CHAPTER 16
Cat Villanueva
Parang mas naglilihi pa siya sa akin kasi nagsusungit siya. Hindi nga kaya? 'Di bale napatunayan naman na minsan ay mga lalaki ang naglilihi. Ako kasi ay ayaw kong mainis sa kahit na ano dahil nakaka-stress iyon. At bawal ako ma-stress.
Tahimik na siyang tumitingin sa menu book ng restaurant na pinuntahan namin. Mukhang regular customer na siya rito dahil kilala na siya ng mga staff. Kinuha ko na rin ang menu book at binasa ang mga pagkain na nandoon.
Parang gustong umurong ng bituka dahil sa mga presyong nabasa ko. Pati tubig ang mahal saan ba galing ang tubig rito? Sa bukal ng langit?!
Napapalunok na lamang ako. Garantisadong masasarap ang mga pagkain rito, pagkamahal ba naman. Gusto ko na nga sabihin kay Rat na kahit sa mga fast food na lang kami kaso baka mabulyawan ako. Elitistang tunay.
"Don't mind the price, pumili ka d'yan ng gusto mo kahit ano." Biglang sabi niya habang nakatingin pa rin sa menu book.
"O...sige," sabi ko na lang.
Kasi naman!
Kaya binuklat ko pa ang kabilang page ng menu book at tumingin ng sa tingin ko ay magugustuhan ko. Nang nasa list ako ng mga soup ay ito ang nagustuhan ko. Grabe, congee? Diba lugaw lang ito? Bakit pagkamahal naman dito! Pero ito ang gusto ko eh siguro ginto ang gamit na bigas kaya mahal. Mga soup din ang gusto ko nitong mga nakaraan kaya baka ito ang gusto ng kambal.
"Nakapili na ako," sa wakas na sambit ko dahil nakapili na ako.
Sumenyas siya na siyang kinalapit na waiter.
"Sabihin mo sa kanya ang nagustuhan mo," utod niya sa akin. Isinara na niya ang menu book niya.
"Itong congee in lobster meat," sambit ko sa waited at itinuro ang order ko. Tumango ito at isinulat ang sinabi ko.
"Are you sure? Iyon lang?" tanong pa rin niya.
"Eh...Oo...?" sabi ko kasi nangingilo talaga ako sa mga presyo na nababasa ko.
"Alright, I've got you."
Sa kanya naman lumapit ang waiter. Nagsabi siya ng mga o-orderin niya na hindi ko rin maintindihan kung ano ang mga iyon pero siguro mga apat na dishes iyon. Gutom ba siya masyado?
"In-order ko ang mga the best dishes here dahil gusto kong matikman mo— I mean ng kambal." Segway na sabi niya. Kala naman niya hindi ko narinig.
"Ah gano'n ba... salamat."
"Tomorrow sa ibang clinic ako naka duty, but don't worry five hours lang ako doon." Paalam na sabi niya.
"Wala naman problema 'yon. Half day lang ako bukas then next day ay day-off ko," sabi ko naman.
"Sige noted 'yan."
Maya-maya ay dumating na ang mga in-order namin. Napalunok ako dahil sa ganda ng presentation ng mga pagkain. Hindi ako nagtataka kung bakit ginto ang mga presyo nito.
Pinaghiwa niya ako nung parang steak at nilagyan ang plato ko, sunod ay 'yong isang dishes na may seafoods. Kumuha siya ng prawns tapos ay binalatan at inilagay rin sa plato ko. Sa ibang dished naman ay mga veggies at salads. Pagkakumpleto niya nang mga iyon ay ibinigay niya sa 'kin ang plato ko.
"Taste it all, kung ano ang magustuhan mo ay bibigyan pa kita."
This kind of gesture of him. Lakas ng impact sa 'kin. Bakit ganito?
BINABASA MO ANG
The Doctor Series #3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...