"D-dream high..."

Napaawang ang labi niya dahil sa sinabi ko. Kaya bahagyang kumunot ang noo ko sa nakikita kong reaction sa kanya.

"Dun ka mag aaral?"he asked again ,"Wow.... sa dream high ka pala... dun ako grumaduate ng college.."

Tipid akong tumango sa sinabi niya. Sa itsura ni Terrence ay hindi mahahalatang nakagraduate na siya ng college dahil sa mukha niyang baby face!

"Ano bang year ka na sa course na kinukuha mo?"tanong niya pa muli.

"Uh..... 3rd year achitect student , Terrence."maayos na sagot ko sa kanya ,"I'm transferee student din. Nag aral ako ng dalawang taon ng college sa probinsya..."

"Oh.... I see ,"sabi niya habang ang mata niya ay nakatingin ng diretso sa daan ,"Ako naman ay 3rd year student na sa medschool..."

Dahil dun mas lalong tumitig ako sa kanya. Magdodoctor pala siya?

"Magdodoctor ka pala?"tanong ko sa kanya at narinig ko ang mahina niyang tawa.

"Yes!"he said proudly ,"Gusto ko maging isang ganap na doctor! I want to be a pediatrician doctor!"

Wow.....

"Di ka ba nadodoubt sa dream mo yan? I mean is....ang doctor ang pinakamahirap sa lahat ng course..... maraming taon ang pagdadaanan mo bago ka maging isang ganap na doctor?"

Dahil doon ay marahan siyang tumingin sa akin at nakita ko ang pag-ngiti niya sa akin.

"Maraming pagsubok para maging isa ka ng ganap na doctor. Napag isipan ko na rin 'to nung college days ako pero hangarin ko na talaga ipagpatuloy ang nasimulan ko pa noon."he said calmly ,"Well.... my both parents is a professional doctor. When I was 5 years old that time.... nakapagpatayo ang daddy ko ng ospital sa Quezon City. At habang lumalaki ako ay napag isipan ko na doctor ang magiging job ko pagdating ng panahon. Lagi nila sa akin pinapahalahanan habang hindi pa ako tumuntongtong ng college ay kung desidido na ba ako sa kukunin kong course sa college. Then I nodded quickly , dahil premed na kukunin ko sa college. Both my parents are worried to me dahil hindi magiging madali na tatahakin ko kapag nasimulan ko na ang pagiging med student dahil maraming taon pa ako pagdadaanan bago ko makamit ang tagumpay ng inaasam ko..."

Nananatili lang ako nakikinig sa kanya dahil sa mahabang niyang pinapaliwabas sa akin.

"Sinabi ko sa kanila na okay lang kung maraming taon ang pag aaralan ko tungkol sa pagmemedisina. It's my choice. At gusto ko makatulong sa kapwa tao ko kaya gusto ko maging ganap na doctor."

Lahat naman ng course mahirap sa una. Bago mo makamit yun ay kailangan dumaan ka sa matinding pagsubok.

"Sinuportahan nila ako sa gusto ko kaya wala na naging problema...."he smiled to me...

I nodded quickly.

"How about you? first choice mo ba yang architect?"tanong niya kaya tumango ako.

"Oo , when I was a kid mahilig na ako magdrawing. My mother is a architect , nainspire ako dahil sa mga guhit niya na nakikita ko sa kwarto niya. Lagi niya pa nga ako nahuhuli kapag ninanakaw ko yung gawa niya eh... "

Di ko napigilan na matawa na lang. Damn! naaalala ko pa rin mga pinag gagawa ko noon. Kinuha ko talaga mga plates niya noon para gayahin lang...

"Kaya masaya siya na architect ang pinili ko nung nagcollege ako dahil may susunod na sa yapak niya."I sighed heavily.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso na naaalala na kahit sumunod ako sa yapak niya ay mukhang di na niya makikita.

"What's wrong?"Terrence asked. Naramdaman niya ata na bigla akong natahimik habang nagsasalita!

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now