What am I supposed to do when the best part of me was always you.
σσσCHAPTER 8σσσ
Nandito sila sa isang restaurant ni Dennise at magkaharap. Nagtext sa kanya ang dalaga na magkita at mag-usap daw sila, na pinagbigyan naman niya.
"Ibalik mo sakin si Andrei. Ikaw lang ang pwedeng makapagpabago ng isip niya. Please, Emmeriz. Don't take away my happiness from me. Mahal na mahal ko siya. And you know that." sabi nito.
Napabuntong-hininga siya. Bakit ba kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng to ? Mukhang binago nga ni Andrei ang buhay niya pero wala pa rin siyang lakas ng loob na tanggapin at aminin ang mga pagbabagong yon.
"Ang sinasabi mo ay... hindi ko magagawa." at tinitigan ang kausap.
Alam niya kung gaano nito kamahal ang binata. Pero wala siyang lakas ng loob na gawin yon. Dahil pagkatapos ng mangyari, wala na siyang lakas ng loob na magpakita dito.
"wala kaming relasyon ng ex mo, Dennise. Oo, sinabi niyang gusto niya ako pero hindi ko yun tinanggap. Wala akong pinaniwalaan sa lahat ng mga sinabi niya. Kaya, wag mong sasabihin na ibalik ko siya sa yo because in the first place, I never owned him. And I don't want to deal with this issue, anymore. Alam ko sa sarili ko na walang nangyari. And it's all between the two of you. So stop this, Dennise. Siya na lang ang kausapin mo, at wag ako. Because like before, he was still a stranger to me." paliwanag niya at tumayo na, saka umalis.
Hindi niya alam, unti-unti na palang nahuhulog ang loob niya kay Andrei. Hanggang sa hindi niya ito matakasan, at maitanggi lalong-lalo na sa sarili niya.
***
3 days na siyang hindi pumapasok. Wala pa rin kasi sa school ang focus niya. Na kay Emmeriz pa rin, at sa libo-libong sama ng loob niya dito. And still, he keeps on staring at her picture on his cellphone. Wala naman siyang pakialam kung umiyak man siya sa harapan nito o kaya'y mapahiya pa. Pero ang masakit dun, yung mga sinabi nito. Lalo na nung hinusgahan agad siya nito na manloloko, kahit pa alam ng Diyos kung gaano siya kaseryoso dito. At kung gaano kalinis ang intensyon niya sa dalaga. Kahit ano yatang gawin niya, hindi niya mapapalambot ang puso ng babaeng, una niyang iniyakan.
***
It's dusk. Tumungo siya ng eco park, ang paboritong tambayan ni Andrei, umaasang nandoon ang binata. Kaso, wala ito doon.
"Dadating ka di ba ? You told me that you'll deal any torture coming from me, right ?... Hindi ka pwedeng sumuko ngayon." sabi niya sa sarili at naghintay sa pagdating nito.
Pero 2 oras na ang lumipas, nilalamok na siya. Walang Andrei na dumating. Walang Andrei ang nagpakita. Wala sa loob niya ang umalis na lamang.
***
8:00 pm. Tumungo siya ng eco park at naupo sa bench.
"Bakit pa ba ako aasa na pupuntahan mo ko, ha ? Masyado na yata akong baliw sa yo, Emmeriz." sabi niya sa sarili na umaasang may Emmeriz na magpapakita sa harapan niya, at hinahanap siya, like before.
Pero hindi ganon ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang siya.
***
"Uy ano ba yan ! Tigilan mo na nga yan... Hindi mo pa ba nalalasahan na sobrang anghang na niyang chili BBQ mo ?" saway ni Issa ng tumungo sila ng isang resto ng araw na yon.
Pero wala talaga siyang malasahan eh.
"Hindi pa kaya maa------" pero inagaw na ng mga ito ang sauce.
"Riz, are you really okay ? Tingnan mo, namumula ka na. Wala ka bang panlasa ?!" tanong ni Steph pero natigilan sila at nagtinginan.
"Hey... something's wrong. Matagl ka ng ganyan. You better go and see a doctor." payo ni Issa na tinanguan ng kaibigan.
Pero alam ng mga ito na ayaw niya ng doctor at hospital.
"Sis, naiisip mo ba ang naiisip ko ?" si Steph.
"Oo naman." si Issa. At nagulat siya ng hilahin siya ng mga ito.
"Uy, ano ba ?!" Pero hindi na siya makapalag.
"Bita-----" hanggang sa mabunggo niya ang isang lalaki.
"I'm sorry. Hin------" pero natigilan siya ng makilala iyon. Pati ang mga kaibigan, nagulat sa nakita.
It's Andrei, at ibang babae. Nakaakbay pa ang binata dito. Ramdam niya ang matinding kirot sa puso niya. Ngayon lang niya ito muling nakita.
"I miss you." bulong ng puso niya.
"H-hi Andrei !' bati ng dalawa.
Ngumiti ang binata. "Hello ! Una na kami, ha." tugon nito at lumakad na palayo kasama ang bago nitong girlfriend.
Nalingon niya ito. Dati, kapag nakikita siya, ngumingiti agad ito na lalong nagpapagwapo dito. Pero ngayon, tinitingnan na lamang siya ni Andrei. Nagbago na yata ito.
"Oh ano ? Ano'ng sabi ng doctor ?" tanong ni Steph.
"Okay naman. Babalik naman daw ang panlasa ko. Bibilhin ko na lang tong mga gamot na nireseta sakin." sagot niya.
Napailing si Issa. "Ganyan ka ba ka-phobia sa ospital ? Tingnan mo, putlang-putla ka, o !"
Na tinawanan niya. "Oo nga pala, Riz. About kay Andrei. Ultimate playboy na siya ngayon. Mukhang nasaktan talaga siya sa ginawa mo. Ang daming nagkakagusto sa kanya pero lahat yon, umiiyak after ilang days. Hindi na siya yung dating Andrei. Bakit kasi sinabihan mo pa siya ng ganon eh." kwento ni Steph.
Yun nga ang pinagsisisihan niya, ang mga nasabi niya sa binata. Kung pwede lang talagang bawiin yon.
Simula noon, kung magkita man sila ni Andrei, lagi na itong may kasamang babae. Na sumusugat ng puso niya. Mukhang nasaktan nga niya ng sobra ang binata. At hindi niya akalaing gagawin nito ang mga sinabi niya dito noon.
***
Nakasalubong niya si Dennise ng araw na yon, nagtitigan sila pero nilagpasan niya lang ito.
"Emmeriz..." at nalingon niya ito.
"... bakit mo sinayang yung chance ? Hindi mo ba alam kung gaano ka kamahal ni Andrei ?... tanggap ko na nga na ikaw yung mahal niya pero hindi mo man lang siya binigyan ng chance na ipakita yon. Ganon ka ba kasama ? Look at him now, kung sino------"
"Enough Dennise. I don't want to hear anything about him. I just... don't want to." at tuluyan ng tumalikod.
Napailing na lamang ang dalaga.
BINABASA MO ANG
The Moment I Knew
Teen FictionMan hater is not the best word to describe her. She thought she's just afraid of falling, that she might fall hard, and will hurt like hell. Kaya ayaw niyang ma-attach sa mga boys except to her brother and father. But to anyone else, that's a no no...