suicide. Just smile and face the world.

Kung handa ka nang magmahal ulit, alamin mo muna 'yung taong mamahalin mo kung deserving ba siya sa pagmamahal mo. Huwag mong ibigay lahat ng pagmamahal mo sa kaniya, magtira ka para sa sarili mo. Para hindi ka masyadong masaktan.

TANDAAN: Be happy for what you have. If you don't want to get hurt, don't take it seriously. Don't bother yourself sa taong iniwan ka. Start loving people who comes into your life who will stay and love you as much as you love them.

END

~~

A/N: Hi :-) So 'yun. Ganun lang po kadali magmove on. So sana may matutunan kayo. Hahaha.

Read my other story: One Dream or One Love
and
My First Trip Boyfriend (One Shot)

Kung hindi niyo po mahanap, go to my profile. THANKS. MWAH

How to Move On?Where stories live. Discover now