She took a deep breathe before crossing the road. Nang tuluyan syang makatawis at kaharap na nya ang grocery store, mabilis syang pumasok sa loob saka tinanggal ang suot na face mask at sumbrero.

Hindi sya sanay na may suot na ganoon. Pakiramdam nya isa syang kriminal.

Nagalakad sya patungo sa aisle kung nasaan ang mga shelf ng mga sweets. Napatingi sya nang makita nya ang masasarap na tsokolate.

Pumili sya ng limang klase ng tsokolate at nagtungo naman sya sa beverages aisle. Pumili sya ng isang choco drink at isa namang cold brewed coffee.

Nang ayos na ang mga napili nyang makakain at maiinom, aalis na sana sya ng aisle pero nang tumalikod sya ay nanigas bigla ang buong katawan nya nang makita ang lalaking nagbigay sa kanya ng trauma.

"L-Lucas?" Kabadong tawag nya rito. "Anong–"

Naputol bigla ang sasabihin nya nang may i-spray ito sa mukha nya dahilan para ubuhin sya.

"What the..." Nabitawan nya ang hawak nyang basket at napahawak sa shelf na nasa gilid nya. She feel so dizzy. "Anong g-ginawa mo?"

Nanghina bigla ang tuhod nya at sinalo naman sya ni Lucas. She wants to pull away at run away from him but she can't. Her body can't respond. Para ba syang na-paralyzed at kahit daliri nya ay hindi nya magalaw.

Pinangko sya nito at inayos ang pagkakasuot ng sumbrero nya.

"Matulog ka muna." Bulong nito.

With that words, her eyes close itself but she can hear what's going on.

Naramdaman nyang naglakad ang binata at lumipas ang ilang segundo huminto ito.

"Sir, anong nangyari?" Tanong ng boses lalaki.

"Bigla na lang syang hinimatay. Dadalhin ko sya sa ospital." Sagot naman nito.

No. He's lying! I did not faint. Please! Help me. Someone...

Gusto nyang isagaw iyon pero hindi nya magawa. Hindi nya maramdaman ang labi nya maskin ang dila nya ay hindi nya maramdaman.

Ano bang dapat nyang gawin?

Nag-umpisa ulit maglakad ang binata at naramdaman na lang nya na inilipat sya nito sa medyo may kalambutan na higaan.

"Nagawa mo." Rinig nyang wika ng pamilyar na boses. "Nagawa mo na ang gusto mo. Pero kapag hinanap ka ng pulis, labas ako rito."

"Tingin mo ligtas ka?" Sabi ni Lucas at bahagya itong natawa. "Cleo, get away driver kita. Sa oras na may makakitang kasama kita ngayon, damay ka. At tingin mo ba hindi sinabi ng babaeng 'to sa mga kakilala nya na ikaw ang unang nagtakang dumukot sa kanya?"

"Ayokong makulong, Lucas."

"Dapat pinag-isipan mo muna ng maayos ang lahat bago ka pumayag sa kasunduan natin."

Naramdaman nya ang bahagyang paggalaw ng kinahihigan nya at narinig nya ang tunog ng isang makina.

Nasa kotse ba sya? Saan sya dadalhin ng mga ito?

Capturing Her HeartKde žijí příběhy. Začni objevovat