MGA PREMYO

2.7K 78 23
                                    

Shortlist

Ngayong taon, ang shortlist ay ibabalita sa ika-19 ng Oktubre, 2022. Walang nakatakdang bilang ng mga puwesto para sa shortlist, at ang lahat ng mga na-shortlist na kuwento ay makatatanggap ng:

Shortlist profile banner upang ipakita ang iyong tagumpay sa iyong mga follower

Promosyon sa Wattys profile sa Wattpad, at pagkakataong matampok sa kabuuan ng Wattpad

Shortlist badge para sa iyong kuwento

Mga Nagwagi

Ang posibilidad na manalo ng mga premyo ay nakadepende sa dami ng kabuuang bilang ng entry sa bawat kategorya. Mula sa shortlist, humigit-kumulang 535 ang kabuuang mga magwawagi (ang "Mga Nagwagi") ang mapipili. Lima ang pipiliing magwawagi sa bawat kategorya, kada lengguwahe (humigit-kumulang 500 na magwawagi). At limang karagdagang mga kuwento ang mananalo mula sa Paid Stories program ng Wattpad (maliban sa Ingles, kung saan 10 Paid stories ang pipiliin) sa bawat lengguwahe na mayroong Paid Program: English, Filipino, French, German, Indonesian, at Spanish (humigit-kumulang 30 magwawagi). Inilalaan ng Wattpad ang karapatang pumili ng mas mababa sa 535 nagwagi, kung, sa sarili nitong pagpapasya, ay hindi ito nakatanggap ng sapat na bilang ng mga eligible at kwalipikadong mga Entry.

Ang mga magwawagi ay matatanggap ang mga sumusunod:

Winner's social media kit upang ibahagi ang iyong tagumpay sa buong mundo

Promosyon sa Wattys profile sa Wattpad

Pagkakataong matampok sa kabuuan ng WattpadWattys badge para sa iyong nagwaging kuwento

Prayoridad na konsiderasyon mula sa Wattpad WEBTOON Studios para sa iyong kuwento upang maipakita sa mga partner sa entertainment at publishing

Mga Espesyal na Premyo

Mula sa lahat ng Nagwagi, apat (4) na karagdagang espesyal na premyo ang ibibigay:

Pinakamakhusay na mga Karakter (para sa kuwentong nagtatampok ng mga karakter na umugnay sa aming mga hurado at ninais naming suportahan sa kanilang bawat hakbang)

Pinakanakaeengganyong Mundo (para sa kuwentong may kahanga-hangang pagbuo ng mundo na tunay na nagpapaloob sa mga mambabasa)

Pinakamalaking Twist (para sa kuwentong gumulat sa amin gamit ang isang twist na hindi namin inaasahan)

Pinakanakabibighaning Hook (para sa kuwentong bumubuo ng isang ideyang fresh, imaginative, at kapana-panabik)

Ang mga magwawagi ng mga award na ito ay makatatanggap ng karagdagang pagkilala sa kanilang premyo sa Wattys website sa wattys.wattpad.com

MGA PREMYO NG WATTPAD WEBTOON STUDIOS 

Ang Wattpad WEBTOON Studios ("WWS") ay magkokonsidera, mula sa lahat ng nagwagi sa English, ng dalawang (2) Nagwagi, at mula sa Mga Nagwagi sa mga lengguwaheng maliban sa English, isang (1) Nagwagi kada lengguwahe - para sa kabuuan ng sampu (10) na Nagwagi - para sa entertainment adaptation offers ("WWS Entertainment Prize"). Bilang karagdagan, magkokonsidera ang WWS ng isang (1) Nagwagi sa Ingles lengguwahe para sa isang animation adaptation offer ("WWS Animation Prize"). Naghahanap ang WWS ng malawak na hanay ng mga tunay na kuwento sa ibat iba at marginalized na mga komunidad upang i-adapt para sa pelikula, telebisyon, at animation. Ang mga magwawagi ay kailangang magsulat ng kaniang orihinal na akda at komportable na maisapubliko ang kanilang pangalan.

Kokonsiderahin ng WWS Entertainment Prize ang isang kuwentong nagmula sa Wattpad na mayroong matibay na pinagbabatayan ng pagkukuwento, nakahihimok na mga karakter, at isang natatanging hook na angkop para sa adaptasyon sa pelikula at/o telebisyon. Naghahanap kami ng mga fiction entry sa lahat ng genre.

Kokonsiderahin ng WWS Animation Prize ang isang kuwentong nagmula sa Wattpad na mayroong matibay na pinagbabatayan ng pagkukuwento, nakahihimok na mga karakter, at isang malakas na visual at/o pagbuo ng mundo na pinakaangkop para sa animation film at/o adaptasyon sa telebisyon. Naghahanap kami ng mga fiction entry sa lahat ng genre na mayroong partikular na interes sa comedy, sci-fi, at fantasy.

Inilalaan ng Wattpad ang karapatang hindi ibigay ang WWS Consideration kung ang mga Winner submission ay hindi natugunan ang minimum criteria o hindi makaabot ang Wattpad sa commercial terms, sa sariling pagpapasya ng Wattpad, sa isang WWS deal. Ang tinatayang halaga ng premyo ay nakadepende sa nakikitang market value ng napiling entry para sa WWS consideration, ngunit magiging katumbas ng iba pang mga titulong pinagpipilian ng Wattpad WEBTOON Studios sa kani-kanilang bansa. 

GRAND PRIZE 

Ngayong taon, nagdagdag kami ng isang (1) Grand Prize winner sa bawat lengguwahe, na pinili mula sa lupon ng 535 Nagwagi. Kinakatawan ng mga Grand Prize winner ang mga pinakamahusay na kuwentong isinumite sa The Wattys 2022 at nakamit ang karangalan sa tatlo mula sa apat na espesyal na mga premyong nakalista sa itaas. Ang mga Grand Prize winner ay makatatanggap din ng cash prize na $5,000 USD.

Ang 2022 Watty AwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon