"Tapos nagkita ulit kami.... Wrong timing nga lang dahil yun pa yung araw na hinimatay ako dahil umatake yung sakit ko, dalawang beses nangyari yun na siya ang nakakita saakin. Yung pangalawa sa rooftop ulit yun dahil tumakas ako nun tapos nakasalubong ko siya, sinamahan niya ako. Tapos nung nawalan ulit ako ng malay sa rooftop siya ang nagdala saakin dito at nag alaga saakin, hiyang hiya pa nga ako nun eh kasi siya pa talaga ang nag alaga saakin. Tapos yung kanina....yung naabutan niyo kami na magkayap ay dahil lang yung sa sobrang tuwa ko!! Kasi naikwento ko sakanya na yung tungkol sa Bataan, alam niyo yun diba? So yung nga nakwento ko sakaniya na kung papalarin gusto ko ulit bumalik doon. Tapos amg sabi niya kakausapin daw niya yung doktor ko para tanungin kong pwede akong bumyahe ng malayo at sabihin ko daw kanila mama at daddy na pumunta sila dito konv pwede at siya ang magpapaalam saakin. Idagdag mo pa na tutulungan niya akong ibenta yung mga paintings ko... Diba ang bait niya?!"

Tanong ko sa kanila habang may malaking ngiti na nakapaskil saaking labi. Pero hanggang sa matapos akong magkwento nakatitig parin sila saakin.

"H-hoy magsalita nga k-kayo!!"

Mukhang natauhan naman sila dahil tumikhim si Ara samantalang si Yuki naman ay parang ang lalim ng iniisip.

Pero mas nagulat ako sa sunod na sinabi ni Ara.

"Putang.... May gusto ka ba dun?" nanantiyang tanong ni Ara saakin. Nanlalaking mata ko naman siyang tinignan.

A-ako may gusto s-sakanya?

Impossible. Kakakilala lang namin tapos gusto agad? Agad agad?! Diba pwedeng friends lang.

"A-ako? Alam mo i-imposible yang sinasabi mo Ara, kakikilala lang namin nun. Kaya yang sinasabi mo napaka imposible." may halong diin kong sagot sakanya.

"Tigilan mo ako, Zb. Lokohin mo na't lahat, pero saamin? Hinding-hindi mo kami maloloko!"

"At pano mo naman nasabi yan?" may panghahamon kong tanong sakanya. Pero ang buang ay ngumisi lamang saakin ng nakakaloko.

"Kung makangiti ka nga kanina habang kinikwento mo yung Love Story niyo eh halos hindi mawala yang ngiti mo."

'Ano?!! Love story?!! Nakahithit ba to?'

"Hoy! Anong sinasabi mong love story?!"

Ngunit imbis na sagutin ako ay ipinagpatuloy niya lang ang sinasabi niya.

"Tapos habang nagkwekwento ka yung ngiti mo kakaiba eh.... Parang may pinanghuhugutan diba Yu?" baling niya kay Yuki, pero sa ipinagtataka namin tahimik lang siyang nakamasid saamin.

'Ano bang problema niya at kanina pa siya tahimik?'

Magsasalita na sana ako para tanongin kung bakit siya tahimik, nang mag ring yung phone ni Arah.

"Ahh.... Guyz i think, kailangan ko ng umalis. May gagawin pa pala kaming group activity tapos kailangan ako dun. Ayos lang ba?" medyo nag aalanging tanong niya.

"Mmm, ayus lang"

"How 'bout you Yu? You wanna stay here?"

"Yes, don't worry about me. Si Nurse A nalang yung maghahatid saakin." sagot naman ni Yuki sakanya. Nang masigurong ayus lang kami ay tyaka na siya umalis.

"Ikaw nang bahala jan Yu!! Paaminin mo yan. At tyaka tayo magpupulong pulong na tatlo!! Sige na bye i love you!!"

Pahabol ni Ara bago siya tuluyang maka alis. Kaya dalawa nalang kami ni Yuki ngayon ang naiwan dito, medyo nag dadalawang isip pa ako kung ako ba yung mauuna.

Hindi ako makatingin ng diretso sakanya dahil, talagang kinakabahan na ako kanina pa!! Kung ma-

"You know him?" she ask with a serious tone.

Back To The Ocean [ EDITING ]Место, где живут истории. Откройте их для себя