43 "What's going on?"

38.6K 654 46
                                          

43

"What's going on?"

Ang dami ko ng itinulog. Nagising lang ako kasi kumakatok si papa sa pinto.

"Anak, dinner na. Bumaba ka na dun." Sabi ni papa.

Dinner na agad? Parang kakatapos ko lang maglunch ah.

Unat-unat muna then nabwelo pa pagbangon. Sarap ng tulog ko. Makatulog pa kaya ako nito mamaya?

Lumabas ako ng room. Pero hindi ko pa din maiwasang hindi mapatingin sa kwarto ni Tonsi. Pero dahil inis ako, bumaba na ako agad.

Pagbaba ko ng hagdanan nakita ko sya. Inirapan ko na lang sya dahil naiinis ako sa kanya.

Nasa table na si papa. Umupo na din si Tonsi. Si tita naman kinuha lang yung niluto nya. Umupo na din ako ng biglang may nagdoorbell.

"Ako na po ang magbubukas." Patayo na ako.

"Ako na lang. Kumain na kayo dyan." Sabi ni tita habang tinatanggal yung apron nya.

Nagstart na kaming kumain. Hindi pa din nagsasalita si Tonsi. Ni hindi man lang sya natingin sa'kin na ibang-iba sa nakagawian ko. Yung palagi ko syang nahuhuling nakatingin sa'kin tapos iiwas sya.

Ano ba yang mga iniisip ko! Kain na nga lang.

"Ang tagal naman ng tita mo. Sino kayang dumating? Hindi naman nya pinapasok." Sabi ni papa.

Tumayo ako. "Titingnan ko lang po papa si tita." Lumabas ako.

Papunta ako sa may gate. Nakita ko si tita na nakatalikod at parang may kausap.

"Sino pong dumating? Hinahanap na po kasi kayo ni papa." Sabi ko habang papalapit.

Napatingin naman sa'kin si tita. Nakita kong si Cliff pala yung dumating.

"Cliff, ikaw pala yan." Nakangiti kong sabi.

Tumingin sa'kin si Cliff then tumingin sya kay tita. "Hindi mo kasi sinasagot mga calls and texts ko. I got worried. Hindi ka kasi pumasok."

"Ah. Nawawala kasi yung phone ko. Pasok ka muna?" offer ko sa kanya.

Nakatingin lang sya kay tita. "No need. Nagmamadali din kasi ako." Tumingin sya sa'kin. "Chineck lang kita kung okay ka." Then tumalikod sya at nagmamadaling sumakay sa kotse nya.

"Cliff, wait! Cliff!" lumabas ako ng gate pero hindi ko na sya nahabol. Mabilis din nyang pinatakbo yung kotse nya at hindi ko maintindihan kung bakit.

"Ay! Araw ba 'to ng mga undefined guys?" nasususot kong sabi.

"Anong pangalan nya?" tanong ni tita.

"Si Cliff po." Pumasok na ako sa loob pero nakatayo pa din si tita. "Tita, may problema po ba?" tumigil ako saglit.

Isinara nya yung gate. "Wala naman. Kasi parang gulat na gulat sya nung makita nya ako. Tinatanong ko kung sinong kelangan nya. Hindi naman sya agad sumagot. Ang weird ng feeling ko." Paliwanag ni tita.

"Tita baka pagod and gutom lang po yan. Pumasok na po tayo sa loob." Sagot ko sa kanya.

"Siguro nga." Pumasok na kami sa loob.

Bumalik na din ako sa pagkain at sinimulan na din ni titang kumain.

"Sino yung dumating?" tanong ni papa kay tita.

"Cliff daw. Ang weird nga eh. Titig na titig sya sa'kin na parang may gusto syang sabihin. Eh itong si Torrence pala ang hinahanap. Nag-aalala daw." Sagot ni tita.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon