CHAPTER 15
Rat Velaroza
Earlier...
Sinabi ko kay Dok Hideo ang lahat. Hindi siya makapaniwala sa una pero sa bandang huli ay tuwang-tuwa na siya.
"Sa wakas naman! Magkakaroon na ako ng inaanak sa 'yo. Hindi lang isa, kundi kambal pa. Double blessing! Congratulations!" Sabi niya.
Nginitian ko lang siya. Pero hindi ko pa rin maiwasan mainis na nandito sa HC si Dr. Flynn, ewan ko ba. Naalibadbaran talaga ako sa kanya. Hindi kaya ako ang mas naglilihi?
Nako, hindi pwede ito! Totoo naman na may tendency talaga minsan na ang lalaki ang makaranas ng pregnancy hormones but still wala pa rin 'yong scientific basis dahil ang pregnancy hormones ay makikita lamang sa hormones ng babae. Una sa lahat, hindi naman nabubuntis ang mga lalake, so paano sila magkaka pregnancy hormones?
May something talaga sa taong iyon na siyang kinaiirita ko. Hindi ko lamang matukoy kung ano.
"Basta pa-approve na lang ng maternity at paternity leave namin kapag nasa third trimester na siya. Si Cat lang ang magle-leave kapag six months na, ako after niya manganak dahil ako magpapa-anak sa kanya."
"Sure, no problem. I-note mo na sa HR para ma-process na rin ang mga benefits and such," sagot naman ni Hideo.
"Thank you."
"So, kailan mo siya ipapakilala sa parents mo?" tanong niya.
"As soon as possible after namin magsabi sa parents ni Cat. You know naman na always out the country ang parents ko."
"Sabagay... I think hindi naman na sila magugulat baka nga matuwa pa sila kasi sa wakas magkaka-apo na sila."
Napangiti ako, knowing my parents is excited to have a grandchildren. "Noon pa man ay gusto na nila."
Napangiti naman ng tipid si Dok. I feel sad for him dahil alam kong araw-araw niyang nami-miss ang parents niya na siyang mga nasawi sa isang vehicular accident eight years ago.
"By the way, na welcome niyo na ba 'yong si Doktor Flynn?" tanong ko.
"Yeah, i-welcome ko pa lang. Hinihintay ko lang ang food and cake niya na pina-deliver ko," sagot niya.
Maya-maya ay may pumasok na Nurse.
"Dok, nandito na po 'yung order ninyo."
Inilapag niya ang naka box na cake at isang tray ng carbonara.
"Mayroon pa pong mga food trays Dok, kukunin ko pa lang po." Pahabol na sambit nito.
"Sure, take your time. Thank you," magiliw na sagot ni Hideo rito.
Napatingin ako sa naka tray na carbonara. May naisip akong gawin.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series 3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...