Jiro's POV

"Bro, pano na yan. Mukhang galit na galit talaga satin yung tatlo." sabe ni Rain habang nakahilata sa kama niya.

I sighed. Hindi naman kasi dapat ganito ang nangyari. Bakit pa kasi dumating yung tatlong yun? Okay naman na kami e.

Atsaka, masyado silang papansin. Feeling close talaga. Ang kakapal pa ng mga mukha. Parang di sila gumawa ng kasalanan samin.

"Kasalanan talaga to nung tatlo e. Tsk. Kung di sila bumalik edi sana wala ng problema." sabe ni Lucas.

Gusto niyo ba malaman ang totoong nangyari? Hmmm.... wag na. Masisira ang plano namin e.

"Kainis. Hindi parin nagre-reply si Dee sakin." sabe ni Lucas. At tinapon niya ang phone niya sa kama at humilata.

"Si L din. Kahit tawag ko ayaw sagutin." sabe ni Rain. At nagtaklob ng kumot.

Napabuntong hininga na din ako, dahil kahit si Akira e ayaw sagutin text at tawag ko.

"Kelan ba natin sisimulan yung plano?" tanong ni Rain.

"Bukas? Pero sa tingin niyo ba magiging successful ang plano naten?" tanong ni Lucas.

"Dapat lang. Dahil kapag hindi to naging success baka mabaliw na ako. Di ko nakakayaning mawala pa sakin si Akira, ulet." sabe ko. I closed my eyes.

"Tama. Baka di ko na rin kayanin kapag nawala si Dee sakin." rinig kong sabe ni Lucas.

"Si L din. Mahal na mahal ko si L." sabe ni Rain.

Sana nga maging success ang plano. Mahirap na magkamali....

***--***

Rina's POV

"Rina. Ano nanaman ba kasi plano mo?." tanong ni Erika.

"Di ba narinig niyo naman ang pinagusapan nila Kyle at yung mga babae, kahapon?" napatango naman silang dalawa.

"Well... gusto ko lang masira ang plano nila. I want them miserable, not happy." sabe ko. Nagkatinginan naman silang dalawa.

"But ba di ka maka-get over? Bakit ba ayaw mong tanggapin na si Akira na talaga mahal ni Kyle at di na ikaw?" sabe ni Erika.

"Hindi ba ikaw naman ang unang nagloko kaya naghiwalay kayo ni Kyle?" sabe naman ni Louisa.

"Ano bang pakealam niyo? Atsaka, akala ko ba gusto niyo ulet makasama yung dalawa?" inis kong tanong.

"Oo nga. Pero noon yun. Narealize na namin na wala talaga kaming chance. Masakit na kasi e." sabe ni Louisa.

"Atsaka, kami lang naman ang nasasaktan sa ginagawa namin. Alam naman kasi namin ang totoo. Na wala na kaming pag-asa at tanggap namin yun." sabe ni Erika. I scoffed.

"Masyado kayong mahina! Nagpapadala kayo dahil lang dun?! How pathetic! Hindi pa naman sila kasal kaya may chance pa para sirain sila." sabe ko. Napailing nalang sila dalawa.

Pero wala akong pakealam. I'll make their lives miserable! Hinding hindi sila magiging masaya!

Akira's POV

"Tsk." tinaob ko yung phone ko sa table.

Nakakainis! Ayaw parin tumigil sa kaka-vibrate ng phone ko. Naiirita na ako!

"Ano ba naman yan! Ayaw akong tantanan ni Lucas. Di ba niya alam ang word na space??? Psh." sabe ni Candy at sumandal sa upuan sabay pikit ng mga mata.

Binato naman ni Sully yung phone niya sa kama. Lahat kami dito naiinis. Bakit ba kasi di nila kami kayang bigyan ng space muna??

"Nagtext si Mom. Tinatanong niya kung okay ba daw tayo." sabe ni Candy.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!