"I need a maid, I need a maid, maid~" Nakangiti kong kanta habang niyayakap ang mga pinamili kong apples. Dahil sa dami nito, may ilan pang nakakatakas sa pagkakayapos ko at nahuhulog.
Blessings na lang yun para sa mga makapulot. Kanina ko pa naisip na kailangan ko ng maid, dahil tinatamad akong maghanap ng damit at mag-linis ng aking kwarto sa palasyo.
At kukunin ko si Liza mula sa Central Empire!
Lumapad ang ngiti ko nang may dumaang karwahe, muntik pa nga akong mabuwal nang sumakay ako dahil sa aking paningin ay tumatalon-talon ang karwahe.
Ilang oras din ang byahe ngunit hindi ako nakatulog, inilalabas ko lang ang aking ulo sa bintana dahil gusto kong masilayan ang mabeberdeng bagay. Kalikasan!
NAKATAYO ako ngayon sa malaking gate ng Central Empire. Mula sa labas ay kitang-kita ko ang Malawak na palasyo, wala itong pinagkaiba sa dati, makintab pa rin dahil gawa sa ginto ang mga haligi.
Mukhang mayaman ang may-ari, pwede nang gawing sugar daddy. Napatawa ako, ngunit mabilis rin akong napangiwi nang magsimula na namang umikot ang paligid.
Isang baso ng alak lang naman ang ininom ko ah?
"Hi, hehe" bati ko sa dalawang gwardyang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.
Kumagat muna ako ng isang mansanas bago taas noong tiningnan sila. "Ako ay isang Anghel, at sugo ng diyos na ako'y papasukin!" Pinalaki ko pa ang aking mata upang masindak sila.
Naiinis kong ipinadyak ang mga paa nang magbulungan lamang ang dalawang gwardya, pagkatapos ay tumakbo papasok yung isa.
Mukhang walang balak ang natirang gwardya na papasukin ang diyosang kagaya ko dahil hindi nya pinagbuksan ang gate.
Ngumuso ako at tumalikod na lamang, mag-oover the bakod ako. Pag gusto, may paraan!
Nakanganga kong tiningnan ang buong paligid, sumasayaw silang lahat!
Hindi pa ako nakakalayo ay may ilang mabibigat na yapak akong narinig. Palapit nang papalapit ang mga ito at naririnig ko na ang mga ingay nila.
Nilingon ko ito at napahanga ako dahil sa mga nag-gagwapuhang mga gwardya ang tumatakbo papalapit sa akin. Marahil ay nasa bente silang lahat, at ang hot nilang tingnan dahil pinagpapawisan silang lahat!
Heaven!
Nang makalapit ay hinihingal na nagsalita ang isa. "Concubine Eliazar, the Emperor permitted you to go inside."
Lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi nya, ngunit umikot na naman ang aking paningin kaya napatihaya akong natumba. I looked at them dramatically.
"H-hindi ko na kaya, pakisabi na lang sa aking pamilya na mahal na mahal ko sila, p-paalam."
The leader of the guard looked at me boredly. "Get up, Lady Amara." Matigas nitong saad.
Tumayo ako pagkatapos ay pinulot ang supot ng mga apples, iniabot ko ito sa leader ng guards. He looked at it confused, but still, he hold the apples.
I looked at him then gave him a sweet smile, nangunot ang kanyang noo at iniwas ang tingin.
Itinaas ko ang aking dalawang kamay at nagsalita. "Piggy back!"
"YOUR hair looks like a carrot, and your ears are like a tomato!" I said in delight. Sa gilid ng paningin ko ay kitang-kita ko kung paano nagpipigil sa tawa ang mga kawal.
Nakasunod lamang sila samantalang kami nitong leader ng gwardya ang nauna. Guess what? He's giving me a piggy back ride, and it feels awesome!
Pero nakakasira ng mood ang awrang inilalabas ng lalaki, nandidilim ang kanyang mukha habang nagtatagis naman ang bagang. I pouted, what did I do wrong?
Pumasok kami sa isang silid at marahan akong ibinababa ni Kuya guard sa mataas na sofa.
"Whoa!" Mangha kong saad nang nagsimulang kumembot lahat ng nasa paligid ko, ngumiti muna ako ng malaki at padarag na ibinagsak ang katawan sa sofa.
