"Mhie," I called him.

"Yes?" He asked without looking at me.

Tinaas ko ang kanang kamay niya at pinakaritigan ang relong suot niya. Hindi tuloy ako mapakali dahil naalala ko ang relong binili ko, sino ang mag susuot non?

"I actually bought a watch for you," Hindi ko namalayan na nasabi ko pala iyon.

Parang naagaw ko ng buo ang atensyon niya dahil humarap siya sa akin at ibinaba pa ang laptop na nasa lap niya.

"You did? Where? Let me see," Parang excited pang sabi niya.

Nakamot ko ang kilay at napaisip pa kung ipapakita ko ba ang binili ko for him pero kinuha ko rin iyon sa maliit drawer na pinag lagyan ko at bumalik sa tabi niya.

Pinagmasdan ko lang siya kung paano niya iyon buksan. He looks excited and I can't help but to smile when I saw the happiness in his eyes.

"B-bakit mo tatanggalin iyan?" Takamg tanong ko ng makitang tinanggal niya ang relo na binili niya para sa sarili niya.

"I have my new favorite watch," Sabi niya habang sinusuot ang relong galing sa akin. Napatitig pa ako sa wrist niya ng maisuot niya iyon ng tuluyan.

"Thank you for this," He said and kissed my cheeks. I pouted to hold my smile.

"I'm glad you like it," I said.

"Of course," Nakangiting sabi niya at yumakap pa sa akin.

"Tulog na tayo," Napanguso ako pagtapos ng paghikab.

Tumango siya at inayos na ang laptop. Binalik na niya iyon sa bag at ipinatong sa study table bago siya bumalik. Yumakap agad siya sa akin at agad naman akong yumakap pabalik.

Unan ko ang kaniyang braso katulad ng nakasanayan. Magkaharap kami pero sadyang mas matangkad siya kaya dibdib niya lang ang kita. Muli akong napahikab.

"Goodnight, Trav," Inaantok na sabi ko.

"Goodnight, Solana," I smiled when he kissed the top of my head.

Nagising ako dahil sa malakas na simoy ng hangin. Umupo ako sa kama at tinignan ang paligid doon ko nakita ang bukas na bukas na veranda. Antok na antok akong bumangon para isara ang malaking sliding door. Napahikab pa ako ulit habang nag lalakad pabalik sa kama.

Tumingin ako sa wall clock dahil napansin kong medyo madilim pa ng isara ko ang veranda. Kumunot ang noo ko ng makitang 12 pa lang ng madaling araw.

"Trav," Inaantok na tawag ko pero walang sumagot.

"Trav," Ulit ko at tumingin sa pwesto ni Travon matagal pa akong napatitig sa pwesto niya bago mapagtantong wala siya roon.

My forehead creased. Nasaan naman kaya siya? Madaling araw pa lang masyado pang maaga para sa trabaho. Ano naman kayang trip non? Baka nag sleep walk na.

Tumayo ako at dahan dahang lumabas sa kwarto. Sinilip ko siya sa mini sala pag labas ko pero wala siya roon. Maingat akong nagpatuoy sa paglalakad pababa ng hagdan. Mabuti na lang din at hindi sobrang dilim.

Hindi ko na nagawang pag patuloy pa sa paglalakad pababa ng marinig ko ang seryosong boses ni Travon.

"I told you to go home," Si Travon.

"Kahit ngayon lang please. I'm so empty," Mahinang sabi ng kausap niya. Mahinhin ang boses kaya tingin ko ay babae.

"Ipapahamak mo lang ang sarili mo!" Muntik na akong mapaiktad sa gulat dahil sa biglaang pagsigaw ni Travon. Bumilis ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko.

Sigurado akong seryoso ang usapan nila kung sino man ang kausap niya at hindi dapat ako nakikinig pero parang napako ako sa kinatatayuan at hindi ko magawang maglakad pabalik sa kwarto.

"Come on. Hanggang kailan mo itatago ito?!" Sigaw pabalik ng kausap niya.

"Trav---" Pinutol agad ni Travon ang sasabihin ng kausap niya.

"Don't you dare say my name. I'm warning you,"

Napalunok ako dahil sa mga naririnig ko. Bigla akong makaramdam ng kaba. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang pinag uusapan nila pero parang biglang sumakit ang puso ko.

Anong itatago?

"Umalis ka na," Malumanay na sabi ulit ni Travon.

Inipon ko ang lakas ko para mag lakad ng ulit pababa. Nilibot ko ang paningin ko umaasa na makikita si Travon pero hindi sapat ang mahinang ilaw. Muli akong huminga ng malalim.
I punched my chest lighty dahil ramdam ko pa rin ang pagsakit ng puso ko na parang tinutusok ng karayom.

"Travon," May kalakasan at buong tapang na tawag ko.

"Trav, " Tawag ko ulit.

"S-sol?" Ramdam ko ang gulat sa boses niya. Nakarinig din ako ng mahinang pagubo.

"Where are you?" Tanong niya at nakarinig na rin ako ng footsteps.

"Upstairs," I answered.

Hindi nag tagal may humawak sa kamay ko. Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Travon na nakangiti sa akin.

"Kanina ka pa rito?" Tanong niya.

Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag usapan nila ng kausap niya pero sigurado akong hindi magandanh ideya kung malalaman niyang narinig ko ang ilan sa napag usapan nila.

Umiling ako at yumakap sa kaniya pero mabilis din akong humiwalay para harapin siya. "Kaka-labas ko lang.I was finding you. I was scared I woke up wala ka sa tabi ko," I said and faked a laugh.

"Miss mo ako agad," Mapang asar na sabi niya at pinisil pa ang tungki ng ilong ko. Mabilis ko namang hinampas ang kamay niya.

"How about you? Why are you here?" I asked him. Sinuri ko ang itsura niya. Umaasa ako na sasabihin niya ang tungkol sa mga narinig ko pero pag ngiti at pag iling lang ang sinukli niya.

"May chineck lang. Let's go back to sleep," Sabi niya at nauna ng naglakad pataas ng hagdan habang hawak ang kamay ko.

Wala naman akong nagawa kundi sumunod na lang sa kaniya, muli pa ulit akong napalingon sa pinang galingan niya pero puro dilim na lamg ang nakita ko.

Sinong kausap niya?

Why is it like this? I feel strange.

Behind Closed Doorsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن