Kabanata 20

1.6M 42.5K 17.5K
                                    

Kabanata 20

Ang Apelyido

Nahirapan na naman ako sa pagtulog. Dalawang gabi akong halos di makatulog ng kahit isang minuto. Ganun na ba ako kalala? Tuwing tinitignan ko si Jacob sa school na tumatawa lang kasama sina Leo at ang buong banda ay narealize kong ako lang pala ang naapektuhan doon sa kiss namin.

 Wala na kaming pasok sa pag peprepare ng intramurals kaya di kami nagkakasalubong ni Jacob. Either nasa practice siya ng basketball o banda habang ako ay nagpapractice sumayaw at maglakad para sa Ms Intramurals.

 "April! Ayusin mo naman yung lakad mo!" Sigaw ni Mrs Castro habang umiirap sa awkward na lakad ni April.

Twelve kaming contestant at siya yung halos araw-araw na pinag-iinitan ni Mrs Castro.

 Narinig ko pang bumulong si Mrs Castro sa kay Mrs Gonzalo, "Wala ka na bang ibang mahanap sa 6th years? Ang lamya nitong si Valdez." Habang umiiling at tinitignan ang hiyang-hiya na si April.

Napalunok ako at naawa ng sobra sa kanya. Wala kasi sa ugali niya ang maging confident... kasalanan din naman ng mga tao dito dahil lagi nilang pinag iinitan si April eh. Kung sana ay mas lagi nila itong pinupuri ay baka mas madagdagan ang confidence niya at mas bubuti ang performance niya.

"April! Ang galing mo na!" Sabi ko sa kanya nang natapos kami sa huling practice. Bukas na kasi magsisimula ang intramurals at bukas narin kami mag cocontest!

Sumimangot siya at yumuko. Nag alisan na yung ibang contestants. Nagmamadali para ma settle na yung gown at costume nila sa talent portion.

Ilang sandaling katahimikan at di niya na napigilan ang luha niya, "Hindi, Rosie! Alam kong hindi ako magaling! Tinry ko lang naman eh!" Humikbi siya. "Baka sakaling maging okay yung paningin nila sakin."

Yayakapin ko na sana siya pero biglang may umagaw sa braso niya.

 Napatingin ako sa gwapong pagmumukha na tumambad sakin. Si Jacob. Concerned kay April at siya na mismo ang yumakap dito. Nalaglag ang panga ko, simula nung hinalikan niya ako ay di ko na ulit siya nakita ng ganito ka lapit. Nainis ako kaya binalewala ko siya! Anong problema nito? Ewan ko sa kanya! Tama na yung pagiging puyat ko sa kakaisip ko sa kanya. Di ko na kayang mag isip pa sa kanya tuwing nandito ako sa school.

 Sumimangot ako sa nasaksihang pagyakap kay April.

"Jacob!" Sabi ni April sa balikat ni Jacob habang umiiyak at humihikbi.

Kumalas si Jacob para harapin ako. Seryoso ang mukha niya at nagkasalubong ang kilay. Nainis ako sa titig niya sakin. Para bang pinaparatangan niya ako ng kasalanang di ko naman ginawa.

"Inaway mo ba siya?" Tanong niyang ikinabigla ko.

Sumiklab ang galit ko sa tanong niya. Halos umusok talaga yung tenga ko. Uminit yung buong sistema ko sa inis.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon