PBAP 4

5K 95 1

Lumipas na ng dalawang weekends wooh! Lunes na ngayon at nandito ako sa Library tinatapos yun Dalawang Chapter at panigurado ako hindi ako makikita ni Jhake dito kasi to be honest pumunta ako sa Dean's office at hindi daw ako matatanggal bilang Magna Cum Laude.

"Si France? Sino yun?"

"Ah kanina nakita ko yun ewan ko lang kung nasaan siya"

"Jhake bakit siya pa? Bakit hindi na Lang ako?"

Ng marinig ko yun nga boses ng mga babae at narinig ko yun pangalan ni Jhake agad kong kinuha yun Nerdy Glasses ko actually reading glasses para di niya ako mahalata, medyo malabo na rin mata ko.

"Ma'am Tenorio" Boses ni Jhake

"Yes, Mr. Vendiola? What can i do?" Agad na tanong ng Librarian

"Andito Napansin niyo po ba dito si France Miller?" Lord!! Sana di niya ako napansin!!!!

"Si Ms. Miller? Andito yun hanapin mo na lang" Lintek! Kang librarian ka! Pahamak ka promise!!!!

Yumuko ako ng kaunti at nagsulat ng nagsulat ng marinig kong umusog yun upuan sa harap ko at ipinatong yun kamay at alam ko kung kanino iyon.

"Hey Hon" Shit. Nahuli na ako kaya iniangat ko yung ulo ko at nagulat naman siya sa akin "Bakit may salamin ka?"

"Malabo mata ko" Simple kong sabi to the fact para hindi niya ako mahalata pero taena nahalata parin ako "Paano mo ko nahanap?"

"Ikaw lang ang may mix up na kulay na buhok at yung may Stacked perm na kulot" Sensya na may lahi ako eh "We have a deal right? and i'm right kasi di ka naalis bilang Magna"

Mapapagod ako nito ng husto eh, "Mapapagod lang ako ng Husto sa ipapagawa mo eh, Papasok ako dito sa University, pupunta ako sa bahay mo, uuwi sa bahay ko-"

"Dami mong dada alam mo yun?" Mukhang nagsusungit na "Basta umuwi ka tas kumuha ka ng mga ilang gamit mo at dun ka muna sa akin titira. Sa unit ko, dun tayo mag meet sa Coffee Shop na pinag-tratrabahuan mo" Saka ito umalis sa harap ko.

What in the world? Makikipag-live in ako? Seryoso? Isa pa namang playboy yan at isa pa Manwhore si Jhake.....

Napakagat labi na lang ako at agad na tinapos yung chapters na kailangang tapusin.

********

"France saan ka ba nagsususuot?" Sabi ni Grace sa akin.

"Grace sorry may pupuntahan lang muna ako" Sabi ko at umalis na ng tuluyan sa Campus narinig ko pang tinawag nito pangalan ko pero di ko na nagawang lumingon pa.

Saan nga ba ako pupunta? Malamang sa Condo ko shit lang buti tapos na lahat ng subjects ko.

Bakit nga ba niya kailangan gawin akong katulong niya? Eh ang yaman yaman naman nila bakit di siya mag hire.

Agad naman akong pumasok sa kwarto ko at lahat ng inimpake ko yung mga kailangan ko bale dalawang bag lang bitbit ko.

Lalabas na sana ako ng mag text si Mama.

From: Mama.
Anak, uwi kmi dyan ng April.

Kami? Okay na agad sila ni Papa? Wow bilis a.

To: Mama.
Okay na kau ni Papa? Agad?.

Nakalabas na ako ng unit ko at nandito na ako sa elevator hinhintay yung text ni Mama pero mga ilang minuto wala parin.

Nang nasa Labas na ako ng building agad may pumarada na taxi sa harap ko.

"Manong sa Adelaida's Coffee Shop po" Sabi ko.

Ng makarating ako sa Coffee Shop wala pa akong nakikitang Jhake kaya naghintay

"Oh, bakit may dala kang Bag?" Biglang dating ni Tita.

"Aah kasi tita-"

"Kanina ka pa ba?" Biglang Sulpot ni Jhake kaya napairap ako di oras

"Sabi ko na nga ba! Kayong dalawa na eh!" Sigaw ni Tita.

"Tita, hindi, wala namang namamagitan sa amin" Sabi ko.

"France kanina ka pa ba dito?" Tanong muli ni Jhake.

"Hindi, kararating ko lang din" Mahinahon kong sabi.

"Tara na" Sabi nito ngunit pinigilan ulit kami ni Tita Hays.

"Oh? San punta nyu?" Tanong nito "Live-in partners? Kung ganun Jhake alagaan mo pamangkin ko, Tas ikaw France sabi ng Doctor mo pumunta ka daw sa clinic dahil nag sabi ka daw na pupunta ka daw dun bukas."

"Opo tita" At sumunod na ako kay Jhake.

Tahimik kaming nasa kotse habang nagdradrive si Jhake ako naman ito nag soundtrip na lang.

"May sakit ka?" Pambasag nito.

"Wala" Matabang sagot ko.

"Eh? Bakit ka pupunta sa Doctor?" Nag aalala ba toh?

By the way kaya ako pupunta bukas sa clinic kasi ikakabit na braces ko kasi sungi sungi ipin ko up and down....

Yep dentista ang pupuntahan ko dahil wala naman akong sakit kahit anong sakit wala.

"Uy bakit ka pupunta sa Clinic?" Pilit nito.

Nirolyo ko mata ko at iniharap siya "Ikakabit na sa akin yun braces ko kaya please wag ka ng magtanong"

Good. Hindi na ito nagtanong pa.

Mga ilang oras din kaming nasa byahe hahah dejk mga dalawang oras lang kami...

Pumasok na kami sa Condo niya at sumakay na ng elevator....Ako busy sa paghahanap ng music at habang siya busy kakatext.

.......

"Eto, dyan sa kanan ang kwarto mo yang katapat mong kwarto which is yang kaliwa ay kwarto ko at ikaw na bahala dito linisin ang kalat at eto yun susi ng guest room at eto rin duplicate ng unit." Sabi nito "Aalis na ako eto pambili ng mga groceries at maglinis ka na dito" then naglapag ng madaming pera at umalis.

Eto lang ang masasabe ko... Penthouse din siya tulad ng akin pero eto talaga ang hindi ko gaanong tanggap.

Sobrang Kalat may yung mga libro sa sala naka handusay sa lapag, coffee table, tas yung mga throw pillow magugulo.....

"Jeez ang kalat" At agad akong nag ayos duon agad ko iyon inayos at nagwalis walis na rin....

Afterwards kwarto niya na sobrang kalat kasi may nakakalat na papel, crumpled papers, yung pinag higaan di manlang inayos....
Sunod kong destination ay banyo na nilinis ko din, then kusina Tinignan ko yung ref at wow! Tanging Pineapple Juice meron at wala yun lang....

Then next stop ang kwarto ko yey! Maayos ko na gamit ko.

Naglagay ako ng Pink na Kurtina at naglagay na rin ako ng kobre kama na kulay Carnation Pink at yun kobre ng Unan ganun din Carnation Pin yung Kumot ko Carnation Pink din.

Sorry naman at sadyang paborito ko lang yung kulay na pink...
Nilagay ko yun iMac ko sa Study Table at yung mga libro ko din merun din akong pocketbooks at inilagay ko Yun sa ano dun sa di ko na alam ang tawag dun basta gawa sa kahoy at nakasabit sa pader.

Yung mga damit ko nilagay ko sa cabinet at viola! Tapos na ako.

Napatingin naman ako sa wall clock at 6:15 pm na pala.....
Kinuha ko na yung twalya ko at lumabas kasi wala namang banyo ko.. At pumasok na ako sa banyo na katabi ng kwarto ni Jhake....

After 30 mins nag ayos na ako kasi mag-grogrocery pa ako.

Pregnant By A PlayboyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!