My whole world is dancing! Bago pa ako makisali sa sayaw ay nakarinig ako ng isang baritong boses.
"So my Concubine is drunk, huh?" Ang boses nito ay parang nagmula pa sa kailaliman ng lupa dahil sa sobrang lalim.
Umupo ako ng maayos at hinarap ang lalaking nagsalita. I can't see clearly because my vision is blurry, isali mo pang parang sumasayaw lahat.
Nakadekwatrong upo ang lalaki at nakacrossed arms pa, maganda ang hubog ng kanyang katawan, maganda rin ang hulma ng mukha.
Pinaningkit ko ang aking mata. "I'm not drunk, just a littleee" ipinakita ko sa kanya ang maliit na sukat ng aking daliri. I heard him chuckle a bit.
"So Amara, what brought you here?" Tanong ng lalaki.
Biglang pumasok sa aking isip ang pakay ko kung bakit ako napadpad dito. "I'm here to talk to Emperor Luther about something."
Halatang hindi nito nagustuhan ang aking sinabi, nangunot ang kanyang noo. "I'm the one you're looking for, Emperor Luther is a long name, just call me baby." Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngisi nya.
Napatango ako. "Okay baby, I just want to ask you-" Biglang luminaw ang aking paningin dahil sa biglaan nitong pagkahulog sa upuan.
Nag-aalala akong tumayo ngunit mabilis ring napaupo dahil nahihilo na naman ako. Napangiwi na lamang ako.
"You know Liza right? My previous maid?" Tanong ko dito nang maayos nya na ang sarili.
He nod.
"I wanna take her back to our Kingdom."
"At sa tingin mo makakabalik ka pa sa inyong Kaharian?" He playfully said, taka naman akong tumango.
"Yes, and oh.. I'll go back with my maid." Masaya kong sabi. Sa isip pa lang na may tagahatid na ng pagkain sa kwarto ko ay natutuwa ako.
On north palace kasi, sa kaharian namin, hindi ako pumapayag na may ibang makapasok sa kwarto ko, kahit na ang mga maid. Maliban na lamang sa kapatid kong si Rajveer dahil pumapasok lang ito kung kelan nya gusto.
And I need Liza dahil napalagay na rin ang loob ko sa kanya.
"You can't come back." I bit my lips, he sounded so harsh. Galit ang kanyang boses at nakakapatindig balahibo rin ang kanyang tingin.
"I have a money to rent a carriage, hindi naman malayo ang aming palasyo sa Central Empire." I pouted, bakit daw hindi ako makakauwi. Anong silbi ng karwahe kung hindi naman nya ihahatid ang dyosang tulad ko?
"I won't give your maid to you." Mariin nitong saad.
Napipikon at naiinis na ako sa sinasabi ni baby.
"Why not, she's my maid!" Pakikitalo ko sa kanya.
"You'll only get to stay with her if you also stay here."
He received a glare from me. "Ayaw ko rito, wala namang mga isda at crabs dito. I can't live a day without eating them!" I shouted, umawang ang kanyang labi.
He bit his lower lips before talking softly. "Then.. I 'll buy you thousands of it. I'll give you anything, just stay. Wag ka nang bumalik sa inyo." His eyes are begging.
Inis akong tumayo kahit na umiikot pa ang aking paningin, kinuha ko sa gilid ang isang supot ng apples at ibinigay iyon kay baby.
"That's all yours, baby." His jaw dropped, napangisi ako. Madala ka sa tukso ng mga apples, please.
"Apples in exchange of my maid, Liza. Deal or no-" Napatigil ako nang bumigat na ang talukap sa aking mata. Napakapit ako sa sofa at padarag na umupo.
Before I could even close my eyes, I saw how baby grinned. Narinig ko pa ang huli nyang salita.
"The apples are now mine, and so are you, my Concubine."
![](https://img.wattpad.com/cover/299863228-288-k338839.jpg)
BINABASA MO ANG
Another Life As The Emperor's Concubine
RandomAmara Yvaine Eliazar, the Emperor's 3rd concubine experienced hell inside the palace. While trying to get the Emperor's favor, she died. Farra Monrue, the world's most known and wanted assasin died while trying to kill a FLY, and guess what? She got...