Chapter Thirty Three

50.9K 607 5

CHAPTER THIRTY THREE

LUCY'S POV

Naguguluhan ako. Ibinigay ko ang pagkababae ko sa kanya? Ayoko siyang sisihin dahil kahit ako ay nagkamali.

Pero bakit ko siya hinayaan? Oo nga at mabait si Mauricio at matulungin pero hindi tama ang ginawa namin. Diyos ko, may asawa siya!

Patuloy pa rin ako sa pag- iyak sa loob ng banyo. Ayoko na siyang makita. Nakakahiya. Sana iwan na niya ako dito. Sana umalis na siya. Ayokong umalis dito ng nandito pa siya.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng banyo. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong wala na ang mga damit niya. Nakaalis na siguro siya. Sana.

Inayos ko na ang mga gamit ko. Bago ako lumabas ng kwarto, napatingin pa ako sa kama. Naiiyak ako sa nangyari. Nang makalabas ako ng kwarto, nakita ko ang alak at mga basong ginamit namin. Pinahid ko ang mga luha ko at nagsimula ng lumabas ng unit niya. Paalam Mauricio.

"Lucy, bakit namumutla ka?" Tanong ni Aling Ising.

Isang buwan na mula nung may mangyari samin ni Mauricio. Umalis na ako sa restaurant niya dahil sa nangyari. Hindi na ako nagpaalam kahit kanino sa kanila. Hiyang- hiya kasi ako sa sarili ko.

Nagsimula na lang ako ng simpleng pamumuhay. Doon pa rin ako nakatira sa dati naming tinitirhan. Tumutulong ako kay Aling Ising sa pagbebenta ng isda sa palengke. Nagpapasalamat nga ako at tinanggap niya ako.

Nitong nakaraang araw, madalas nga akong makaramdam ng pagkahilo. Nandito ako sa palengke at umuulit na naman ang pagkahilo ko. Maputla daw ako sabi ni Aling Ising.

"Pasensya na po nahihi-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay maraming tao ang nagpapaypay sakin. Agad naman akong binigyan ng tubig.

"Lucy, mabuti pa ay umuwi ka na muna at magpahinga." Suhestiyon ni Aling Ising.

"Okay na po ako." Sagot ko kahit ang totoo'y medyo nahihilo pa rin ako.

"Naku bata ka umuwi ka na para bukas ay may enerhiya ka na. Ipapahatid na lang kita sa anak ko." Sabi niya.

Hindi na ako tumanggi. Umuwi na nga ako.

Dumaan pa ang mga araw na hindi lang pagkahilo ang naramdaman ko. Malimit akong sumuka lalo kapag umaga.

Diyos ko, sintomas na po ba ito? Napaisip ako. Nagbunga ba ang pagtatalik namin ni Mauricio? Gusto kong malaman.

Naglalakad ako sa daan habang nag- iisip. Alas siyete pa lang. Napatingin ako sa tulay kung saan nagtangka akong magpakamatay noon. Tumigil muna ako doon. Ilang minuto akong nakatayo lang doon hanggang sa maisip kong kailangan ko ng umuwe at baka abutin ako ng ulan. Nagpahid ako ng mga luha ko.

"Wala ka na bang balak tumalon diyan?" Nagulat ako at napatingin sa may likuran ko. Mauiricio?

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Patawarin mo ako Lucy." Sabi niya.

"Di ba sabi ko kalimutan na natin ang nangyari? Okay na ako." Sabi ko.

"Hindi mo man lang ba ako sasampalin?" Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Kapag ba ginawa ko 'yun maitatama pa ba natin ang nagawa nating pagkakamali?" Sabi ko.

"Pero Lucy,-" Sabi niya pero hindi ko na siya pinatapos.

"Bakit ba pinapahirap mo pa ang sitwasyon? Sabi ko sayo kalimutan na natin 'yun tutal pareho naman tayong nagkamali." Sabi ko.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!