Mga musika ay aking kasama,
Pag-aaral ang aking inuuna.Tila ba'y walang pakialam sa lahat ng tao,
Magisa lang ang aking gusto.
Hindi ko gustong makipaghalu-bilo sa mga tao.Buhay na walang sigla,
Buhay na parang wala rin namang kwenta.Hindi ko alam ngunit tila ba'y natatakot ako,
Natatakot akong iwan ng mga tao.Pakiramdam ko'y lahat iiwan ako.
Pakiramdam ko'y walang mananatili sa tabi ko.Mga tao'y lilisan na parang bula,
Umaalis ng walang paalam.Natatakot akong harapin ang mundo,
Mundong walang ibang ginawa kundi ang saktan ako.Ang tanging gusto ay ang magsulat ng mga kwento dahil sa istorya na lamang napapatunayan ang salitang masaya hanggang dulo.
Sa musika ako'y masaya.
Musikang nagsisilbing pahinga.Ayokong makaramdam ng sakit,
Masaya akong magisa.Nakakatakot.
Nakakatakot nga ba talaga?
Nakakatakot ba talagang harapin ang mapanakit na mundo?by: Gel

BINABASA MO ANG
Ikaw lamang
PoetrySa isang madilim na gabi na mayroong isang bagay na nagbigay ng liwanag sa akin. Liwanag na napakaganda pagmasdan, liwanag na gusto kong hawakan, liwanag na gusto kong hagkan, liwanag na nagsisilbi kong ilaw sa madilim na kalangitan. Ngunit bakit hi...