...
(Iris Everette on the media)
Iris Everette
It's first day of school, meaning to say, I'm busy with my council schedule. As a President of the Student Supreme Council, I am incharge to welcome and tour all the freshmen here in NHU.
Although, we already met last week to have a little dry run in the opening the class. Basically, I met all the freshmen and properly introduced myself.
"Eve! Someone's looking for you outside." Lilac Ashen Montez, our vice president in SSC.
Lihim akong napairap dahil sa sinabi n'ya. I hate it when everyone is interrupting or disturbing me.
"Pakisabi busy ako, Ash. I still have a lot of things to do." Nakayukong usal ko dahil busy ako sa pagsulat ng mga kailangan kong ipasa mamaya sa dean.
Narinig ko ang mahinang pagsara ng pintuan indikasyon na umalis na si Ash sa pinto.
Isang katok muli ang nagpabuhay ng inis ko dahil ayoko nga na iniistorbo ako.
"What!" Naiinis na turan ko bago hinarap ang taong gulat na nakatayo sa may pinto.
It's Callyus San Diego. My boyfried.
"Oh, babe! Ang aga-aga, naiinis ka nanaman." Natatawang usal nito habang papalapit sa akin.
Hindi ko naman maipagkakaila na gwapo talaga s'ya at gentleman. Biglang nawala ang inis ko noong masilayan ang napakagandang ngiti na nakaukit sa mga labi n'ya.
"I know hindi ka pa nagbbreakfast, so I brought you something." Nakangiting inilabas n'ya ang mga pagkain sa dalang paperbag na mula sa Hangover.
"Dumaan muna ako sa Hangover bago pumunta rito. Also, hindi ako magtatagal dahil kailangan na ako sa opisina." Nakalabi pa n'yang sabi matapos ilapag ang kape sa ibabaw ng table ko.
Bigla akong natawa sa itsura n'ya dahil mukhang nagpapacute ito sa akin. Marahan kong hinawakan ang mga kamay niya at hinila palapit sa akin, dahilan para dumukwang ito sa table ko bago ko inabot ang mga labi n'ya.
His kisses are always sending off butterflies in my stomach.
I pull away after giving him a quick passionate kiss.
"Okay ka na?" Tanong ko habang inaayos ang buhok n'ya hindi naman nagulo. I don't know, maybe it's my habit na laging inaayos ang buhok kahit hindi naman nagugulo.
Nakangiti itong tumatango at lumayo sa akin.
He's older than me. I prefer someone who is older than me dahil mas mature at mas thrilling. Compare to those who are younger than me na puro kachildishan lang ang alam sa buhay.
"Babe, I hate to say this, but I'm going." Bakas sa mga mata nito ang lungkot kapag sinasabi na n'ya 'yon. He always does this every morning noong naging kami na. Parang usual routine na rin n'ya na dalhan ako ng breakfast and then, aalis na s'ya for his work. We've been like this for 2 years now.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinuntahan s'ya. I cupped his cheeks and give him a quick kiss sa lips. It never felt soft, but I like kissing him.
"H'wag mambabae sa office, ha? Fetch me later." I give him a one quick kiss sa cheek bago s'ya umalis nang tuluyan sa office ko.
Bumalik ako sa pagkakaupo sa swivel chair ko at napahilot sa sentido. Sobrang stressful ko na kahit hindi pa nagsisimula ang araw ko.
Inubos kong kainin ang breakfast na dinala ni Cal bago pinagpatuloy ang ginagawa ko.
