Chapter 37

51.2K 611 3

CHAPTER 37

CRYSTAL

Nasa sala kami nina Mommy kasama ang anak ko nung lumapit ang kasambahay.

"Mam, may bisita po kayo. Si Ms. Karren po." Sabi nung kasambahay.

Karren?

"Mom may iba pa ba kayong kilalang Karren bukod sa Karren na kilala natin?" I asked mom.

Umiling siya. So siya na nga 'yun. Alam na kaya niyang nandito ako? Bakit kaya bigla siyang napadalaw?

"Mom, ako na lang po ang haharap sa kanya." Sabi ko kay mommy.

Umakyat si Mommy kasama ang baby.

"Sige papasukin mo na siya please." Sabi ko sa kasambahay.

Tumayo ako sa pagkakaupo nung makita si Karren. Matagal kaming hindi nagkita. Ngumiti agad ako pagkakita sa kanya kahit naalala ko na naman ang nakaraan. Sana napatawad na niya ako.

"Karren," sabi ko habang papalapit siya.

"Crystal?" Sabi niya.

Nung magkalapit kami ay bigla ko na lang siyang niyakap at hindi ko na napigilang mapaiyak. Napansin ko rin ang pagpahid niya ng luha nung magbitaw kami ng yakap.

"Karren galit ka pa rin ba sakin?" Tanong ko at umiling siya habang nakangiti.

"Hindi ko alam na nandito ka na. Akala ko sina Tita lang 'yung madadatnan ko dito. Nabigla ako nung makita ka." Sabi niya.

"Kamusta ka na?" Tanong ko nung hinawakan ko ang kamay niya at iginiya para maupo sa sofa.

Ngumiti siya atsaka ipinakita ang engagement ring.

"Oh! I'm happy for you! Kelan pa?" Sabi ko.

"Matagal na rin but finally may date na 'yung kasal. Kaya nga ako nandito para iabot ang invitation." Sabi niya atsaka may dinukot sa bag.

"Wait, kanino?" Tanong ko pero inabot na niya ang invitation.

Napanganga ako sa nakita ko.

"Si Steve? Really? Omaygad, I'm happy for both of you." Sabi ko at niyakap ko ulit siya.

Napakasaya ko para kay Karren. She deserved it. Finally nakita na niya ang Mr. Right niya.

Pagkaalis ni Karren ay agad akong umakyat para puntahan si Mommy.

Sinabi rin kasi niya na nagmamadali siya at sadyang idinaan lang ang invitation.

"Mom! Guess what!" Sabi ko pagkabukas ng pinto.

Nag- sign naman si Mommy na huwag akong maingay atsaka ko napansin ang mahimbing kong anak sa pagtulog.

Lumapit si Mommy at inabot ko ang wedding invitation.

"Karren and Steve are getting married!" Sabi ko sa mababang tono pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagka- excite.

"Wow bagay sila. I'm so happy for both of them." Sabi ni Mommy.

"Me too." Sabi ko.

Nagpaalam na si Mommy na bababa at naiwan ako sa kuwarto.

"Baby, masaya si Mama kasi okay na kami ng Tita Karren mo." Nakangiti kong sabi sa natutulog kong anak.

Naalala ko na naman ang titulo so I decided na bumalik sa condo para ibalik ito kay James. I don't know kung bakit ipinipilit ko pa ito kay James. Nakakapagod rin magpabalik- balik sa unit niya, isa pa iniiwan ko ang anak ko sa bahay, kay mommy. Siguro dahil gusto ko rin siyang makita.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!