Hate or Love

124 3 12
  • Dedicated kay mga taong inlababu ;)

Ako nga pala si Claire, 17, isang College Student...

Nagbabasa ako sa classroom ng biglang may kumuha ng libro ko...

"Louis naman eh akin na yan!"

"Yung ano yung puso ko sige sayong-sayo na."

"Epal ka, akin na sabi yan eh"

Habang pinag-aagawan namin ang libro ko. Nagkalapit ang mga muka namin at nagkatitigan kami.

Oo nga pala... yan si Louis, ang epal kong kakalase... Bwisit yan ,promise...

"Hmm.. ewan ko sayo kung gusto mo yan edi sayong-sayo na" Sabay talikod ko at kasabay nun ay nag walk out na ko."

Nakakainis lagi na lang,nako kabwiset talaga yang si Louis.Lagi na lang niya kong iniinis. Hmmm kabadtrip.

"Uy Claire..."

Di ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad dahil inis na talaga ako sa kanya ikaw ba namang araw-araw kulitin okay lang sana kung crush ko ang mangulit sakin eh di sana masaya. Masaya?!? Ano ba tong pinagsasabi ko sasarili ko eh never pa naman ako nag ka crush ano kaya feelling nun?? Eh.. Tama na nga kung puro non-sense tong napasok sa isip ko ngayon...

"Claire?!? Galit ka ba? Sige ito na yung libro mo wag ka magalala di na kita guguluhin ulit."

"Geh akin na yan" Tinarayan ko siya at umuwi na ko sa bahay.

Pumunta na ako sa aking kwarto.

"Yes! Makakatulog na rin ako sa wakas."

~

Maya-maya...

"Claire..  Mahal kita...." Kabadong sambit ni Louis

"Louis! Mas mahal kita higit pa sa buhay ko" Malakas na sagot ni Claire na parang wala ng bukas.

~

Napabangon akong bigla sa kinahihigaan ko... WTF!?! Anong klaseng panaginip yun? My gosh ako magsasabi ng I LOVE YOU kay Louis? Never!

Ano ba yan di na ako makatulog... Ikot ako ng ikot pero di ko alam kung saan ako poposisyon. Kaya nagdesisyon na lang akong magfacebook...

Paglog-in ko di ko alam kung bakit pinindot ko ang profile picture niya at gustong-gusto ko tong titigan. "Ano ba to bakit ko ba tinitignan tong picture niya." Kaya yan pinatay ko na lang ang computer namin at humiga na lang ako sa kama.

Di talaga ako mapakali, bakit ko ba siya naiisip. Bakit?? Sabay sumangi sa isip ko yung ng yari kanina sa school. Yung part na nagkatitigan kami. "Waahhhhh bakit ko ba siya iniisip! Kainis pero pag iniisip ko siya ligaya ang nararamdaman ko at hindi galit bakit kaya.Bakit?"

Maya-maya pa... Buti na lang dinalaw na ko ng antok... "AHHH" pag hikab ko. Pero sana di ko mapanaginipan yang si Louis. Ano ba yan Louis na naman hay nako antok lang to matutulog na nga ako.

Kinabukasan...

TIRIRIRIT! TIRIRIT!*

"Hay umaga na naman.... 5:00am palang naman eh... 5mins pa.." Pagkatapos kong umidlip...

"A-a-ano??? 6:00am na!! Ano ba to 30mins na lang late na ko..." Kinuha ko na ang kailangan kong kunin at ginawa ko na ang kailangan ko gawin... Syempre wala akong kasama dito na pede kong masabihan ng paalam eh nasa dorm kasi ako eh.. Nakikitira for short.. Dami ko pag siningit palalate na nga ako. Sabay takbo ko papunta sa school.

"Good morning Ms.Angeles, sorry im late."

"You may take your seat."

"Thank you Ms.Angeles" kahit kailan talaga bait ng profesor namin sa English buti siya ang first teacher ngayon kung hindi baka kung ano na ang ng yari sakin.

Nagulat lang ako dahil palaging may kumukulit sakin pero ngayon kahit isang Claire na ng gagaling sa bibig ni Louis ay wala... Siguro nga nami-miss ko na siya... At siguro talaga tinotoo na niya ang sinabi niyang "Wag ka magalala di na kita guguluhin ulit."

Dumaan at lumipas ang 1 buwan na di niya ako pinapansin. Di niya ako kinukulit. Ewan ko para bang ang sakit sakin na di na niya ako pinapansin. Siguro nga mahal ko na siya...

Kaya sinubukan ko siyang kausapin.

"Louis.."

"Claire ikaw pala...muxta na?" Nakangiting tanong ni Louis.

"Louis!" Sabay yakap ko sa kanya.

"Bakit may problema ba??" Nagtatakang sagot ni Louis.

"Louis wag mo na ulit gawin sakin yun ahh. Mas gusto ko pa yung kinukulit mo ko kaysa di mo ko pinapansin ang sakit lang kasi" Nakangiti kong sabi ngunit lumalabas na ang luha sa aking mga mata.At tinanggal ko na ang pag kakayakap ko sa kanya

"Oo sige hindi ko na gagawin yun akala mo ako lang ang nasaktan nung nilayuan kita? Ako rin ang sakit sakin namawalay sayo kasi... kasi ano...." Hindi pa niya tapos sabihin ay pinangunahan ko na siya.

"Kasi mahal mo ko? Pero wag ka mag alala mas mahal kita!" sabay yakap ka ng mahigpit at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi.

"Ma-Ma-Mahal mo ako?!?" Gulat na gulat na tanong ni Louis.

"Oo!! Alam ko namang ganun din ang nararamdaman mo sakin di ba?"

"Oo... Mahal na mahal din kita Claire..."

_____

Sensya na first time ko lang gumawa ng one-shot eh.. Sana nagustuhan niyo :))

PS: Basahin ninyo na rin po ang pinagkakaabalahan kong story "Shyness Break Me Down"

Hate or LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!