CHAPTER 14
Rat Velaroza
Habang papunta ako sa clinic ko sa Annex ay natatanaw ko na ang mga buntis na naghihintay sa couch ng receiving area . Daig talaga ng Hotel itong Annex ng HC. Nakaka-relax ang ambiance kahit pa na Hospital naman ito. Nakita ko na nginitian nila ako kaya ginantihan ko rin ko rin sila ng ngiti tutal ay lagi na maganda ang araw at mood ko. Nakita ko rin si Harmony na abalang may sinusulat sa Nurse Station. Tabi lamang iyon ng clinic ko.
"Good morning Dok Velaroza." Bati niya sa akin.
"Good morning din sa 'yo, Nurse Harm." Balik na bati ko sa kanya.
Tumayo siya sa kinauupuan at sumunod na sa akin dala ang chart niya. Panigurado na hindi na naman siya nagpa shuffle kaya siya pa rin ang Assistant ko for this week. Ayan ang privileged niya bilang anak ng may-ari ng Hospital. Maaari siyang pumili ng schedules niya o ng kung sino'ng gusto niyang i-assist.
"Mukhang napapadalas ang bagong suot natin Dok ah." Wika niya.
Iniabot niya sa akin ang chart dahil nakalista doon ang mga pasyeteng buntis na naghihintay sa receiving area. Pati ang mga records nila ay nandoon.
Napatingin ako sa sarili ko. Ano nga ba ang bagong suot ko? Usual na watch at white polo ko lang naman ang suot ko.
"Ano'ng bagong suot?" tanong ko.
Mas ngumiti siya ng malapad. At tinuro ang labi niya.
"This, Dok, you're always wearing your smile na," sabi nito, nakangiti rin habang nakatingin sa akin.
"Really?" tanong ko, bahagyang natawa.
"Oo nga, Dok, mukhang may nagpapasaya na sa inyo," sabi niya habang abala sa pagsusulat sa chart, ngunit may makahulugang ngiti sa labi.
Sino ba naman ang hindi sasaya kung magkakaanak ka na, kambal pa.
"Yes, I have my happiness now," nakangiti kong sagot.
"Wow!" bulalas niya, halatang nagulat pero tuwang-tuwa.
Lalo lang akong napangiti. Ewan ko ba kung bakit parang gusto kong makita uli si Cat kahit na almost kahihiwalay lang namin sa elevator kanina. Siguro para lamang sa kambal ko. Gusto ko siyang i-check minu-minuto kasi baka ano ang mangyari sa kanya o baka may mangyari sa kanya na hindi inaasahan. Pero para naman akong hibang no'n.
Tumawag na si Nurse Harmony ng pasyente ko. Napangiti ito nang makita ako. Kabuwanan na niya ngayon baka ngayong linggo o susunod an linggo ay mag labor na siya.
Mayroon din akong case magpapa-check lang sana ay biglang pumutok ang panubigan. Diretso delivery room na iyon.
"What do you feel these past few days?" Tanong ko sa kanya.
"Naninigas ang tiyan ko Dok, akala ko humihilab na pero nawawala rin naman." Sagot niya.
"You're experiencing Braxton Hicks contractions. Kumbaga, nagpe-prepare na ang pelvis mo for labor. But still, always be alert. Minsan kasi may mga buntis na akala nila ihi lang, pero 'yun pala, panubigan na," paliwanag ko.
Ang risky kasi ng mga ganitong kaso na nahawakan ko dati—'yung nauubusan ng panubigan. Ang tendency, nagiging mas mahirap ang panganganak, kaya mahalaga ang mabilis na aksyon.
"Sige po Dok, tatandaan ko po 'yan."
Nagsulat ako sa record paper. "May vitamins ka pa? Reresetahan na kita ng evening primrose para makatulong na lumambot ang cervix mo. You can take this three times a day—morning, afternoon, and nighttime," sabi ko habang nagsusulat sa reseta.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series 3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...