🐈🐀13

25.6K 290 36
                                    

CHAPTER 13

Cat Villanueva

Napakaganda ng gising ko. Mukhang kasing ganda ko rin ang sinag ng araw. Tumayo ako upang tuluyang buksan ang kurtina. Napakaganda ng natatanaw kong puro matataas na building ng buong Makati. Maganda ang viewing spot nitong napiling unit para sa akin ni Russel—ehem! Enebe, Rat na lang nga kasi naman bakit ako kinikilig kapag Russel lang!

At isa pa nakakapanibago talaga kasi nasanay ako na napaka rude niya sa kahit kanino. Ako nga makailang beses niyang nakakabangayan noon ewan ko lang kung natatandaan niya pa pero wala yatang buwan na hindi ko siya nakakasagutan dahil sa pagiging rude niya. Pero ngayon... Iba siya mula sa pagkakakilala ko sa kanya.

Totoo pala na kapag nakilala mo ng lubos ang tao ay doon mo pa lang makikita ang tunay na ugali niya. Lagi kasi tayong first impression last.

Nang maramdaman ko na naman na parang bumabaliktad sikmura ay mabilis akong nagtungo sa restroom ng kwarto. Binuksan ko anh faucet at dumuwal pero wala naman lumalabas na kahit ano. Grabeng morning sickness ito. Nagmumog nalang ako at pinatay ang faucet saka lumabas ng restroom. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamp table. Pagkabukas ko ay bungad ang chat ni Rat sa messenger.

Rat Velaroza: Good morning. Don't forget to drink you maternal milk. Papunta na ako para sunduin ka.

Kaya aga naman! Ano ba, nagpapaalala lang naman siya. Ano ba 'tong iniisip ko.

Cat Villanueva: Kababangon ko lang. Morning sickness.

Rat Velaroza: Paalis na ako rito, sabihin mo lang sa akin if kaya mong pumasok o hindi.

Cat Villanueva: Kaya ko. Wag kang mag-alala.

Rat Velaroza: Sure ka?

Cat Villanueva: Oo nga.

Rat Velaroza: 👍

Nagtungo na ako sa kitchen at nagtimpla na nga ng maternal milk ko. Wala pa kasing laman ang ref o kahit ang pantry dahil hindi pa nga kami nakakapag grocery tulad ng sabi ni Rat.

May nag doorbell kaya napapunta ako sa monitor at nakita ko don ang isang delivery guy. Mukhang nagpadala si Rat ng breakfast ko. Kaagad ko yong binuksan at ni-recieved ang breakfast. Bumalik na ako sa dining table at inilabas ang mga breakfast. Mabuti nalang kahit naglilihi ako ay hindi ako maselan sa pagkain kasi hanggang ngayon ay gusto ko pa rin ang pancakes na paborito ko naman talaga. May iba kasing mga naglilihi na ayaw na nilang kainin ang mga hilig nilang kainin noon.

Bukod sa pancakes ay may mga mixed fruits, yogurt, at tapsilog pero scrambled ang egg. Tapos ang tubig na pinadala ay Evian. Nasabi pala niya sa akin para daw hindi ako makaramdam ng nauseous ay mga tubig tulad ng Evian ang inumin ko dahil wala itong acidic effect unlike ng ibang distilled water.

Uminom muna ako ng maternal milk ko saka sinimulang kumain. Aasahan ko na ang pagdoble ng timbang ko sa mga susunod na buwan pero ayos lang iyon kung magiging malusong naman ang kambal namin kahit tripleng beses pa akong tumimbang ayos lang. Pagkatapos kong kumain ay uminom na ako ng pre-natal vitamins ko pagkatapos ay naligo na ako at naghanda na dahil papasok nga ako today at new line up of assistance of a Doctors ng mga Nurses ng HC na siyang grupo ko.

Saktong hawak ko na ang bag ko nang mag-chat si Rat at sinabi niya na nasa parking area na nga raw siya.

Cat Villanueva: Palabas na ako.

Rat Velaroza: Take care, nasa B15 ako.

Cat Villanueva: Okay noted.

Kaagad kong nilagay sa bag ang cellphone ko dahil para na naman akong kinikilig na ewan. Jusko Cat! Take care lang iyong sinabi niya para ka ng sinilihang uod d'yan!

The Doctor Series 3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon