43 "What's going on?"

Magsimula sa umpisa
                                                  

"At talagang nagpunta pa sya." Bulong ni Tonsi.

"Alam mong pupunta sya?" pagtataka kong tanong.

"Tapos na akong kumain. Excuse me!" tumayo sya at umakyat na ulit.

"Tonsi, tinatanong kita." Napalakas na yung boses ko pero hindi nya ako sinagot.

"Anak, tapusin mo muna yang pagkain mo." Sabi ni papa sa'kin.

"Mukhang may karibal pala ang anak ko sa anak mo, huh Renz." Sabi ni tita kay papa. "Mas maganda na rin yun. Hindi kasi maganda kung magpapakasal tayo tapos sila din. Magiging magkapatid na sila kapag nagkataon." Dugtong ni tita.

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi nya pero hindi na ako nakinig sa usapan nila. Hindi ko kasi maintindihan kung paano nalaman ni Tonsi yung pagdating ni Cliff.

"Tapos na po ako." Tumayo ako agad at nagpunta sa kwarto ni Tonsi. Nakasarado yung pinto. Kakatok pa lang ako ng biglang nagbukas. Inabot nya lang yung phone ko then padabog na isinara yung pintuan nya.

"Wow ha! Thanks for keeping my phone!" umalis ako at pumasok na sa kwarto ko.

Pagcheck ko ng phone ko ang daming missed calls ni Cliff. Ang dami din nyang text messages.

From: Cliff

Please answer my call. I'm so worried about you. Are you okay? I miss you.

Si Cliff, miss daw ako?

From: Cliff

Pupuntahan kita. I wanna make sure you're okay. Wait for me, okay?

Heto ata yung sinasabi ni Tonsi na pumunta pa talaga sya.

Ako naman ang tumatawag kay Cliff. Nagriring na, then biglang papatayin.

Sinubukan ko ulit. Pero naka-off na yung phone. Kaya tinext ko na lang sya.

To: Cliff

Thanks for droppin' by. Kaya lang bakit bigla kang nagmadaling umalis? Ingat pag-uwi. I miss you too. See you tomorrow. Good night. <3

Message sent!

Grabe ang araw na 'to. Grabe ang mga lalaki. Undefined! Wagas. Pinapasakit nila ang ulo ko.

Sana bukas makapag-usap kami ng ayos ni Cliff. Namimiss na nya ako eh. May chance na magkagusto din sya sa'kin. Sana nga. Sana talaga.

Binasa ko ang lahat ng texts nya sa'kin simula nung umaga. Mga bukas na yung messages eh. Mukhang pinagbabasa na ni Tonsi. Kapal ng mukhang makibasa ng messages na hindi naman sa kanya. Kakabwisit talaga sya kahit kelan.

Feeling ko sobrang haba ng pinagstay ko sa bahay. Hindi ako sanay. Siguro dahil nasa ibang bahay lang ako. Tapos..... tapos nakasama ko pa yung taong pinakaiinisan ko..... Dati.

Hay naku. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Hindi naman kasi manghuhula para mahulaan kung anong nangyayari sa paligid eh.

Nagprepare na ako ng gamit para bukas pagpasok. Ang dami kong namimiss. Yung store, si Katy, yung classes ko na dapat hindi ko maibagsak. Hindi man lang ako tinext ni Katy. Sabagay, ako din nakakalimot kapag kasama ko na si Cliff.

Habang nag-aayos ako biglang kumatok si tita. "Torrence, gising ka pa ba?"

"Opo. Pasok po." Umupo ako sa bed.

Pumasok si tita at umupo sa tabihan ko. "Okay ka na ba? Kaya mo na bang pumasok bukas?" Tanong nya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Opo, tita. Okay na po ako. Malakas na po." Nagbibiro pa ako. Nakakahiya naman din kasi.

"Mabuti naman kung ganun. Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Ganyan lang talaga sya. Pero mabait naman yan." Paliwanag ni tita.

"Okay lang po yun. Naiintindihan ko." Kahit ang totoo eh wala naman talaga akong pakialam.

Napansin kong matamlay si tita. Siguro dahil wala pa syang pahinga.

"Torrence, boyfriend mo ba yung nagpunta dito kanina?" tanong ni tita habang nakatingin sa'kin ng diretso.

Natigilan naman ako sa tanong nya at medyo kinabahan.

"Hindi po. Kaibigan ko lang po si Cliff. Tsaka hindi po magkakagusto yung tulad nya sa isang katulad ko." Ansakit lang palang sabihin ang katotohanan. Napayuko tuloy ako.

"Anong ibig mong sabihin? Alam mo kung ako ang tatanungin? Gusto kita para kay Tony. Kaso hindi ko naman mapipilit kung may ibang laman na ang puso mo. Isa pa kung kami ng papa mo eh - " Tumigil si tita sa pagsasalita. "Habaan mo ang pasensya mo sa anak ko. May pinagdaanan kasi sya na ayaw nyang malaman ng iba."

"Tita talaga, mahaba naman po ang pasensya ko kaso hindi naman po ako manghuhula." Parang may ibang pupuntahan ang sinasabi ni tita pero hindi nya maituloy.

"Oh bakit? Alam mo bulag yang Cliff na yan kung hindi sya magkakagusto sa'yo." Pagpapatuloy ni tita habang inaayos nya ang buhok ko. Yung totoo? Mukha bang magulo ang buhok ko at inaayos nya? Naisip ko tuloy si mommy. Siguro kung nandito sya makakakwentuhan ko kaya sya about sa boys? About kay Cliff?

"Tita, mayaman po yun. Anak po kaya sya ng may ari ng school. Ang laki po ng agwat namin." Nahihiya kong sagot.

Biglang napatigil si tita sa pag-aayos ng buhok ko. "May ari ng school? Ng Airman Academy?"

Tumango ako. "Tsaka nagaasikaso na din po sya ng company nila. Kakaiba talaga sya, ang bata-bata pa nya pero ang dami na nyang ginagawa."

"Napakasipag naman pala nya. Si Tony din naman natulong sa iba naming business." Humarap sya sa'kin. "By the way, iha. Cliff Airman ba ang pangalan ni Cliff?"

"Clifford Airman po, tita." Sagot ko sa kanya.

Nakatingin lang ng diretso si tita sa'kin at hindi lang sya nagsalita. Parang ang lalim ng iniisip nya. Mukhang naiiyak sya pero hindi ko alam kung bakit.

"Tita." Sabi ko.

"Naku, may niluluto nga pala ako." Tumayo sya. "Matulog ka na at maaga ka pa bukas." Lumabas na sya ng room ko.

Ang weird ng mga tao ngayon. May mas weird pa pala sa'kin. Hindi pa naman ako inaantok. Pero kelangan ko na din magpahinga dahil maaga akong gigising. Miss ko na ang school.

Humiga na ako. Chineck ko ulit yung phone ko. Pero wala pa ding text si Cliff. Nakauwi na kaya sya? Di bale, mabilis lang ang magdamag. Magkakausap din kami bukas sa school.

Matutulog na ako ng marinig kong nag-uusap sila papa at tita. Hindi ko din naman maintindihan kaya pinatay ko na yung ilaw at natulog na ako.

Lord, sana po bukas maging okay na ang lahat. Kung pwede nga po umamin na sa'kin si Cliff eh. Promise ko po magsisimba na ako every Sunday. Amen. 

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon