"Rusio Delano, asawa ni Maia"

nagtatakang nagtinginan ang dalawa.

"Kayo po pala ang asawa niya" nahihiyang ngumiti si Choleng

"Maupo kayo" alok ni Rusio

"anong sadya ninyo sa asawa ko?"

"Ah eh gu_gusto sana namin siya bisitahin, kumustahin dahil matagal tagal na rin na hindi siya nagpapakita sa shop." nauutal na sabi ni Choleng

"Nagtatanong na ang mga kasama namin pati si Emir hindi rin nagpapakita sa shop." dagdag ni Shiola

nakakunot ang noo ni Rusio. nag iisip "Sino si Emir?" tanong niya

nagkatinginan ang dalawa

"ah kasi po ano siya po yung may ari ng pottery shop."

"Siya ba ang nakakita sa asawa ko?"

"opo, pati nagbigay ng trabaho sa amin"

"Ah sir, paki sabi na lang po kay Maia na dumalaw kami. gagabihin na kami sa daan pauwi. Tyaka na lang ulit kami bibisita. Salamat po" Pagpapaalam ni Choleng. Hinila na niya si Shiola

Nagmadaling umalis ang dalawa sa mansion.

may tinawagan sa selpon si Rusio.

"Daddy are we going to play lego on Saturday?"

"No anak, may biglaang lakad si daddy eh, pag uwi ko na lang ha"

"Gusto mo si mommy na lang kalaro mo?"

"But you don't know"

" you can teach me" ngumiti si Maia

" eeeeemmmmm okay" madaling kausap si Malcolm

Maaga itong umalis umaga ng sabado.

Naalala niya ang unang beses niyang pagpunta rito. Agad nilang hinanap si Greta at Elmo na nagpatuloy sa kanya noon.

"Jusme, kaya hindi ako sumama dahil ayoko makialam tapos nandito siya ngayon" natatarantang wika ni Elmo

"Huminahon ka, wala ka naman ginagawang masama, pwera lang kung meron" ani Elmo

hinampas niya ito sa balikat.

"Kainis ka naman eh, imbes na kumalma ako mas lalo mo ako pinapakaba" ani Greta

Lumabas ito at humarap kay Rusio.

"Hi, natatandaan niyo pa ba ako?"

tumango si Greta, nasa tabi niya ang asawa

"Naparito ako ulit_"

"Dahil po ba sa paso" sabat ni Greta

Umiling si Rusio. " hindi, nandito ako para magtanong ilang bagay."

abot abot ang kaba sa dibdib ni Greta. rinig na rinig niya ang bawat pagtibok ng puso niya

"Anong itatanong niyo?"

Napalingon si Rusio sa mga pictures na nasa dingding.

sinundan ni Greta kung saan nakatingin si Rusio.

Lumapit si Rusio doon at isa isang tinignan ang mga litrato.

Kasama nila si Maia, yung iba silang mga magkakasama sa shop.

"Mayroon po ba kayong picture ng may ari ng pottery shop?"

humawak ng mahigpit si Greta s akamay ng asawa

nagkatinginan ang dalawa.

"Aling Greta,!" may biglang tumawag sa labas.

nakapasok na ito bago pa nila labasan.

"Aling Gret_a" nautal si Shiola ng makita si Rusio.

bumaling ng tingin si Rusio sa babae at ngumiti

ngumiti rin si Shiola na nagtataka ang mga mata.

"Saan ko ilalagay ang mga ito?"

napatingin sila sa mga dala niyang kahon.

"Amin na, ako na ang magtatago nito."Mabilis na kinuha ni Greta ang kahon.

Medyo mabigat ito. Sa taranta at pagmamadali ay nabuksan sa ilalim ang kahon.

Nahulog ang laman niyon. Magkahalong papel, mga drawing sa hulmahan at pictures.

may nahulog malapit sa paanan ni Rusio.

Pinulot niya ito at tinignan.

Nakita niya si Wyatt na naka akbay kay Maia.

Hindi na ito nagtanong pa. agad na umalis ito hawak ang litrato.

"Please take charge of this, may importante akong pupuntahan" pagpapaalam ni Wyatt sa sekretarya

Nagpunta sa warehouse na nagtataka ito dahil bigla siyang pinapapunta ni Rusio doon ng ganoong oras.

Pagpasok miya ay walang mga trabahador. Tahimik ang paligid.

Nang makarating sa looban ay biglang nagsara ang malaking pintuan at nagbukas ang mga ilaw.

Bumungad sa kanya ang mga lalaking naka sandong itim. Malalaki ang katawan at tila sanay sumabag sa rambulan.

Pinalibutan siya ng mga ito.

"Sino kayo?" tanong niya habang isa isa niyang tinitignan ang mga ito

Suminyas ang isa. Yung lalaki sa likuran niya ay sinungaban siya at sinunt*k siya sa balikat.

Napaluhod si Wyatt

Sumunod ang nasa gilid. Isang sunt*k sa kanyang mukha

Sunod sunod silang dumapo ang mga kamao sa iba't ibang parti ng katawan. Naka dapa na ito at hindi na makatayo.

Suminyas ang isa at lahat sila ay huminto.

Napaubo ito ng dugo sa sakit ng tyan.

Mula sa itaas ay naroon na nanonood si Rusio.

Inayos niya ang kanyang tuxedo at tyaka bumaba ng hagdan.

Hindi makamulat ng mata si Wyatt sa tindi ng paang inabot niya dito.

Tinitigan ni Rusio ang kaawa awang si Wyatt.

Nagtagis ang bagang nito at suminghap.

Iniwan niya na ganoon ang sitwasyon ni Wyatt.




















































Stealing Wife[completed]Where stories live. Discover now