10. planning

48 10 0
                                    

"Matagal ka na ba sa condo mo?" Janine asked.


"Ah. Mag-e-eight years na."


"Wow! Ang tagal na pala. Kakalipat ko lang, actually..."


"Oh"


Janine smiled and nodded, "Matagal ko rin pinag-ipunan para may sarili na akong lugar."


"So, ang next mong pinag-iipuna, kotse naman?" Miguel suggested.


"Para siguro kay Tatay. Di naman ako marunong magmaneho e. Hindi nga ako marunong mag-bike, mag-k-kotse pa ako?"


"Ah okay."


"Eh ikaw?"


"Anong ako?"


"Ano ang pinag-iipunan mo?"


"Hmm." Miguel thought. This was the first time he'd had a conversation about this topic with someone he just met. "Bagong scooter siguro. Medyo luma na rin yung scooter ko e." Miguel said then looked at an electric scooter parked just outside where they were seated.



"Ma'am..." Nina interrupted them and gave Janine her phone.


"Thank you." Janine smiled and Nina left.


"Ano ba yung ginagawa mo kanina? I think I saw you looking at your phone bago tayo nagkabanggaan. Sorry talaga. Bigla kasi akong natisod."


"Ah. Uhm, pinaplano ko kasi yung party ko. Kanina rin lang kasi na-finalize yung venue kaya excited akong maghanap ng suppliers. First time ko kasing mag-p-party ng medyo malaki." Janine explained.


"Uy! Kelan ba birthday mo?"


"Next week, sa Sabado."


"Cool! Kailangan mo ng tulong? I mean, may naisip ka na bang suppliers?"


"Baka pagtawanan mo lang ako kung sabihin ko yung idea ko."


"Bakit naman?"


"Eh kasi, hindi masyadong common yung gusto kong concept."


"Ano ba yung iniisip mo?'


"Children's party"


"Uy! Masaya yun! Nakakamiss din kaya yung ganung klaseng party."


"Pero hindi tulad nung mga children's party ngayon na sobrang bongga na may pa-show pa ng mga characters, ha?"


"Okay."


"Ang gusto ko, parang tulad nung mga children's party bago pa nauso yung mga pa-characters at mag-party sa mga fast food."

Across the QuayKde žijí příběhy. Začni objevovat